Biyernes, Mayo 23, 2014

NOMADS LIGHT


Salamat sa poong may kapal, higit sa lahat...
Sa bathala ng kalikasan na patuloy na gumagabay sa atin sa kabundukan,
Makakalikasang araw, hapon o gabi po mga kapatid

Bago paman maging laman ng mga songlist ng mga cellphone niyo, bago pa man sumikat ang awiting ito, malalaman niyo ang nakapaluob na mensahe, kung paano nabuo ang mga salita at kataga ng awiting ito.

Orihinal na liriko ng awiting sinulat ni kap Chad Grey


 --------
   "Nomads Light"
Itinirintas kona ang palapang tuyo
Tatlong minuto nalamang at sisindihan ko ang dulo nito
Iaangat sa kagubatan, magliliwanag ang kadiliman
Makikita mo ang daan, lalayas mga ahas
Magiging ligtas ang iyong hakbang...

Wag ka masyadong mangangamba, kapag
   ako o kami sa dilim ang iyong kasama
Kahit sabihing nagloloko ang mamahaling ilaw na nakakabit
   sa iyong noo...
Kung talagang hindi na kaya, pwede na mang tumagay
   at maghintay nalang ng umaga
Sana lagi nating, iisipin, ang oras ay ginto
   kaya dapat h'wag nating sayangin...
 --------



Ang aming munting prinsesa si "Chabeng", bunsong kapatid ni "lawlah" dalawang araw pagtapos niyang mailibing, pagod na katawan, sanhi ng pagpupuyat sa lamay, gutom at dami ng iniisip. Nasa piling na siya ng lumikha masayang nakangiti at naglalaro. Para sayo ito, mahal ka namin kasama ni tito Chad mo.

Enero a-otso, dosmil katorse, sa ganap na alas 4:20pm, natapos ang sulat ng "anim na minuto at dalawang segundo" (6mins 2sec.) Nanaginip?! o Binangungot?! Nagbalik tanaw sa gunita ang kaganapan noong oktubre ng taong 'dalawang libo at siyam' (2009). Pagtapos pumanik ng bundok Irid, kasama ang ilang kaibigan. Nagpasyang mag pa-tianod sa ilog mag isa, kung saan dadalhin ng agos, bahala na. Sa halip na sa malawak na bahagi ng ilog mapadpad, sa isang maliit na bahagi ng ilog nati-anod at dinala ng agos, lampas Daraitan, sumabit na ang mga paa sa mga bato ng ilog, patunay na nasa mababaw na parte na ako!

May nakita isang katutubo, "Inoh", ang pangalan niya, nasa ilog ng mga panahon na iyon, nakatitig lang sa basang basang katawan ko, habang naglalakad papunta kay Inoh, may dumating pang tatlong katutubo, mas maliit sa kanya, inaya si Inoh sa kanyang 'silo', may nahuli daw siyang baboy damo, kanilang pupuntahan ng makakain naman ang buong tribo.

Basang basa, inayos ang gamit at sumama sa kanilang paglalakad, pang lima sa grupo, ang isang oras sa akin ay 30 minuto lamang sa kanila, pagod na pagod, masakit pa sa mga paa. Gutom na at papawala na ang liwanag ng aandap-andap na headlamp, tumagal sila sa kakahintay dahil pirmi ang hingi ko ng "take 5",  na pahinga, ganun pala kalayo ang lugar na kinaroroonan ng 'silo' ng baboy damo, na kung walang mabagal na si ako, dali dali sana nilang mapuntahan ito.

Madilim na, wala ng makita sa daan, tuluyan ng hindi sumindi ang kaninang pumupugak pugak na headlamp, huminto si Inoh, bago pumasok ng pusod ng kagubatan, may inipon at kinuha, maririnig ang kanyang pagdating may hatak hatak siyang 'tuyo', na palapa ng niyog, mainam daw gawing 'sulo', sa madilim na gabi sa loob ng kagubatan, tinitirintas niya ang bawat hibla ng palapa, hangang pwede ng sindihan at magsilbing ilaw sa daan, binugkos nila ang mga palapa at ginawang 'sulo', para sa mabagal na pagod at gutom, na hindi na makita ang daan. Kaya kasi nilang lumakad ng mabilis kahit na walang ilaw, akoy nagsilbing pabigat.

Nakarating sa paroroonan nakita ang nasilong baboy, sa pusod ng Siniloan, lugar hindi tiyak kung saan, kinatay ang nahuli, nag salo salo kasama ang ilang katutubo at ilang kabataan na nagtatakbuhan, sa maliit na komunidad na nadatnan, naka salamuha ng ilang lokal, at ilang mga walang saplot pang-itaas, naka maong na shorts lamang, masarap ang usapan at kwentuhan, palitan ng saluobin at pananaw. Salamat sa nakakapagod na gabi, at sa pinagsaluhang nasilong baboy damo, nawala ang lahat ng pagod. Mga naka "nga-nga", na namumula mga gilagid mga nakaharap at nakainuman ng lambanog, nakangiti, na minsay di maintindihan ang mga salitang tinuturan, akoy nakikiayon lang.

Malalim na ang gabi, sa araw ng bukas dadalhin ang mga paa sa isang napakagandang tagong talon sa Siniloan, sa taas at ganda ng talon, may kwebang nakatago, pilit na pinapasok ng mga katutubo, naway magawa ko din yung ganoon. May mga nakatago daw sa loob nito, maaring kayaman, maaring ginto, kaya pinasabog ito, ilang buwan naraw ang nakalilipas, may mga nasakripisyo at kinuhang mga buhay, nakakalungkot! tsk, tsk. Ilang araw na, kailangan ng bumaba, tanging bilin nila kung babalik, huwag na muna magsama. Bago bumababa may mga aral na natutunan, at habang buhay na nakaukit sa diwa at kamalayan.

Makalipas ang ilang buwan pinasyang bumalik, pumanaw na daw si Inoh sa katandaan, wala na ang mga batang minsang nakasalamuha at katakbuhan, may mga kendi at laruan pa namang bitbit para sa kanila,  wala na ang napaka gandang talon na minsa'y nasilayan, di na mapagliguan at mapaglaruan. Sino ang may kagagawan? Lumayo na ang mga katutubo sa lugar, nabulabog?

At tuluyan ng nagising, sa panaginip o bangungot? kumuha ng panulat at papel, kailngang di mawaglit ang mga kataga at salita sa gunita ay nakatanim, anim na minuto at dalawang segundo natapos ang kathang awitin, nilapatan ng areglo, kaya ito na ang naririrnig niyo.
Sa tuwing papanik mag isa, sa kahit anong bundok na maisipan, di na nagdadala ng ilaw o mamahaling headlamp, humihila na lamang ng naipong tuyong palapa ng niyog at ititirintas ng makabuo ng 'sulo', para magsilbing liwanag sa daan.

Salamat 'Inoh', nasan ka man naroon ngayon kaibigan, sa aming munting prinsesa dahil alam kong ginabayan niya ako sa pagbuo at pagsulat ng awiting ito... dalawang araw ng mailibing ka, nami miss ka na namin. Alam kong masaya kana, sa bawat tipa ko kay "Oyong" ang aking gitara at bawat araw na aking kinakanta ang awiting ito, ikaw at ikaw ang aking naalala.
Salamat sa bathala ng kalikasan at kabundukan sa patuloy na lakas na binibigay at pinagkakaloob.

Enero a-sais inilibing ang aming prinsesa, Enero a-otso ng managinip ako!
Para sa iyo ito Chabeng...

Sa ngayon, kapag makakasama niyo si Kap Chad, sa kahit saang bundok o piging o salo-salo, at kapag may gitara , jembe o kahit ano pamang instrumento, hindi pwedeng hindi niya ito aawitin. Isa po ito sa personal kong gusto, sa marami niyang sulat na kanta, at alam ko na sisikat at makikilala ang awiting ito. Magkita kita tayo sa bundok Mara'at, kung nais niyong marinig ito na siya mismo ang bibira! Itaga mo yan sa malapad kong noo!!!  ;-p




Huwebes, Mayo 15, 2014

BUNDOK MARANAT


Medyo Masayang Pakinggan o Basahin:
Sapol labing limang buwan na ng una kong maakyat ang tinatawag naming paraiso ngayon, paraisong maituturing sapagkat kakaiba ang taglay na ganda at animo'y na bato-balani ka ng bundok na ito, ang mga puno, ang mga talon, nag lalakihang bato o boulder sa ilog, ilang yungib, magandang trail, mga puno at ilang halamang sa bundok lang na ito matatagpuan.

Hindi ka naka akyat ng Mara'at kung hindi mo makikilala si Ate Julma, siya ang huling tindahan bago mo pa madaanan ang unang punlaan, kilala sa masarap ng kulay ubeng biko, pansit bihong pipigaan ng kalamansi at lalagyan ng sukang paombong, nilagang itlog, at mga sopdrink, at ibat ibang uri ng kakanin, nagsisislibing una at huling pahingahang may bubong kapag papunta at pauwi kana ng Mara'at.

At ang tatay Nestor, hindi ka naka akyat ng bundok Mara'at kung hindi mo siya kilala. Itinuturing naming lahat na pangalawang ama, sa ilan ay tito ang tawag nila, napakabait na kaibigan, ama, guro, lolo sa nag iisang apo, tatay sa mga nag gagandahan a nag ga-gwapuhang mga anak, mabuting asawa kay nanay Juliet at siyempre kami mga ilihitimong anak na nag paampon na sa tatay Nestor. Mga kapatid ang turingan, kahit na hindi halos magkakilala, kaisa sa diwa, kaisa sa hangarin at mithiin, kapatid sa lahat ng bagay lalo na sa pangangalaga ng mahal na paraisong Mara'at. (Mara'at =  halamang makati, na sa bundok maranat lamang matatagpuan. Ito ang unang tawag ng mga katutubong dumagat o lokal sa naturang bundok.)

Huling linggo ng Pebrero 2013 ang kauna-unahan kong panik sa bundok Mara'at, pagkatapos mag bandit run sa Energizer sa BGC sa Lungsod ng Taguig. (huwag niyo akong tularan sa pag-bandit), natapos ang karera ng alas otso ng gabi, dali daling bumiyahe pa tungko sa bulacan, dahil may isang grupo ng nag hihintay sa akin, ang mga bagong makikilala at magiging kapatid. Alas onse ng gabi na ako ng nakarating, hinintay ng kahuli hulihang biyahe ng jeep pa licao-licao, nag abang sa akin sila Kap Erik, kasama ko sa Transbay Bundokeroz na nag pakilala sa akin sa bundok Mara'at, Si Kap Ace, pinuno ng Travel Tipid, Si Kap Isko ng Iskwater, si Kap Aras, Kap Jackie at ilang perstaym na hiker din sa Mara'at.

Nagkasama na pala kami ni Isko ng sabay kaming maglakad magmula sa MOA (Mall Of Asia), hangang Luneta para sumoporta at tutulan ang paglalagay ng hagdan sa bundok Apo (sa Davao). Si Kap Aras unang batch siya ng Team Hawk Eye ni Master Sky Biscocho sa Explo ng Mariveles Ranges. At Si Kap Ace, sa kanyang ikalawang bundok at ikalawang beses na panik ng bundok Mara'at.

Dumating ng payapa sa paraisong Mara'at ng mag uumaga na. Nakilala ang mga artista ng Mara'at, hehe sa pangunguna ni Tatay Nestor, Kap Avol, Kap Edwin, mga nauna sa amin duon na siyang nag iingat na ng kagubatan bago pa kami naka akyat duon. Tahimik na gumagawa ng mga bagay para sa kagubatan, kalikasan at sa mahal na Mara'at, para sa ikagaganda, ikauunlad ng nasabing bundok. Dumagdag lang po kami sa mga humahabang sumusoporta sa pag iingat at pag papayaman ng nasabaing bundok. Rehabilitasyon ng kagubatan, pagtatanim ng mga Puno o Halaman na sa bundok lamang na ito maaring mapatubo at mapalaki, at mga gulay.

Para po sa kaalaman ng karamihan, ang Mara'at ay parte ng Ipo Watershed, kaya kailangan ingatan, pangalagaan at protektahan. KAPATID??? bakit nga ba? Dahil malaking porsyento ng tubig na nalabas, sa tubo ng ating mga gripo dito nag mumula, mas malalim kong ibabahagi ang kaalamang ito sa aking mga sususnod na sulat. Malalaman mong naka panik ka na ng bundok Mara'at kung ang tawagan niyo ay "KAP", dinaglat ng salitang kapatid. Isang Payak na salita na ibinahagi ni Kap Chad (Grey), simula ng una naming pagkikita sa Mara'at! Patuloy na yumabong, lumawak at kumalat ang salitang 'KAPATID', hindi usyal na ma'am at sir na nakagawian ng mga umaakyat sa ngayon. Nagmula sa ibat ibang grupo, organisasyon at samahan, na mayroong iisang layunin at hangarin, kaya nabuo ang "Kapatid Maranat" at ang Sagip Kagubatan.

Napakarami na pong blog's patungkol sa bundok Mara'at (Maranat). Maari niyo pong mabasa ang ilang inilalahad nilang iteniraryo. Isa po ako sa mga kapatid na malimit niyong makita, malamang nakasalamuha niyo na, nakasabay sa trail, nakatawanan, naka basagan, nakabiruan at iba pa, halos linguhan po kaming nasa bundok na ito, lalo pa kung wala akong major climb, na sa kahit papaano sa abot ng aming makakaya ay mapaganda at maisaayos ang nasabing naghihingalong kalagayan ng Mara'at, at ng iba pang parte ng Sierra Madre Ranges.

Naway Makatulong sa inyo:
Mula sa Edsa:
* BUS na Sapang Palay o Tungko ang tatak sakyan niyo -------- p60
(Ordinaryong Bus napo ito, p70 sa Aircon kung hindi po ako nag kakamali, mag pababa po kayo sa Tungko, palatandaan po Jollibee o BDO Bank o Shell gas station, lakarin niyo nalang papuntang terminal ng Licao Licao sa may Mini Palengke doon.)

* JEEP na Biyaheng Licao-Licao, o Rambol ------------------------ p27
(45 minutong biyahe, Pawala wala napo ang signal ng telepono dito, sa tindahan napo ni inang ang baba niyo,(licao-licao terminal) ung may gate na may Videoke, maaring gumamit ng palikuran bago magsimulang mag-trek.)

* Trike pa San Isidro Iskul o Barangay na mismo -------------------- p30
(kung gusto niyo lang po, may rehistrasyon sa barangay maaring isulat niyo ang pangalan niyo o ng grupo niyo, may p10 silang sinisingil dito, si hepe Bong po ang maari niyong kontakin kung nais niyo ng Guide pa Mara'at o pa Balagbag.)

* Magmula sa Licao-Licao (tindahan), Maaari na kayong magsimulang mag lakad, hangang Mara'at, depende po sa bilis niyo mga 2-4 oras po ito. Kung mag trike naman kayo sa barangay na po kayo mag sisimulang mag lakad pa mara'at mga 2 oras po ito. Sa mga perstaymer po dito mas mainam na kumuha ng guide. Kung makakasabay niyo naman isa sa amin kapatid, maari po namin kayong sabayan wala pong bayad.

* Sa camp site na ng Maranat (kubo ng tatay Nestor). Wala pong bayad ang rehistrasyon, ilista lamang po ang inyong pangalan sa log book na iaabot o ibibigay sa inyo ng tatay o ng sinumang maabutan niyo dito.

* Pareho po ng Main Jump-off ang bundok Balagbag at bundok Mara'at, kaya minsan may gumagawa po ng Twin Climbs dito. Binabandera po ng Mara'at ang ilan nitong talon (Falls). At maniwala po kayo, hindi sapat ang buong araw para mapuntahan lahat ng ibinibigay na ganda ng Mara'at. Maari po tayong mag, clean-uP, Tree Hugging, Tree Planting, Trail Run, Bouldering, Cave Explo, Fall's Explo atbp..

Medyo Di-Masayang Pakinggan o Basahin:
Hindi po talaga natin saklaw ang pananaw at kaisipan ng bawat isa, mapa kapatid man o hindi, malimit pa po naming marinig sa iba pang mountaineer ang mga di gaanong magandang 'puna' o 'saluobin', wala po kayong naririnig na reaksyon mula sa amin, patuloy po kami sa ginagawa namin sa tinatawag nating paraiso, sa bundok Mara'at. Wala po kaming dapat ipaliwanag. Para po sa lahat ang ano mang ginawa namin sa taas, sa ating mga magiging anak at sa hinaharap. Hiling ko lang po sa ganoong kaisipan, magpunta po kayo sa lugar at alamin niyo po kung ano ang papel ng bawat isa sa amin. Tanungin niyo po ang mga naunang pumanik sa inyo sa mahal na Mara'at, o kaya kayo po mismo kausapin niyo kami, ng malaman niyo ang tunay na dahilan kung bakit kami palaging naroon. Hindi po ang makinig nalamang sa mga sabi sabi sa ilang taong nais lamang manira o di man lang kami kilala ng personal.

Nais ko lang iparating na WALA PONG SINISINGIL na BAYAD ang Tatay Nestor o kahit sino pong kapatid o kasapi ng Sagip Kaguabtan, na palagiang nasa mahal na tahanan. Wala pong SINISINGIL na GUIDE FEE ang sino mang kapatid Maranat na Palagiang naroon.
Kung hindi niyo po alam ang papuntang Maranat, at nais niyo ng guide sa Barangay San Isidro po kayo makipag ugnayan, hanapin niyo lamang po si Hepe Bong, tutulungan po kayo niyang makahanap ng guide, at kayo na po ang makipag usap at makipag kasundo sa inyong magiging bayad. At kung matiyempuhan niyo po kami sa trail o makasabay sa jeep, LIBRE po namin kayong ihahatid at sasamahan sa mahal na Mara'at. Pagpalain po tayong lahat ng bathala ng kalikasan.

Magkita-Kita po tayo sa naghihingalong paraiso, at ipanumbalik natin ang dati nitong ganda.
Naway makasama namin kayo sa mga susunod na hakbang o pagkilos kontra sa mga nakakakulungkot na tanawain sa mahal na paraiso. Tahimik po kaming gumagawa ng paraan, upang mapigilan ang tuluyang pagkasira ng mahal na Mara'at, sa aming munting nagagawa, at  sa iba pang parte ng Sierra Madre. Alam naming kaisa namin kayo!

Aktibong Miyembro ng:
Xtreme Trekker Mountaineering Society Inc. (xtmsi) 2002
Sagip Kagubatan Para Sa Kinabukasan Corp. 2013, at Team Maranat

Omeng Sandoval x-057 Impinidad







qlyyanina