Miyerkules, Hunyo 24, 2015

TNF Run KO, para kay Gabriel



Salamat sa lakas na bigay ni Ama...


MADUGO ang Trail, ang aking naturan matapos kong takbuhin ng mahigit walong oras ang karera inabot ko naman ang kulang kulang 60.58km sa itinakdang 100km akin sanang tatapusin.




Kap Gabriel
Inaalay ko kay Gabriel De Vera ang aking takbo, sa kanyang batang edad na 25 taon, nakikipag laban siya sa sakit na Bacterial Meningitis.
Matalik siyang kaibigan ni Mam Wheng bagong kakilala na sumoporta sa katatapos lang naming Outreach sa Karahume Elementary School.
At ng maipalam ko sa aking mga kapatid sa TMTR ang pinag-aalayan ko, dagli din nilang niyakap ang aking ginawa. Inalay din ng TMTR ang kanilang takbo para kay Gabriel.

Hunyo 18,2015, nakarating sa akin ang balita buhat kay kap Mackie, na hindi na kinaya ni Gab ang sakit at paghihirap, pumanaw na po siya at sa sumunod na araw ay na-cremate.

Hindi man kita personal na kakilala, ni hindi pa kita naka daupang palad, tanging larawan mulang ang aking nasilayan, Outdoor man ka din kapatid... Alam ko nasa piling kana ni Ama sa Langit.. Matsala...

Magkakaron po ng Tribute Climb Para sa kanya, ang kanyang mga Kaibigan at kasama sa grupo, sa Hunyo 27-28, 2015. Sa Bulacan. Bundok Balagbag-Bundok Maranat Twin Hike. Lahat ng pondong Malilikom ay ibibgay sa pamilyang naulila ni Kap Gabriel.


 - - - - - - - -




Isang araw bago pa tumulak ng Nuvali sa Sta.Rosa Laguna, para ihanda ang sarili sa pinaka madugo kong takbo, namin ng TMTR sa kina-aabangang patakbo ng The North Face... TNF100km... Unang pagkakataon kong tatakbuhin ang ganito kalayong kilometro...

Hunyo onse dosmil kinse, tanghali pumitik na kami kasama si kap Roger, kapatid din sa TMTR (Team Maranat Trail Runner), na makakasama ko sa isang daang kilometro. Si kuya Jake, nagsilbing piloto namin gamit ang sasakyan ni kap Bino, sumama bilang support team namin sila kap Shelou at anak-anakang si Jayzone Todoc.

Kinabukasan naman dumating pa ang tatlo sa TMTR na tatakbo ng 22km. Sila kap jhayR, kap Mark at Kap Skyler. Dagdag suportang dumading sila kap Aaron, na nag dala ng pagkain, kap Mariel, kap Jonathan para sa ilang pagkain din.

May isang taon pa para sa revenge run na tinatawag nila, isa ako sa na DNF (Did Not Finish) sa huling cut off para last Aid Station para sa 58.3km. Mahigit sampo kaming hindi umabot sa huling AS nayan, pero masasabi kong naging totoo ako sa ipinangako ko bago pa ang karera, na hinding hindi ako susuko at bibitaw, inaamin ko hindi sapat ang training ko sa karerang ito, pero di sumagi sa isipan ko ang mag pa dnf, tirik at init ng araw, halos hindi na makaihi sa pagkaubos ng tubig sa katawan, buti nalang at hindi na heat stroke, sobrang teknikal ng trail, maka ubos lakas na assault at down hill sa bundok at sementadong patag, halos nobenta porsyentong rope segment pataas at pababa, ilang kilometrong bouldering at tawid ilog.




TMTR
Hindi nakapag tatakang sa unang AS Turning point palang marami ng sumuko at nag pa dnf, kung hindi ako nagkamali ng nakita dalawang jeep napo ang sinundo at ibinalik sa starting point.

Nagabot ng suporta pang gasulina ang Sagip Kagubatan, at nag dag-dag din si Kap Aaron, at ang masarap na pagkain na handog ni kumander hakilina bilang pabaon at suportang trail food para sa akin at sa team. Bitbit ang mga pagbating suporta at panalangin ng mga kapatid na naniniwala sa amin. Daghang Salamat po.



Maayos at Ligtas na natapos ng mga Kapatid na sila Kap Mark Smith, Kap Jhay-R Hechanova at Kap Skyler ang 22km Run nila, Saludo. Sa unang AS palang ay nahirapan na ang Kapatid na si Kap Roger, dahilan para sa sumunod na AS hindi na niya tinuloy ang Takbo, nagkasugat po ang kanyang hinlalaki sa paa, ako po tumuloy hangang sa last cut off  AS, hindi po ako umabot, isa sa naging problema ko ay ang pag kumpiyansa, kaya maging aral po sana sa lahat ng Mananakbo, patag man o Kabundukan, isang daang porsiyento palagi sa bawat Hakbang at Talon at Takbo. 

Sa iyo Ama ang lahat ng kalwalhatian..

Qlyyanina@hakilina
Impinidad



Lunes, Hunyo 1, 2015

XTMSI



Ang aking Inang Grupo sa pamumundok. . .



xtmsi 2002

Nagsimula ang lahat bilang isang Libangan ng Grupo, binuo ng ATP na kung saan ang pamumundok ay isa sa kanilang akdibidades. Nobyembre 23-24, ilang empleyado ng ATP ( P1 & P2) ay naakyat ang Bundok Talamitam,  sa Naaugbu, Batangas, may taas na 2,959 feet above sea level. Ito ay pinamunuan ni Romel Sanglay at ang Montanara Outdoor Group. Ito azng pagkakataong kami ay naging isa at nag buklod. At dito na nagsimula ang lahat. Ang aming pasyon sa pamumundok ay yumabong at aming napagyaman. Nang matagumpay na naakyat ang Bundok Talamitam, noong Disyembre 07,2002. Inorganisa ni Arnel Austria ang ikalawang pag akyat ng bundok, sa layuning mabuo ang grupo.


Ito ay ginanap sa Bundok Maculot, sa Cuenca Batangas. Labing apat kami magkakasama noon, at mula sa bilang na yun, bumuo kami ng mga opisyales na tatayong pinuno ng grupo. At pumili nadin kami ng opisyal na pangalan ng grupo, at dalawang pangalan ang lumutang at lumabas. AMKOR TECHNOLOGY MOUNTAINEERING SOCIETY, INC. at X'TREME TREKKERS MOUNTAINEERING SOCIETY, INC. Dahil hindi kami nabigyang approval na isama sa pangalan ng grupo ang kumpanya, napagpasyahan naming gamitin ang X'TREME TREKKER MOUNTAINEERING SOCIETY, INC. Enero 30, 2003, XTMSI ay opisyal na nai-rehistro sa SEC bilang non-profit organization.


Pang limampo at pito, palang akong miyembro ng grupong  ito, ang XTMSI at malaki ang respeto ko at pasasalamat sa inang grupo kong ito.. Naway magsama sama pa tayo sa mga akyatan, pagtulong sa kapatagan maging sa kabundukan, at patuloy na magkaisa sa mga naiising makabuluhan ...


Pagpalain tayo ng Bathala ng Kalikasan at ni Ama... Matsala.. Padayon..


Sa iyo Ama ang lahat ng kalwalhatian...

X-057 Infinity

qlyyanina@hakilina

impinidad