Biyernes, Mayo 23, 2014

NOMADS LIGHT


Salamat sa poong may kapal, higit sa lahat...
Sa bathala ng kalikasan na patuloy na gumagabay sa atin sa kabundukan,
Makakalikasang araw, hapon o gabi po mga kapatid

Bago paman maging laman ng mga songlist ng mga cellphone niyo, bago pa man sumikat ang awiting ito, malalaman niyo ang nakapaluob na mensahe, kung paano nabuo ang mga salita at kataga ng awiting ito.

Orihinal na liriko ng awiting sinulat ni kap Chad Grey


 --------
   "Nomads Light"
Itinirintas kona ang palapang tuyo
Tatlong minuto nalamang at sisindihan ko ang dulo nito
Iaangat sa kagubatan, magliliwanag ang kadiliman
Makikita mo ang daan, lalayas mga ahas
Magiging ligtas ang iyong hakbang...

Wag ka masyadong mangangamba, kapag
   ako o kami sa dilim ang iyong kasama
Kahit sabihing nagloloko ang mamahaling ilaw na nakakabit
   sa iyong noo...
Kung talagang hindi na kaya, pwede na mang tumagay
   at maghintay nalang ng umaga
Sana lagi nating, iisipin, ang oras ay ginto
   kaya dapat h'wag nating sayangin...
 --------



Ang aming munting prinsesa si "Chabeng", bunsong kapatid ni "lawlah" dalawang araw pagtapos niyang mailibing, pagod na katawan, sanhi ng pagpupuyat sa lamay, gutom at dami ng iniisip. Nasa piling na siya ng lumikha masayang nakangiti at naglalaro. Para sayo ito, mahal ka namin kasama ni tito Chad mo.

Enero a-otso, dosmil katorse, sa ganap na alas 4:20pm, natapos ang sulat ng "anim na minuto at dalawang segundo" (6mins 2sec.) Nanaginip?! o Binangungot?! Nagbalik tanaw sa gunita ang kaganapan noong oktubre ng taong 'dalawang libo at siyam' (2009). Pagtapos pumanik ng bundok Irid, kasama ang ilang kaibigan. Nagpasyang mag pa-tianod sa ilog mag isa, kung saan dadalhin ng agos, bahala na. Sa halip na sa malawak na bahagi ng ilog mapadpad, sa isang maliit na bahagi ng ilog nati-anod at dinala ng agos, lampas Daraitan, sumabit na ang mga paa sa mga bato ng ilog, patunay na nasa mababaw na parte na ako!

May nakita isang katutubo, "Inoh", ang pangalan niya, nasa ilog ng mga panahon na iyon, nakatitig lang sa basang basang katawan ko, habang naglalakad papunta kay Inoh, may dumating pang tatlong katutubo, mas maliit sa kanya, inaya si Inoh sa kanyang 'silo', may nahuli daw siyang baboy damo, kanilang pupuntahan ng makakain naman ang buong tribo.

Basang basa, inayos ang gamit at sumama sa kanilang paglalakad, pang lima sa grupo, ang isang oras sa akin ay 30 minuto lamang sa kanila, pagod na pagod, masakit pa sa mga paa. Gutom na at papawala na ang liwanag ng aandap-andap na headlamp, tumagal sila sa kakahintay dahil pirmi ang hingi ko ng "take 5",  na pahinga, ganun pala kalayo ang lugar na kinaroroonan ng 'silo' ng baboy damo, na kung walang mabagal na si ako, dali dali sana nilang mapuntahan ito.

Madilim na, wala ng makita sa daan, tuluyan ng hindi sumindi ang kaninang pumupugak pugak na headlamp, huminto si Inoh, bago pumasok ng pusod ng kagubatan, may inipon at kinuha, maririnig ang kanyang pagdating may hatak hatak siyang 'tuyo', na palapa ng niyog, mainam daw gawing 'sulo', sa madilim na gabi sa loob ng kagubatan, tinitirintas niya ang bawat hibla ng palapa, hangang pwede ng sindihan at magsilbing ilaw sa daan, binugkos nila ang mga palapa at ginawang 'sulo', para sa mabagal na pagod at gutom, na hindi na makita ang daan. Kaya kasi nilang lumakad ng mabilis kahit na walang ilaw, akoy nagsilbing pabigat.

Nakarating sa paroroonan nakita ang nasilong baboy, sa pusod ng Siniloan, lugar hindi tiyak kung saan, kinatay ang nahuli, nag salo salo kasama ang ilang katutubo at ilang kabataan na nagtatakbuhan, sa maliit na komunidad na nadatnan, naka salamuha ng ilang lokal, at ilang mga walang saplot pang-itaas, naka maong na shorts lamang, masarap ang usapan at kwentuhan, palitan ng saluobin at pananaw. Salamat sa nakakapagod na gabi, at sa pinagsaluhang nasilong baboy damo, nawala ang lahat ng pagod. Mga naka "nga-nga", na namumula mga gilagid mga nakaharap at nakainuman ng lambanog, nakangiti, na minsay di maintindihan ang mga salitang tinuturan, akoy nakikiayon lang.

Malalim na ang gabi, sa araw ng bukas dadalhin ang mga paa sa isang napakagandang tagong talon sa Siniloan, sa taas at ganda ng talon, may kwebang nakatago, pilit na pinapasok ng mga katutubo, naway magawa ko din yung ganoon. May mga nakatago daw sa loob nito, maaring kayaman, maaring ginto, kaya pinasabog ito, ilang buwan naraw ang nakalilipas, may mga nasakripisyo at kinuhang mga buhay, nakakalungkot! tsk, tsk. Ilang araw na, kailangan ng bumaba, tanging bilin nila kung babalik, huwag na muna magsama. Bago bumababa may mga aral na natutunan, at habang buhay na nakaukit sa diwa at kamalayan.

Makalipas ang ilang buwan pinasyang bumalik, pumanaw na daw si Inoh sa katandaan, wala na ang mga batang minsang nakasalamuha at katakbuhan, may mga kendi at laruan pa namang bitbit para sa kanila,  wala na ang napaka gandang talon na minsa'y nasilayan, di na mapagliguan at mapaglaruan. Sino ang may kagagawan? Lumayo na ang mga katutubo sa lugar, nabulabog?

At tuluyan ng nagising, sa panaginip o bangungot? kumuha ng panulat at papel, kailngang di mawaglit ang mga kataga at salita sa gunita ay nakatanim, anim na minuto at dalawang segundo natapos ang kathang awitin, nilapatan ng areglo, kaya ito na ang naririrnig niyo.
Sa tuwing papanik mag isa, sa kahit anong bundok na maisipan, di na nagdadala ng ilaw o mamahaling headlamp, humihila na lamang ng naipong tuyong palapa ng niyog at ititirintas ng makabuo ng 'sulo', para magsilbing liwanag sa daan.

Salamat 'Inoh', nasan ka man naroon ngayon kaibigan, sa aming munting prinsesa dahil alam kong ginabayan niya ako sa pagbuo at pagsulat ng awiting ito... dalawang araw ng mailibing ka, nami miss ka na namin. Alam kong masaya kana, sa bawat tipa ko kay "Oyong" ang aking gitara at bawat araw na aking kinakanta ang awiting ito, ikaw at ikaw ang aking naalala.
Salamat sa bathala ng kalikasan at kabundukan sa patuloy na lakas na binibigay at pinagkakaloob.

Enero a-sais inilibing ang aming prinsesa, Enero a-otso ng managinip ako!
Para sa iyo ito Chabeng...

Sa ngayon, kapag makakasama niyo si Kap Chad, sa kahit saang bundok o piging o salo-salo, at kapag may gitara , jembe o kahit ano pamang instrumento, hindi pwedeng hindi niya ito aawitin. Isa po ito sa personal kong gusto, sa marami niyang sulat na kanta, at alam ko na sisikat at makikilala ang awiting ito. Magkita kita tayo sa bundok Mara'at, kung nais niyong marinig ito na siya mismo ang bibira! Itaga mo yan sa malapad kong noo!!!  ;-p




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento