Linggo, Abril 26, 2015
Maikling Kwento (usa)
Maikli lang ito promise...
Mapagpalang araw po, naging masyadong bisi sa mga gawaing medyo makabuluhan, sa trabaho at sa ilang personal na bagay, dag dag pa nito ang patuloy na pag putok at pag sikat ng Bundok Maranat... haha. Nabasa at nahagip ng aking mata ang post na patungkol sa kubeta sa taas, matagal ng umiikot sa social media gaya ng facebook ang usaping ito, ngunit nananatiling tikom ang bibig ng mga taong pirming naroon sa taas, eka sino ba sila kasi?
Sa pag tahimik ba, ibig sabihin wala silang magawa? O pinapabayaan lang ang mga batikos at puna, O maari namang hindi lang ninanamnam ang ibig sabihin ng mga larawan at mensahe ng kumakalat na paksa... O mas mainam na manahimik nalamang at gumawa ng walang satsat, O sabi nga nila sa wikang ingles, "let's walk the talk",
Hustong tatlong taon na ng una kong naakyat ang Bundok na Maranat, gaya ng mga nauna kong pitak patungkol sa Bundok na ito, na batu-balani din ako ng lugar... ito ng Bundok na lampas isang daang ulit ko ng naakyat, lalo pa kung wala akong Major Climbs... BAKIT??
Ampangit naman ng lugar, kalbong kalbo, kaya ikinakalat sa Social Media na wag ng akyatin ang lugar, may sumisigaw sa bandang ilalim ng napaka habang thread ng paksa, sa kung dapat bang akyatin ang naturang Bundok... Magtanim daw ng mapalitan ang mga pinutol na mga puno,. bigyan daw ng pang matagalang pag kakabuhayan ang mga mag uuling...makipag tulungna sa lokal na sangay ng lugar, Gobyernong sangay na makakatulong sa pag papaunlad at pagtulong sa pag bangon ng bundok, sa mga bantay ng lugar?
Mas mainam po bang makipag tulungan na lamang kayo sa mga grupong TAHIMIK na nag hahanap ng solusyon sa pag babago ng lugar? Mga indibidwal at grupong naroon mismo sa lugar, na palaging nakikisalamuha sa mga lokal doon? Bagamat wala ka ng makitang "pure" na Dumagat sa lugar panay mistiso na at remuntado ...
Mas makakatulong kaba kung hindi ka papanik? Makakatulong kaba kung mag sasasat-sat kalang sa social media? Makakatulong kaba kung pupuna ka ng mga bagay na maapektuhan ang mga TAHIMIK na kapatid na Mamumundok na pumapanik doon?
Teka ano ba kasi ang ginagawa nila dun? Namin doon? Dito? Mahiwaganag tanong,.
Tama at maganda ang LAYUNIN ng mga panawagan at ilang mensaheng kumakalat sa social media, pero sapat bang paraan ito para makanti o magising, kalabitin sa balikat ng mga nag bubulag bulagang sangay na dapat sanay sila ang nangunguna dito? hindi SILA? KAMI? IKAW? Sino?
O mas mainam na magtulong tulong nalang tayo sa mga proyektong nakalatag para sa pag papanumbalik ng yabong at ganda ng lugar... MANIWALA KA... Maraming pamamaraan.. Hindi ang pag post sa SOCIAL MEDIA na alam na alam nating MARAMING SA SAWSAW na walang alam sa kung ano man ang sinabi niya... at TUNAY na kinahaharap ng lugar . . .
OO KALBONG KALBO eh, ibig po bang sabihin pagpuputol ng puno ang problema?
OO Maraming Mag uuling eh. ibig po bang sabihin pag kakaingin ang problema?
O sa TINGIN mo may MAS MALALIM na kinahaharap ang BUNDOK?
Uulitin kopo, TAMA ang LAYUNIN ng Panawagan (maari), pero Maaring MALI ang PAMAMARAAN ng pag kakalat (siguro)...
Maikling kwento ng isang mananakbongmamumundok... na kasama sa TAHIMIK na gumagawa ng paraan para sa PAGBABAGO sa lugar, naway makasama namin kayo, sampo ng aking mga kapatid sa taas , na kaisa sa mga layunin at hangarin natin...
MARAMI po TAYO, Panagako, nasa paligid lang sila . . . TAHIMIK . . .
Pagpalain tayo ng Bathala ng Kagubatan...
Padayon mga Kapatid . . .
Aktibong Miyembro ng:
SAGIP Kagubatan Para sa Kinabukasan Corp.
XTMSi at Kapatid Maranat . . .
qlyyanina@hakilina
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)