Martes, Hunyo 28, 2016

KAMALAYAN






Salamat AMA ng higit sa lahat, 

Mga PAMBIHIRANG Karanasan . . .
Mapa Kapatagan o Kabundukan...Para sa KALIKASAN, KATUTUBO para sa KINABUKASAN,Maging Mulat, Maging Bukas at Matutong Humakbang . . .



Minsan ng naimbitahan ang Grupo sa ilang Istasyon ng Radyo, upang maipakilala ang Organisasyon, kung ano ang aming Misyon at Bisyon, at ano ang nais naming iparating at gawin, hiling namin sa mga pag sasa ere ng aming mga panawagan at panayam, marami ang makanti at mamulat, kung hindi man may mga pag kakataong sila na mismo ang hahanap ng datos at detalye, at maiisip nilang, tama ang aming nais iparating at sinasabi.



Sa loob ng Istasyon
Nitong nakaraang Pebrero 20, 2016, naimbitahan ang Organisasyon na magpakilala sa Radyo ng Bayan -DZRB 738Khz sa segment nilang "Kita mo na? Galing ng Pinoy", na pinangungunahan nila Sir Popoy Pagayon at Sir Rolly "Lakay" Gonzalo. Sa kanilang Istasyon sa PIA Bldg. Visayas Ave Quezon City.

Mga Panauhin ng araw na iyon ay ang mga Inventor na sina Layl Christian Herbosa, at Doctor Daniel Orijuela, 
at kami ni Kap Aras (Vice Chairman - Sagip Kagubatan PsKC.)  Omeng Sandoval (Secretary - Sagip Kagubatan PsKC.)

Masusi nilang inusisa at inalam ang aming saloobin  sa kalagayan ng mga kabundukan bilang isang Mamumundok, ang aming masasabi, at parte upang matulungan ang naghihingalong kabundukan, sa pag ka kalbo nito at walang habas na pag sasalaula sa ating kalikasan, partikular sa mga kabundukan.  
Naihatid po namin ang aming mga saloobin at ilang hakbang upang kahit papaano ay magkaroon ng magagawa ang isang ordinaryong 'Juan', na kagaya namin.


Sir Popoy Pagayon at Ako
Kap Aras, Sir Popoy at Ako


Muli kaming naimbitahan sa isa pang Istasyon ng sumunod na buwan, isang malaking karangalan maimbitahan at maipakilala muli ng mas malalim ang Organisasyon, maiparating ng malaya ang aming adbokasiya, maibahagi at maipalaganap ang mga layunin at aming naisin.

Adbokasiya din ni Kap Jay Daniel Chuong, ang pagpapanumbalik ng kaberdehan sa buong kabundukan, pagtulong sa mga katutubo at pag tatanim ng mga puno ay isa sa kanyang sinusulong bilang representante ng Davao sa patimpalak ng Mister United Continents Philippines.

Salamat sa 8TriMedia Broadcasting DZRJ 810Khz am Radio, "Buhay Modelo" show Hosted by FHM Model/ Actress Ms. China Roces, kasama si Kap Jay Daniel Chuong - Mister United Continents Philippines Davao City. Cable Link TV Channel 7 Nationwide.


Sir Glen, Kap Jay Daniel, at Ako
Mga Guest ng gabi na iyon, nasa gitna si Ms.China Roces

Ang Boses ng Kalikasan sa Radyo, ay naimbitahan ang Sagip Kagubatan (PsKC). na maihayag at maisa
Ako, Sir Jhomel at Mam Racy L.


ere ang adbokasiya ng Organisasyon, ang kanilang Paksa ay "Responsible Mountaineering", bilang mamumundok simula pa 2002, masasabi kong marami na akong napagdaanan at natutunan sa pag akyat at maging responsable, ang pagrespeto sa buhay ilang, lokal, katutubo ay lalo kong napalawig, nailahad ko po sa himpilan na ito ang kahalagahan ng pagiging handa pisikal, mental at emosyonal sa pag akyat ng kabundukan. At ang panghuli ang bulong na dasal mula kay Ama, na siyang gagabay sa atin sa bawat hakbang sa kabundukan. 
Salamat DZAR SONSHINE RADIO 1026. Nitong Abril 16, 2016 - 2:00pm- 3:00 pm.
DZAR Sonshine Radio 1026
Sir Jhomel Santos, Ako, Mam Racy Laranas

Maari niyo pong mapanood ang Interview nila sa link na ito, https://web.facebook.com/DZAReco/videos, maari niyong i-like at i-share ang kanilang pahina sa lahat ng kakilala niyo, ng maging bukas din sila sa mga usaping pang kalikasan, pagtulungan natin! Muli po ang taos pusong pasasalat sa pagtitiwala at pag iimbita.



GREEN INNOVATIONS for HEALTHIER LIFE STYLE A Support to the Environmental Awareness Month DOST and Samahan Para Sa Ikauunlad Ng Mga Kawani ng Agham at Teknolohiya (SIKAT). Nov. 25-27,2015.
Ilang mga Environmental Advocate po ang naimbitahan sa Unang Environmetal Awareness Month sa DOST, isang malakingkarangalang makahanay ang ilan sa kanila, ilang kaibigang Organisasyon din po ang naroon,gaya ng YAKAL, at SAPLOT.

Awareness Talk/ Reforestation - Nakikinig si Ms, Venus Raj
Awareness Talk/ Reforestation
Environmental Advocate Ms. Venus Raj

Sa pagpapalaganap ng Adbokasiya ng Organisasyon at personal kong ginagawa bilang Mananakbo at Mamumundok, malaya kong naiihahayag ang aking mga naisin, mga bagay na nais kong iparating sa mga kapatid na kaisa sa hangarin a layunin, dalangin ko lang na dumami pa ang maging bukas at sumunod sa napaka liit na bagay na ito.


Silang mga taga NU M. (National University Mountaineers). Ilang araw na abiso lamang,
Kamulatan sa NU M.
hindi nag dalawang isip na pagbigyan, para sa kamalayan ng kanilang Bagong Miyembro, hindi lamang sa Oryentasyon sa kanilang Organisasyon. 
Isang Kamalayan sa kanila, ng mas malalim na dahilan sa pag akyat ng kabundukan, ilang kataga lang ang aming binitawan, "umakyat ng may dahilan, umakyat ng makabuluhan! 

Para sa Kalikasan at Katutubo. Magtanim ng PUNO (Native Trees), ang punla ay simula ng BUHAY.

"Lakbay-Kalikasan: tungo sa kamulatan ng bayan". - NU M.

Ito ang kanilang makapangyarihang pahayag, isabuhay at isagawa.




Kamulatan Sa NU M.
Opisyales ng NU M.

NU M at Sagip Kagubtana Para Sa Kinabukasan Corp.
Para sa mga dagdag na kuhang larawan maari niyong i-click ang link na ito, direkta po kayong dadalhin sa aking pahina, daghang salamuch po.

https://web.facebook.com/rommel.c.sandoval/media_set?set=a.10204327949318049.1073741964.1808874435&type=3

Umakyat at Tumakbo ng Ligtas. 
Umakyat at Tumakbo ng Marami, 
Umakyat at Tumakbo ng MAKABULUHAN,
 -BundokerongMananakbo

Aktibong miyembro po ako ng Sagip Kagubtana Para Sa Kinabukasan Corp. at Team Maranat (Trail Runners), Para sa KALIKASAN, para sa Ligtas at Maayos na KINABUKASAN, para sa Ating mga Anak, at magiging Apo,

Maging INSPIRASYON...
RESPETO sa KALIKASAN, Sa KATUTUBO at Maging RESPONSABLE sa bawat Hakbang ...

HUWAG Hayaang maging Patubuan lang ng Buhok ang ating mga Ulo, Kumilos tayo at gumalaw,
HUWAG niyong sayangin yang mga BRANDED niyong RELO kung wala naman kayong ORAS sa mga ganitong GAWAIN... SAYANG...



Makinig at Makiisa, Maging Parte ng mga progresibo at mga bagay na nakakatulong sa Sambayanan at Kalikasan.

Paki Like and Share po sa lahat ng kabalat, narito po ang lahat ng aktibidades ng Organisasyon, noon at ngayon. Padayon!

*Sagip Kagubatan Para Sa Kinabukasan Corp.
https://web.facebook.com/sagipkagubatan.ph/?fref=ts

*Team Maranat Trail Runners,
https://web.facebook.com/teammaranat.ph/?fref=ts

Lets WALK the TALK...

Para sa inyo ito, Tribong GaeSan
Yanina1018Amihan0624

Pagpalain tayong lahat ni AMA,

Padayon...


Biyernes, Pebrero 19, 2016

MALASYA





"On potok ni eyenede, ni eyenede ni Makidjapat,"

Silang Mga Dumagat...
Remuntado at Unat...

Malasya Uyungan Elementary School
Sitio Malasya, Rodriguez, Rizal
November 14, 2015

Nabuksan ang Iskwelahan noong 1991, at ito'y nagsara noong 1997. Nagsara ng halos labing limang Taon, dahil walang gustong mag volunteer magturo na Guro. 2012 - Si Teacher Jonalyn, kasama sina Teacher Aldrin at Teacher Arniel, naglakas loob na magbukas muli at magturo sa Malasya Elementary School.

Tinakbo bilang ensayo sa isang patakbong aking nasalihan nung isang taon ang lugar na ito, minsang hinagilap ng grupo habang ngalit na ngalit ang ulan, mula sa walong oras ng lakad mula base camp ng Bundok Ayaas, ka Tay Milio, unang sinilip ara dito ganapin ang isa pang makabuluhang Akyat
.


Paghahanda
Kasama Sila Sir sa Paghahanda
Ayus dito, Ayus doon
Hanapin ang sukat ng Paa mo,

Sa tulong ng mga kapatid na naniniwala sa aming ginagawa, sa suporta at bukas palad na pagtulong, muli kaming nakapag bigay ngiti sa mga katutubo, bagamat oo, hindi na sila purong dumagat, hindi parin mapipigilan ang kagustyhan makapagbigay ng khit konting ngiti, Remuntado at unat silang umagang umaga palang ay nag hihintay na sa amin, at kahit na sabado silang naka unipormeng pumunta sa ikalawang tahanan nila ang kanilang iskwelahan.

mga tsinelas
pagpapakain
La Familia Insight tees



Ispag para sa 200 katutubo
Sa bawat takbo, sa mga kabundukan, sa pag silip sa ilang tagong lugar na kung saan masusumpungan hindi lang magagandang tanawin, maging mga katutubong silang napag iwanan na siguro ng panahon, oo may mga kasuotan silang meron din ang mga kababayan sa kapatagan, oo meron din silang bahay na kagaya ng sa atin? Bahay bang mituturing ang pinagtagni tagning karton, mga buho ng puno at mga ratan pinag dikit dikit...
Salat sila sa mga bagay na meron ang nasa kapatagan, salat sila mga bagong eknolohiyang nag lipana at nag usbungan, tama lang ba sa kanila iyon? O panatilihin nating nakakabit sa kanila ang kulturang kanilnag kinalakhan, at patuloy na pag yamanin?

Pansinin natin, naway makasama ko kayo sa bawat pagtakbo ko sa bulubundukin ng Sierra Madre, magmasid, makipag ugnayan.


handa naba kayo!
iyan po ang lahat
iyan po ang lahat
tagabantay
Ang aking pagpapakilala

Sa ngayon, patuloy ang kanilang pagharap sa hamon ng buhay, at pagsabay sa mga pangyayaring hindi nila lubos na munawaan, basta ang alam nila, nabubuhay sila para sa kalikasan, sa kanilang pamilya, patuloy na hinaharap ang pabago bagong hamon ng buhay, nanatili silang matatag at nakatayo, bitbit ang mga ngiting hinding hindi maipag papalit sa kahit ano pa mang bagay sa mundo.


"Ang lupa'y nilikha, ay nilikha ni Bathala."
Mula sa isang awiting Dumagat


Daghang Salamat po
Filipino Inventrepreneur Producer Cooperative
In Cooperation with:

La Familia Insight Tees and
Sagip Kagubatan (Para Sa kinabukasan Corp)
Salinlahi Mountaineers 

Sa ilan pang dagdag na larawan, maaring i-click ang link na ito, na makikita ng lahat dahil ito ay naka publiko,


https://www.facebook.com/rommel.c.sandoval/media_set?set=a.10203873237550539.1073741949.1808874435&type=3


Salamat Ama . . .



Para Saiyo 
YaninaAmihan@Hakilina
Impinidad



Linggo, Pebrero 7, 2016

BUNDOK MARANAT (tres)




Salamat AMA ng higit sa Lahat...
MapagPalang Umaga po...


Maranat Campsite
Sa ngayon maaring alam ng karamihan na ang isang aktibong grupo na katuwang ng Tatay Nestor sa Bundok Maranat ay ang Sagip Kagubatan Para Sa Kinabukasan Corp. Balik tanaw lamang para sa ilan, ang mga liderato at bumubuo ng SagipKagubatan, ay nagmula po sa ibat ibang Mountaineering Group at indibidwal na nais ng pagbabago sa lugar. Enero 2013 po ng nagkita kita sila sa naturang bundok, madaling nag kasundo dahil sa iisang hangarin at mithiin, kaya ng Marso 2013, opisyal ng binuo ang SagipKagubatan, TAHIMIK na nagtatanim, nagsasagawa ng programa para sa mga lokal na katutubong Dumagat sa paligid, kapag may naligaw o naaksidenta, aktibo po silang tumatakbo upang hanapin at lapatan ng paunang lunas ang mga ito. Naiimbitahan din po sila sa mga Environmental Talks sa mga iskwelahan, probinsiya at mga komunidad, Tree Planting Proper at Nurturing.

HINDI po lahat ng napanik ng Maranat ay Miyembro ng Sagip Kagubatan, HINDI po lahat ng nakiki "KAP" ay kasapi ng SKPSKC. Lilinawin ko po para sa mga hindi nakakaalam! Iba po ang Kapatid Maranat at Sagip Kagubatan. Maari kang mag tanong kung ano pagkakaiba.
Rehistrado po ng SKPSKC sa SEC, bilang Non Profit Organization.




Mini Narra Nursery


Para sa Karagdagang Kaalam sa Grupo, paki Like po ang Pahina nila sa Facebook, naroon po nakalahad ang kanilang aktibidades mula 2013, hangang kasalukuyan... Malamang ngayon mo lang narining ito, hindi po kasi sila KEYBOARD warrior, hindi po sila maingay sa fb, hayaan ng ang iilan ay maingay , animoy nagsisislibing tagapagsalita ng tahimik na grupo. Tahimik sa FB ngunit maingay sa aktibidades. Isigawa at ikilos natin ang ating mga dinadakdak natin.
Paki Like and Share po sa mga kakilala niyo at kaibigan.

https://www.facebook.com/sagipkagubatan.ph/?fref=ts

Itong bahaging ito ng piso ay ang parte ng Mukha ni Gat Pepe,




Si Toxx
Huling Lingo ng Nobyembre ng pumutok ang balitang
ISASARA na daw ang Bundok Maranat, 
at Kailangan ng Kumuha ng Permit para ito ay akyatin o bisitahin, lahat ay nataranta at nagkagulo, lalong lalo na ang mga mamumundok na hindi pa naka akyat sa naturang bundok, pag alala ang nangibabaw sa karamihan, mamumundok man, mananakbo na nag eensayo at dinarayo ito, o ilang grupo at indibidwal na nag nanais sanang masilayan ang Bundok Maranat. Pero para sa iba isa itong pagkapanalo sa isang mahabang labanan, ang mapahinga ang Trail ng lugar, ang mas mabigyan daw ng aksyon at tamang pagkilos ang rehabilitasyon ng kalbong bundok, tama lang daw na ipasara ito, tama lang daw para wala ng mag kakalat, tama lang daw para makapag tanim.. tama daw.. may TAMA daw... AKO...




Makailang ulit ko nadin pong naisulat at sinabi ito lalo na sa mga nakakasalamuha namin sa Maranat, grupo, indibidwal at mga napadaan lang.

Ang Parteng ito ng Sierra Madre na napapaloob ang Maranat ay nasa loob ng Ipo Watershed, na para sa kaalaman ng nakakarami dito nagmumula ang malaking bahagi ng tubig na iniinom natin sa kapatagan iyang lumalabas sa ating mga gripo. ay DITO nangagaling. Kaya nararapat na may mga LOKAL na PUNO, at MALINIS na Kapaligiran. Yun lang ang payak at simpleng eksplanasyon diyan, kung medyo malabao pa po, Juice Colored, ewan ko nalang...
SK, Climber, UPM at Tatay Nestor
Itong parteng ito ng piso ay ang parte ng logo ng Bangko Sentral ng Pilipinas,
Nakaka apat na pulong na po ang grupo ng Sagip Kagubatan Para Sa Kinabukasan Corp. at ang CENRO at PENRO, bago pa ma isakatuparan ang Assestment Climb, nitong nakaraang Enero 17, 2016.  Mga Grupong nakakasama palagi ng SagipKagubatan ang nakasama namin sa pagdalo sa Assestment Climb na ito, naka suporta ang ilang grupo na kaisa ng Sagip sa mga pagkilos at pag papayabong ng Maranat, sila ang ilan sa mga lumolobong sumusuporta at nabubuksan, Salin Lahi Mountaineers, Punla, NU Mountaineers, Lawin Mountaineers, Conquer, at ang mga Kapatid Maranat. At ang Partisipasyon ng UPMountaineer at Climber.

Hindi po SARADO ang Bundok Maranat at Bundok Oriod. Kinakailangan lang po ng Permiso mula sa DENR CENRO/ PENRO Region 3, Tabang Guiguinto Bulacan.
Makipag ugnayan po ng direkta sa kanila, sa pamamagitan ng pagtawag at mag papadala ng email sa kanila, ibigay lamang ang pangalan ng inyong Grupo at ibigay ang inyong bilang at Dahilan ng pag akyat sa bundok na ito.

DENR Region3, CENRO Tabang Guiguinto Bulacan.
(044) 7940152, (044)6903187
denr_bulacan@yahooo.com

DENR PENRO (044) 794790
 - - - - - - - -



DENR CENRO, Bantay Gubat at SagipKagubatan
Marami po ang PASAWAY, Marami pong nag ba-Back Door aakyat ng Bundok Balagbag at tatagos ng Bundok Maranat, napaka dali lang po ng proseso at wala pong hindi pinapahintulutan ang DENR basta maging RESPONSABLE lang tayo. Sa Patuloy dami ng PASAWAY, nadadamay po ang Tatay Nestor, sa taas... Kung Masunurin po tayong bata, tayo ay susunod sa simpleng panuntunan. Sanay makiisa tayo sa DENR, BATAS po iyan.. Ang Sagip Kagubatan po ay sumusunod at Tumatalima sa DENR, sadyang Marami lang MATITIGAS Bungo... Makiisa po tayo at umayon sa tama.

Hindi Lamang Nag TATANIM ang SagipKagubatan Para sa Kinabukasan Corp.

Binunuksan din po namin ang kamalayan ng Bawat isang nakikinig ng Kahalagahan ng Pagtatanim ng Puno, Pangangalaga sa Mga ito at Pag Papayabong ng Kagubatan, PagTATANIM sa Kapatagan maging sa Kabundukan. 
Ang Pagkalinga at Pag papanatili ng Kultura ng Bawat Katutubong aming Nasisislayan at nakakdaupang palad ay Isang Mataas na Prayoridad ng Grupo... Gawin po natin Makabuluhan ang Bawat pag panik ng Bundok, pagtulong sa mga ito, pagtakbo ng may dahilan .. at pagpukaw sa bawat isang nakadilat nga ang mga mata ngunit hindi nakikita ang nasa harapan.

Huwag po natin sayangin ang mga Branded na Orasan na ating suot, kung wala ka namang Oras sa Ganitong Gawain. Sayang... 

Patuloy ang Pag-aaral, hindi porket nagtapos kana sa isang unibersidad o sikat na kolehiyo ay hihinito kana, Araw Araw ay nag aaral ang tao, at may natutunan, kung marami kang alam, mas marami kapang hindi nalalaman, kaya panatilihing nakaapak ang mga PAA sa Lupa, at maging BUKAS.
Lumabas, Makiisa, Makipag Ugnayan...
#SagipKagubatanParaSaKinabukasanCorp
#TeamMaranatTrailRunners
#KapatidMaranatSalinLahiPunlaLawinNUM


Isa po akong Aktibong Miyembro ng Sagip Kagubatan Para sa Kinabukasan Corp. (SKPSKC). Kasalukuyan po akong Sekretaryo ng Grupo at isa sa tagapag salita, isa din po ako sa bumubuo ng CORE ng Sagip Kagubatan Para sa Kinabukasan Corp.
Daghang Salamuch po.



YaninaAmihanHakilina
ImpinidadSalamatAMa

Huwebes, Enero 7, 2016

IKADUA TARAKRIDGE




Salamat sa Diyos ng Higit sa Lahat . . .


Kami Noong Isang Taon 2015, Kami Ulit, nadagdagan lang
INAALAY Unang Una ng TeamMaranatTrailRunners (TMTR)ang aming Takbo sa Naghihingalong Bundok Maranat, alam naming maipapanumbalik ang dating kariktan at yabong ng Bundok na ito, pangalawa sa aming mga mahal sa buhay at mga kaibigang patuloy na naniniwala sa aming kakayahan at walang sawang sumusuporta sa amin, isa kayo sa dahilan kaya hindi kami nahinto at nasuko sa takbo, kahit sa maliit na pamamaraan namin naway nasuklian namin ang paghahanda ng pagkain, paghilot sa mga kalamnan, pagtayo at pag abang niyo sa amin bago tawirin ang finish line. 



Ang Rota ng Aming Tatakbuhin
At Huli sa mga may karamdaman na mga kababayana natin na labis na nahihirapan sa mga hamon at hampas ng bagyo sa kanilang buhay, dalangin naming maayos ang lahat at alam naming Magiging maayos ang LAHAT.. Magtiwala lang at manampalataya, Lahat ay may dahilan kung bakit nangyayari, at sa aming parte naway nabigyan namin kayo ng Pag-asa na HUWAG SUMUKO at mag patuloy Lumaban, napakaraming Dahilan para ikabit sa Mukha ang mga Ngiti na yan, sapat na dahilan ang mga kaibigan mo at mga Mahal sa buhay na naka paligid sa iyo, hindi man namin kayo lubos na kakilala, ito lang masaabi namin, LABAN, Huwag na Huwag SUSUKO..


Personal kong Inaalay ang aking TAKBO maging ang Aking Medalya sa Aking Bunsong Kapatid, na patuloy na lumalaban sa Kindney problem, at dalawang beses nag da-dialisis sa loob ng isang linggo, "JR, TOL alam mong HINDI kami sususko, Kaya dapat Ganun Kadin, Mahal na Mahal KITA , alam mo yan!", Nariyan ang tatlo mong anghel na palaging naka suporta sa iyo, ang mapagmahal mong asawa, si Nanay na walang sawang Nakabantay at nag aalalaga sa iyo, ang Tita natin, ang Ate mo, at mga kaibigan mo.. "Tol, Laban, WALANG LUGAR ang PAGSUKO... "



Mga taong dahilan kung bakit nagawa ng TMTR ang lahat ng ito, kung wala ang lubos niyong pagtititwala at paniniwala sa aming kakayahan, kahit na hindi talaga kami mga Runner, Kahit na sa Bundok Maranat lang tayo nag kakila kilala, nariyan kayo at handa kaming suportahan at naniniwala sa aming ipinapahayag, Pagpalain kayo ng Bathala ng Kalikasana at ni AMA.

Mula Rehistrasyon, mga Gamit pantakbo, suportang  pagkain, medikal at transportasyon, hindi namin matatapos at magagawang tumakbo kung wala kayo, Kap Franco, Kap Lymalyn, Kap melbhee, Kap Sierra, Kap Seona, Kap Jesebel, KapGraxia, Kap Tere, Kap Mak, Kap Allan, Kap Aiji, Kap Ann, Kap Balong, Kap Jhune, Jayzone, at ang buong pwersa ng Kapatid Maranat at Team Maranat Trail Runners.

Ang Aking mga Kasama na Makikipag Bak-bakan ng takbo sa Bundok Tarak ay sila Kap Edwin, Kap Bino, Kap JR, dag dag pa ang mga bagong Kapatid na sina Kap Satya, Kap Alexis at ang nagiisang Tinik sa grupo ehehe si Kap Princess.
Dagdag Insiprasyon na lalong nag palakas sa akin, ang Aking munting prinsesa na tumatawag bago ako tumakbo, at si Amihan, at ang aking Hakilina...

Enero 10, 2016, ang Ikalawang TarakRidge Run, o tinaguriang TR25Km, na gaganapin sa Tarak Ridge sa Mariveles Bataan, ikalawang pagkakataon na po ito , at unang una sa Trilohiyang Patakbo ng Conquer Adventure Runs Sa Taong ito, masaya kong sasabihing isa po AKO kasama ang Grupo kong Team Maranat Trail Runners, na kakatawan at bibigyang buhay ang Makapangyarihan naming Pahayag ang "WE RUN TO INSPIRE"... 





Maari po niyong I-LIKE ang Pahina ng aming grupo at sundan po ang mga aktibidades,mula sa pagtakbong makabuluhan, hangang sa pagtatanim, pagbibigay suporta sa mga katutubong lokal ng Sierra Madre. Daghang Salamat.

https://www.facebook.com/teammaranat.ph/?fref=ts

Daghang Salamat po, mula sa kaibuturan ng aking puso, Patuloy ang Pagtakbo ng May dahilan at Makabuluhan...

Sa iyo Ama ang lahat ng kalwalhatian..
Qlyyanina,Amihan@hakilina
Impinidad