Miyerkules, Disyembre 3, 2014

BUNDOKERONG (mananakbo)




Salamat sa Lumikha ng higit sa lahat. . .





 BUNDOKERONG . . .


"Umakyat Ka ng Bundok ng MAKABULUHAN at may DAHILAN, at maging RESPONSABLENG MAMUMUNDOK - Bundokerong Mananakbo"
 

Ano nga ba ang ibig sabihin ng gamit kong palayaw? Inisyal na papasok o yuswal sa isip niyo malamang ay, "Fun Runner?" "Marathoner?" "Trail Runner?" "Mountaineer?", o WALA LANG!!!  As in Waley, Deadmalu, hehe. Totoo naman kung babasahin mo lang ang Alyas ko o ang Palsipikadong pangalan ng blog ko,  iyon kaagad ang papasok sa isip mo, so ano naman ginagawa niya? Ay malakas yan, natakbo eh! Sa bundok pa, hindi lang basta sa patag, ahh malakas umakyat ng bundok yan, ahh papansin lang yan at kung ano-ano pa!

BUNDOKERO, unang una Mahal ko ang Kalikasan/Kalgubatan at Kabundukan, kaya ng magsimula akong umakyat ng Bundok maraming taon na ang nakalilipas, umibig kaagad ako at napa mahal sa taglay na ganda ng inang kalikasan, blah blah blah. . . . usyal na palaging naririnig sa mga Mamumudok na Kapatid natin, tama naman po, pero bukod sa pag papanatili ng likas na yaman ng Kabundukan, at pag iingat nito, ano pa nga ba ang SILBI KO? Napakaraming magagandang dahilan ang maari niyong isagot panigurado po ako, at paniyak mas maganda pa sa isasagot ko.

Kasalukuyan po akong miyembro ng isang grupo, na nag babantay at nangangalaga at tahimik na nakikipag laban sa pag babalik Yabong, at Pagpapanumbalik, Pagsasa-ayos ng Kabundukan, partikular sa Sierra Madre! Bakit ko nagamit ang salitang "laban?", ipag paumanhin niyo napo ha, alam kong hindi lang sa Sierra Madre ang Labis na nabubugbog na Bundok, nasasalaula, nakakalbo, nasisira, at darating sa puntong magiging isang nakaraan nalamang ito! Isang bagay na ayaw nating mangyari, ang hindi na maabutan ng ating mga anak o apo, at lalo na ng mga susunod na lahi o henerasyon ang Kalikasan at Kabundukan . . .

Alam ko hindi madali ang kinakaharap ng Bawat Mamumundok na tahimik na lumalaban sa gantong aspeto, maniwala ka sa sasabihin ko, marami napong nawalang buhay sa labang ito, at patuloy pang dumarami,.. Bakit? Malakas ang kalaban, ni miultimo ang ahensyang dapat mangalaga dito at Lokal na Gobyerno ay walang magawa? Bakit? uhm. . . . Bakit kaya sa tingin mo? Malamang MALAKAS ang nababangga! Pera-Pera? Dalangin ko lang po matapos na at masulusyunan ang lahat ng Problemang kinakaharap ng mga Kabundukan at Kagubatan natin, at mangyayari po  iyan, kung ang bawat Mamumundok ay mag tutulong tulong, kasama ang mga inihalal na TOTOONG nagmamalasakit! Mahirap, OO, pero kayang masulusyunan yan!!

Nang simulan kong akyatin ang Bundok Maranat, dito lang sa Norzagaray, Bulacan. Huling Lingo ng Pebrero Dos-mil Trese! Halos lingo-lingo na po akong napanik dito, napanik mag-isa, dayhike o overnight, minsan nightrek, ilang beses napo akong naligaw, tatawa lang ako, isang dahilan kaya ko nalaman ang 5 sa 6 na daan dito, mga daan ng lokals, ng mga Mamumundok, at ng mga Hayop sa lugar mismo. Ibang Klaseng Bato-Balani ang binigay sa akin ng Maranat, dahilan para i-organisa ko ang kauna-unahang Outreach sa Camp Site mismo ng Bundok Maranat, kayla Tatay Nestor! Sa halos Lingo-lingo kong pagpanik, inalam ko napo ang mga kailangan ng mga lokals dito, kung sino at ano ang aking dadatnan, inalam kung ilan ang bilang ng mga bata, at kanilang pamilya, kung Dumagat ba ito o Kalahati o hindi na, kung kulot paba ito o unat na! Sa Paligid ng Sierra Madre napakarami ng nagaganap na Outreach o pagtulong at pagbibigay, hindi lang sa Maranat, kundi sa Paligid at sa ibat-ibang Kabundukan pa o Kapatagan... Maraming Grupo na po ang nag simulang mag abot ng tulong at pag-asa . . .
Naway hindi sila magsawa, hindi kami magsawa, bagkos lalo pa po kaming madag-dagan...

Sa totoo lang maraming hindi nakakaunawa ng aming ginagawa, buhay na saksi po ako sa mga nagtatanong na bakit daw namin ginagawa ito, ano daw ang makukuha dito, at paano daw po simulan ang gawaing ganito? Sa paglipas ng panahon unti unti nilang nasasagot mismo ang kanilang mga katanungan. Naway makasabay at makasama namin kayo sa mga ganitong Adbokasiya.


Nagsilbing inspirasyon sa akin ang mga nakakasalubong kong lokals na may bitbit na sako-sako ng uling, mapa bata o matanda, nakakalungkot... dahil naubos ang mga Puno.. at ang mga bata sa murang idad ay nag ta-trabaho ng p80 kada sako ng panahon na iyon. Sa ngayon kasi p100-120 na kada sako, depende pa kung tag-ulan o tag-araw! Ang magiliw na pagbati ng mga Magulang nila habang bitbit sa noo, hangang likod ang bilang ng mga sako... ANO ang Magagawa ko para dito? Paano ako makakatulong? Saan? Sugpuin? Pigilan ang Pagpuputol? o Hanapan sila ng Alternatibong Pangkabuhayan? Saka gawing Pangmatagalang Solusyon? . . . Pwede diba? 

Kasama ko ang aking Mother Team na "Xtreme Trekker Mountaineering Society Inc." (Xtmsi). S.E.C Registered po kami (SEC NO. : CN 200302147). Hindi na ako nahirapang kunin ang loob nila ng maipaliwanag ko ang plano ko. Ng mga panahong yun, ako po ang tumatayong VP ng 12 Year Old Team! sa edad kong trenta y sinko ako pa po ang isa sa pinaka bata sa Team. hehe . . . 


Matagumpay pong naganap ang Kauna-unahang Outreach Climb sa Camp Site mismo ng Bundok Maranat, kayla Tatay Nestor, sa halos Dalawang Buwan kong linguhan panik dito, hindi pa ganun karami ang napanik nun, 12 na kaming pinakamarami nun, mga naabutan kong Mamumundok din at Environmentalist . .  Kap Avol, Kap Edwin, Kap Isko, Kap Aras, at iba pa...  Malugod nilang tinanggap ang Alok kong mag Organisa ng Outreach Climb para sa  mga Dumagat (o hindi man) at sa Mga Lokal na Tao sa Lugar, at sa Tatay mismo! Simula nun, nag kasunod sunod na po ang Outreach Climb sa Lugar, sa Paligid at ilang parte ng Sierra Madre, partikular sa Karahume, Sa Ilas, Sa Inuman, Sa Balagabag (San Isisdro) at iba pa. Noong mga panahon na yun hindi pa Akyatin ang Bundok Maranat.  Hulyo nung isang taon pumutok ang Panik ng Maranat . .  hangang sa dumami na huling sangkapat ng Taon (2014) !


Bundokerong Mananakbo - - - Bundokero = Umaakyat po ako ng hindi lang basta makita ang Ganda ng Inang Kalikasan, Hindi lang po ako Umaakyat ng Bundok para sa mga Bagong Gamit pamumundok (na wala naman talaga ako, ukay maari pa!) Umaakyat po ako ng Bundok ng may DAHILAN . . . Gawin nating MAKABULUHAN ang BAWAT Panik at Akyat nating ng Kabundukan. 

Para Makatulong sa Kalikasang Unang una, sa mga Lokal sa Kabundukan, Bukod sa Ehersisyo sa katawan, stress buster nga po sa trabaho dahilan ng marami, maging ako. Hindi po natin mapipilit ang ilang naakyat ng bundok kung gusto lang nilang mag liwaliw, o pa piktyur lang, maging maingat at bukas lang. LNT lang po. . .  LEAVE NO TRACE . . . (ano yun?)
Matututunan at Malalaman din ng iba ang dahilan at rason, sa tamang panahon.

"Umakyat KA ng Bundok ng MAKABULUHAN at may DAHILAN, at maging RESPONSABLENG MAMUMUNDOK - Bundokerong Mananakbo"


 
Maraming Mountaineering Group po ang nagsasagawa o nangangasiwa ng BMC (Basic Mountaineering Course), para sa mga wala pa. . . mayroong may Bayad, mayron namang wala o libre, hanap lang po at tanong sa FB at ilang sites, pinag tatalunan pa po yan ng marami kung Dapat pabang mag BMC o Hindi na! Ano sa tingin niyo?

 


Food Feeding, mga Damit Kasuotan (luma o bago) basta naisusuot pa at nagagamit, mga BINHI na maaring itanim sa lugar na pag darausan para sa Tree Planting, (native ba ito o indemic  atbp.) Gamit sa Iskwela o Iskul Supplies, Tsinelas, Pansapin sa paa, na magagamit nila. Gamot, Medisina at Bitamina, para sa mga lokals ng Kabundukan, para sa kanilang mga Anak, Sangol at sarili.
Kung may mga Available na Duktor, Grupo ng mga Duktor, Dentista at iba pa.
Isang nakakalungkot na katotohanan, mas masigasig po tumulong ang Banyaga kaysa sa ilan nating Kababayan. Ganun po siguro talaga. Hindi bale at least may mga Kababayan tayong napaka laki ng kontribusyon na ayaw ng pabanggit ng pangalan, TAOS PUSO po kaming nag PAPASALAMAT . . . PAGPALAIN po Kayo ng Poong May Kapal. . .


Salamat sa Bathala ng Kalikasan at sa Lumikha, sa Patuloy na lakas na pinag kakaloob sa akin at sa Mahal ko sa Buhay, mga Kaibigan at Kapatid. . . Padayon!



Napakarami na pong Grupo ang nag-Oorganisa ng mga Outreach Climbs, Climb for a Cause, at iba pa, Hindi lang sa Sierra Madre, kundi sa buong Kapuluan, Kabundukan, Kapatagan, Siyudad at sa mga Lugar na nangangailangan ng konting tulong o kalinga.. Konti nga ba!? . . .

TARA USAP Tayo . . . (Tito Boy Abunda)
MALIIT na BAGAY . . .(Aling MAliit)


Pagpalain po Tayong Lahat ng Bathala ng kalikasan, Maraming Salamat po, Padayon!


Aktibong Miyembro ng:
Xtreme Trekker's Mountaineering Society Inc. (xtmsi) - (SEC NO. : CN 200302147)
Omeng Sandoval x-057 infinity ( bundokerongmananakbo )
Sagip Kagubatan
Kapatid Maranat








qlyyanina@hakilina
impinidad