Huwebes, Agosto 14, 2014
Kumander HAKILINA . . .
Maligayang Bati Mahal ko. . .
Kita mu nga naman, magkasabay pala kaming nakapanik ng Mahal na Bundok Maranat noong isang taon, huling linggo ng Pebrero, isa pala siya sa mga nag-abang sa akin kasama ng ilang Kapatid sa Maranat, mga kilalang Pangalan pag nabanggit ang Maranat, sina Kap Isko, Kap Ace, Kap Aras, Kap Avol, Kap Edwin, Kap Erik at iba pang unang perstaym sa Maranat! Matagal-tagal nadin ah, siya ang nag-iisang Rosas sa Grupong Tagot, (Tagalog Outdoor) na pinamumunuan ni Kap Isko, Kap Fonzie at Kap Mike. At isa sa mga Amazona ng Mahal na Maranat.
Naging palagian nadin ang panik niya sa Bundok na ito, at kadalasan mag-isa siyang napanik, opo lampas sampu narin niyang binabalik-balikan ang naturang Bundok, akyat ng umaga, pag-kagaling sa Opisina sa Boni, magdadala ng Supplies sa Taas, sa mga Tatay, makikipag laro kay Justine (bunsong anak ni Tatay Nestor) magpapahinga at matutulog sandali, at bababa bago pa maabutan ng huling biyahe ng Jeep pabalik ng Tungko. Madalas siyang sumama sa mga Outreach Climb's ng Grupo niya, sa pagbibigay tulong sa mga lokal at katutubo sa kabundukan, na salat sa pagkain, gamot, damit at iba pa nilang pangunahing pangangailangan.
Maraming ulit na din niyang nabisita ang tinatawag ng marami na tambayan, tahanan, paraiso o ano pa man... Bakit nga ba hindi, sa taglay na ganda nito, sa trail palang, sa mga Falls, at sa mga taong masasalubong at makikilala mo dito! Sa madadaanang tindahan, partikular kay Ate Julma, dina kailangan i-eksplika kilala siya ng mga pumapanik ng Mahal na Maranat! Kung hindi mo siya kilala, hala oi, may kulang sa itineraryo mo! hehehe
Ahh, matagal na pala kaming nag kasalubong, nagkita at nagkadaupang palad, ilang ulit nading nagkakwentuhan at parati ko daw siyang inaasar pag nagkaka-panabay kami sa Bundok Maranat! Isa kang tahimik na RAKenROL na babae, na bukal ang puso at bukas ang kamalayan sa pagtulong sa mga nangangailangan, mapa kapatagan, o kabundukan. Alam mu namang isa ako sa taong mahilig magbansag at magbigay ng taguri! ehehe Kumander Hikilina, napakaganda...pasok sa banga heheh. Ang Buong Pitak na ito ay para sa iyo Momi Nguso, at Mahal ko . . . Isa kang mapagmahal na Anak sa iyong mga Magulang, kapatid, kaibigan, kasama sa Kabundukan at kapareha...
Hunyo a-otso dosmil katorse, maulan, sa Junction Campsite ng Papuntang Tuktok ng Bundok Sicapoo sa Ilocos, sa may tent, ibinigay ang matamis na "OO", sabay abot ng isang kaha ng salaming pantakbo, ang kanyang ini-regalo... kalakip ang maliit na tala nakapaluob ang mga salitang pagbati at bilin at kumpirmasyong Green Light na! Pwede ko ng hawakan ang kamay niya haha. Yumakap nalang ako at humalik sa noo, paniyak magiging maganda ang pag tangka ng grupo naming akyatin ang Penguin ng Sicapoo... At hindi nga kami binigo ng Inang kalikasan at Bathala ng Kagubatan, ang dalanging magandang Clearing ay ibinigay at sinobrahan pa! wew! Iba talaga mag-treat si Inang Kalikasan...
Ortigas, lugar ng aking pinagta-trabahuhan, nakatanggap ng Mensahe at imbitasyon mula sa Kapatid sa Maranat na may sobrang dalawang Ticket daw sila ng Transformer-Age of Extinction, alas nuwebe ng umaga sa Mega Mall... Di na nag dalawang isip pa tinanggap ko ang imbitasyon at niyaya si Kumander Haki... Pagkalabas ko ng alas siyete ng umaga, inantay na siya, maging sila Kap Ren at Kap Bunso Ai, aba at unang perstaym, double date baga! haha, napakaganda ng pelikula, mas masaya kasama ang tropa at si Kumander! Salamat po...
Dumating si Soleus 50K Valley Trail Run, Hunyo 29,2014, Sa Nuvali, Sta Rosa Laguna, kailangan namin ng Support Team ni Kap Alvin para sa mahabang Takbuhang nilahukan, naduon ang kanyang suporta, sapat na para magbigay ng dag-dag na lakas at push sa mga sandaling napapagod na at nahihirapan na, para din sa kanyang Climb Buddy na si Kap JP ang takbong iyon.
Bit-bit ang pabaon niyang power bar, at pamahid sa mamumulikat na mga hita at binti (ano mang oras sa karera hehehe!) Sa mga kuhang larawan at paggawa ng aming kape, at pag hilot ng mga pagod na mga kalamnan, at sa pagsama mo sa amin, at sa akin mismo...Salamat po . . .
Sa makailang beses na pagdalaw sa Mahal na Bundok Maranat, makailang beses ko lang nakasabay sa trail si Kumander Haki, heheh pirmi kasing solo climb dayhike ang bagsakan niya ehehe, pagkagaling trabaho sa Mandaluyong, sasakay ng bus pa Tungko, mamimili ng stocks para sa taas sa mga tatay at nanay, magti-trek mag isa, konting pahinga sa taas, tulog, at larga na ng hapon, uuwi pa kasi at papasok ng alas nwebe ng gabi!
Nakakasabay ko lang siya kapag may Event Climb kami, o Outreach sa paligid ng Sierra Madre, at pag nati tyempuhang weekends . . . Alala ko pa unang sabay namin pauwi kasama si Kap Mimay, haha naligaw kami pa Highway Trail . . . At-least natunton ko ang isa sa limang trail pa Maranat! haha Ligaw Mountaineer, Boom Panott!!!
Parehas ng hilig, uhm.. kumain ng marami at ng kung ano-ano haha, pero kasi kunwari healthy living kami, puro gulay, mga gud for the heart na pagkain, salamat sa impluwensya ng Kapatid sa Maranat na sila Kap Satya at Kap Jhun, hehe, gulay pampahaba ng Buhay . . .
Kung food trip ang usapan magkakasundo kami niyan, basta dala ko ang gamot kong pangontra sa mga pagkaing di gano nahugasan o nalinis, magkakaroon kasi ng mapa ng pilipinas ang balat kalabaw ko hahaha! (napakaselan ng balat, hindi naman kagwapuhan)...
At sa wakas natuloy din ang planong mag-deyt sa Escolta Manila, trip na masilip ang nakaraan, makita ang minsa'y naging sentro ng komersyo, bago pa mailipat sa Makati ang lahat...ibat-ibang simbahan at bahay dalanginan.Salamat sa Lokal na pamahalaan ng Manila at unti-unti nilang binubuhay at ibinabalik ang dating sigla at ganda ng Escolta.
Hindi pa pagod,
balak naming diretsuhin ang pagbalik at pagsilip sa nakaraan, masariwa ang mga kaganapan noon, sumilip sa Intramuros, "sa loob ng mga pader", lakad trip dinaanan ang mga makakasaysayang simbahan at mga establisyimento, mga unibersidad sa loob ng mga pader!
Nanumbalik sa kanya ang kanyang buhay kolehiyo. Nakita ko ang kasabikan at kasiyahan sa kanya. . . Tumuloy sa Fort Santiago, "moog ng santiago", nakilala ng lubos si Idol Pepe... Iba ka Idol.. you're simply the BEAST . . .
Mas lalo naming hinangaan at ipagmamalaki si Idol kahit kanino.., mga gawang katha niya, ang museo na ginawa para lang kay Gat Pepe, walang kaparis, taas kamay . . . pinagmamasdan ko si Kumander at masaya akong makitang nakangiti at masaya siya. Salamat sa magkahawak na kamay na pagbalik at pagsilip sa nakaraan...
Matapos ang pag papakain at pagbigay lakas sa kaluluwa sa pamamagitan ng pagsilip sa ilang Simbahan sa Manila, pagbulong ng mga dasal para sa sarili at sa mga mahal sa buhay, oras naman para sa katawang mortal. Sa dami ng aktibidades ng katawang lupa, isang reward naman para sa aming dalawa ni Kumander...nagawi sa isang Malaking Mall sa Maynila, naghanap ng mapag-papahilutan, ayun nakakita ng magandang lugar na may magandang Package, para sa Buong katawang Masahe... hay's rapsa . . . matapos ang isang oras na pag papahilot, back to gulay food... haha, Salamat po sa pagsama Kumander!!!
Namiss ang matagal ng Kasama sa Mahal na Maranat, Kapatid na Chaddylito, hehe Bansag ko sa kanya, nagtext makailang ulit na, dalawin daw namin siya sa Pasig sa Kweba niya, hehe eksakto magkasunod na Oras lang ang labas namin ni Kumander, mula Crossing Shaw, Sumakay lang ng pa Antipollo, baba ng Jenny's sa may Pasig... Kinatok ang Kweba ni Kap, sa wakas nagising sa loob ng kalahating Oras na paghihntay... Food trip ulit at Kantahan sa Rooftop ng kanyang Tahanan . . . Dito niya sinulat ang kathang "Ihipana-aw" ... Nakita din si Kap Koi at ang bago niyang Transportasyon si "Alon", puting bisikleta, sayang tulog pa ang kanyang anghel, si "Agos Mithi"... Di bale meron pang nekstaym... heheh Salamat Kumander...
Nakilala ang pinakamatalik mong kaibigan at ang kanyang kapareha sa buhay, Ma'am Quiel, Bezzie ni Kumander at si Kap Rush, salamat sa makulit at makulay na gabi ng kainan sa isang sikat na Karihan sa Luob ng isang Sikat na Mall sa Makati. . . Nakita kong napakasaya niya, akala ko tapos na, bago pa pumasok sa Trabaho niya ng alas nwebe at bago pa matapos ang Gabi, nakaresib ng napakahalagang mensahe Buhat sa kanyang Ama . . . Ramdam ko ang kaligayan niya, kasiyahang nag-uumapaw sa puso. . . Kadlawa natin noong a-otso, dalangin kong dumami pa at tumagal, Maligayang Bati, Maligayang Kaarawan sa iyo Mahal ko . . .Di lang pala ikaw ang dapat mag pasalamat sa dag-dag na buhay sa iyo, at sa pamilya mong nakapaligid na nandyan palagi, maging AKO, dahil nakilala kita at naging tayo . . .SALAMAT PO.
Mahal po Kita . . . Kasama ng aking Yanina . . .
Ngiti Parati Para sa iyo ito . . .
qlyyaninako...
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)