Biyernes, Nobyembre 28, 2014

YOLANDA: NAGA pa-TACLOBAN (duha)




Salamat sa Diyos...



YOLANDA: Naga, Pa-Tacloban, Pagda-dagdag ng Paketeng dadalhin at paghahanap ng masasakyan patungong Kabisayaan! Ang 6 wheeler na dala namin buhat Pasig naging 10 Wheeler sa tulong ng mga Bicolanos! Re-Packing, Karga-dito, Karga doon ang sistemang inikutang sistema ng Grupo doon..



Ikalawang Kabanata;



Natapos din ang aming matagal na pag himpil sa Naga City, eksayted ang Bawat isa sa aming tumuloy na ng Tacloban, sa Barge na masasakyan kami nag ka problema, walang masasakyan patawid sa kabila.

Alas kwatro ng madaling araw, halos hindi na nakatulog ang grupo, handang handa ng tumulak pa Tacloban matapos ang ilang araw na pamamalagi dito. Eksayted na ang lahat medyo kinakabahan na din, halo ang nararamadaman, umalis ng JMR Coliseum at naglakad ng halos Dalawampung Minuto, patungong ABS-CBN Naga, Nakakatuwa nadagdagan ulit ang mga bitbit namin pagdating sa istasyon, marami pong Salamat.

Madilim palang nauna na sa amin ang mga kasundaluhan na i-eskort kami patungong Pantalan ng Pio Duran, para ligtas kaming makarating sa lugar , mahigit tatlong oras na biyahe patungong pantalan.



 ABS CBN Naga - MOR 93.5 Station.


 Katabi ang mga Kasundaluhan na umeskort sa amin

                            Nakaka-kaba sa una, pero di nag tagal naging panatag na din kami



                           Napakadilim ng paligid, alerto ang mga Sundalo sa Kapaligiran.

Sa haba ng biyahe, mahabang katahimikan ang bumalot sa kapaligiran, wari nag mamatyag at nagpapakiramdaman ang bawat isa, lalo na ang mga kasundaluhan, Sa tinutumbok na daan ng biyahe ng Sasakyan ay delikado daw, talamak ang Balita ng mga panahon na iyon ang pag harang sa mga Relief Trucks na papuntang Pantalan, kaya lahat ay alerto, sa pagod ng katawan at sa layuning magkaroon ng sapat na lakas sa pag putok ni Haring araw, unit-unti kaming na idlip sa mahigit tatlong oras na biyahe! Salamat sa mga Sundaling umalalay sa amin at tumulong! Muli ang taos pusong pasasalamat namin sa inyo! 



Ala Una ng Hapon bumiyahe na kami, umalis ng Pantalan ng Pio Duran patungong Tacloban via LCT Lily Princess
                          alas siyete kwarenta y kwatro  ng umaga dumating kami sa Pantalan.

 Ilang oras nalamang at masisislayan na po namin ang Tacloban, pag baba sa Pantalan ng Pio Duran, agad na ibinaba ang mga gamit, isinasaayos. Handa ng ikarga ang Truck namin sa Barge, bitbit ang dalangin at at pag asang maraming matulungna ang Grupo at ibang grupo na kasabay namin!

    
                    

                  Ito po kami sa Barge, Munting ispasyo para sa amin sa aming Bitbit na Truck!


                                    

Dumating ng alas dos y medya ng hapon ang sinasakyang Gabara (Barge) ng Grupo sa Pantalan ng Tacloban, hinihhintay ang Clearnace mula sa Philippine Ports Authority na makadaong ang sinasakyan namin. Malayo palang tanaw na ang animoy Arko na Tulay ng San Juanico, ang sabi pa sa amin ng kasama namin sa Barge, bawal daw ang tao sa Tulay, pero malayo palang tanaw na naming napakaraming tao ang nag aabang ng kung ano, malamang mga sasakyang pandagat o pang himpapawid na patungong Tacloban, nagsisigawan sila at nag papalak-pakan, lalo pa ng dumaan na kami sa ilalim ng tulay, nagtatakbuhan sila patungo sa direksyon na tinuturo naming puntahan nila.

 Malapit sa pantalan ng Tacloban... makikita mo sa kaliwa mga Islang winasak ni Yolanda, maraming taong naka-abang, nag tatalunan. Mga sulat sa lupa o semento na tanaw mo mula sa Barge, na nagsasabing "HELP" . . . Lahat kami sa Grupo ay na-tahimik na naka masid, sa loob ng 10 minuto wari nagkaisa kaming hindi kumibo, malaya naming tinignan ang mga nakikita ng aming mga mata, pag kaawa, at lungkot ang aming nararamdaman, wasak na Isla, sirang mga kabahayan, istrakruta, gusali, taniman at mga pangarap na wasak . . .

San Juanico Bridge

                                       
Malapit na, Yan kami Res-Q-Wrkx (Conquer)

May sumalubong sa amin, dalawang bloated na katawan na bumangga sa Gabara, na buong akala namin palutang-lutang na troso lamang, isang nakatihayang namamagang katawan, na malalaman mong tao dahil sa kamay na naka-angat . . . ilang minuto lamang ang nakalipas isa pang inaakala naming troso ang papalapit sa Gabara at babangain muli, isang nakataob na namamagang katawan na buhok nalang halos ang pag kakaka-kilanlan . . . 

Naalala ko pa, pinahanda na sa amin ang Maskara, at mga gwantes, ng matanaw na namin ang Isla, ang kasama kong malaki katawan sa bandang kaliwa ay nanlambot ang tuhod sa nakita, saglit siyang naka bitaw sa pagkakahawak sa bakal, sabay bulong, "hindi ko yata kakayanin ang gagawin natin..." . Sinabi ko nalang, "relaks nandito na tayo, at nagkaisa tayo sa mga dapat nating gawin at hangarin! Dasal kalang Kapatid, makakaya natin ito . ."
 
Heto na po kami Mahal na Tacloban, parating na kami, kahit papaanoy, makakatulong at makapag bigay ng kahit konting ngiti, sa inyong mga Labi . . . at kahit papaanoy, pag-asa, na nandito kami.. nandiyan si Big bro. .. Salamat sa Diyos.
 
Sandali nalang

Nakalutang ang Gabara mga ilang Kilometro Tanaw ang Pantalan ng Tacloban, wari isang eksena sa pelikulang "I am Legend o Zombie Land", tanaw sa kinalalagyan namin ang dalawang helicopter na paikot ikot sa Isla mistulang may hinahanap o tinitignan, ang luha ay nag simulang gumilid sa aking mga mata ngunit pinilit kong magpaka tatag sampo ng aking mga kasama sa Grupo, halong kagalakan at pagkaawa ang aming nararamdaman ng mga oras na iyon, wala kang maaninag na maayos na establisyemento, lahat ng gusali at kabahayan ay pawang wasak at sira, maliban sa isang gusali na kulay asul na matatag na nakatirik sa kabila ng wasak na kapaligiran, ito ay ang Simbahan ng mga Kapatid sa Iglesia.

Sa mga gusto pang makita ang iba pang Larawan, paki check niyo po ang Facebook page link na ito!

https://www.facebook.com/rommel.c.sandoval/media_set?set=a.10200360662618361.1073741863.1808874435&type=3


TEAM RESQWORKS-CONQUER

Team Leader: 
Jonnel Ong lacaba

Team:
Joel Gayoso
Gutierez Grey
Peter John Andaman
Marlon Prudente
Erwin Manes
Angelo nagara Palomo
Toto Ramos
Omeng Sandoval


 * Dagdag sa grupo Mula Naga:
Grace lim ( Vanessa )
Kuya Lito
 - mayroon silang Pamilya na Nasalanta sa Tacloban na buong linggo silang walang balita, nakiusap na sumama sa grupo namin sa pagpunta sa Tacloban, at bilang kapalit tutulong daw sila sa Reapcking na ginagawa namin ng mga panahon na iyon.

Koi Grey - Hindi na nakasama, gawa ng may Karera siya ng Sabado, araw ng pagtulak namin pa-Tacloban. Salamat Kapatid, naipanalo niya ang Karerang nilahukan. Alay Para sa Tacloban. 

*** Grupong Nabuo mula Pasig Hangang Naga City.

si Yolanda - http://en.wikipedia.org/wiki/Typhoon_Haiyan

Mga Susunod:

YOLANDA: Tacloban, Pa-Guian Eastern Samar, preparasyon ng pagtulak pa Eastern Samar, ang nakakalungkot na Mukha Mula Tacloban biyahe patungong Guian Eastern Samar. Pag bibigay kahit papaano ng konting Pakete sa mga nadaraanan, mahal sa buhay ng isang miyembro sa Team at iba pa.

YOLANDA: Guian E.Samar patungong Homonhon Island, ang paghimpil ng Grupo ng ilang araw sa Guian E.Samar, ang pagtulong sa amin at pag ampon ng CARD Group na ang layunin din ay ang Tulungan ang kanilang kababayan, pagtulong at paghahanap ng masasakyan pa Isla ng Homonhon!



Para saiyo ito...
qlyyanina@kumander
impinidad