Maligayang Ikawalo sa aking Kumander. |
(MANALIG at MANIWALA ka!!! at SALAMAT sa PANANALIG at PANINIWALA!!! ).. hands down ako sa tibay niya at paglaban, sa kabila ng kanyang karamdaman, patuloy siyang humahakbang, sumusulong at nag papatuloy.
Hindi natupad ang oras ng kitaan, may dumating na paanyaya mula sa isang kaibigan, kung maari daw akong tumakbo sa inorganisa niyang patakbo ng isang kolehiyong pang kapulisan, sa BGC, pumasok sa isip ko na iaalay sa mga nasawing SAF Commandos ang takbong ito, kaya wala dalawang isip ko itong tinanggap, agad na tinawagan si kumander hakilina, at sinabi ang plano. Positibo naman at napapayag ko ehehe.
Kuya Molo at Ako |
Hinintay hangang alas dose ng gabi para makasakay sila ng serbis nila patungong BGC, para maisaayos ang Running Event, kami ni Randy ay natulog na, ang kitaang alas 2:30am sa Ayala, ay hindi natupad, hala oi, usok ilong ni Kumander hehe, paumnahin Mahal Koi. Natuloy padin ang takbuhan, at pagtapos makatawid ng finish line, alas sais medya na, agad na ipinaalam kay Kap JP na padating na kami, para ituloy ang orihinal na Plano!
Barangay ng Rehistrasyunan |
Kasama po namin si Kap JP, isang mabuting kaibigan! |
Maikmo Rock formation sa ganap na 12:17 ng tanghali |
paakyat na ng Nagpatong, lusot na! |
Ako at si Kumander |
siya at ako! |
salamat po! |
Naway Makatulong ito sa mga nais Silipin ang Nagpatong Rocks:
NAGPATONG ROCK Formation:
0700H - Nakipagkita kay JP sa Starmall Crossing, sa Terminal ng Van, biyaheng Tanay.
0715H - Umalis sa Crossing ang Van, patungong Tanay. (p70 isa)
0815H - Oras ng Pagdating sa Tanay Terminal.
0830H - Kain konti, bili pagkain atbp. Opsyonal.
0900H - Pag-alis sa Tanay Terminal, patungong Sampaloc. (p28 isa)
0950H - Pagdating sa - Sampaloc Rizal. hanapin ang Sakayan patungong Cogeo (Jeep).
(maaaring sumakay ng Trike, kung medyo mataba ang bulsa, ang singil nila ay (p60 isa) ).
1000H - Sumakay ng Jeep na biyaheng Cogeo, magpababa sa Brgy. Cuyambay. (p15 isa).
1015H - Pag-alis ng Jeep sa Sampaloc, patungong Brgy. Cuyambay. Pinupuno ang Jeep bago lumarga!
1030H - Pagdating sa Brgy. Cuyambay.
*Maari kayong mag Habal-Habal, pababa sa Barangay Hall. May nag-aabang sa Arko ng Barangay Cuyambay, pagkababa niyo ng Jeep. (p25 isa pababa) / (p30 isa paakyat). Muli ito ay Opsyonal.
1035H - Naglakad kami, hanggang sa Barangay Hall (Registration Area). Pababa naman at sementado, maganda pa ang view. Ikatlong Kanto sa Kanan, Nara Street ang Barangay Hall.
1110H - Pagdating sa Barangay Hall, Registration Area. Log-book, (p20 isa).
*Magbibigay ng seripikong permit ang baranggay, mula sa secretarya nila.
*Mag Orient si Kagawad Nelia Mawili, patungkol sa lugar na pupuntahan, detalye atbp.
*Mag saayos ng gagabay sa inyo (GUIDE = KINAKAILANGAN). p500 = 5 tao.
1130H - Sinimulan na ang Pgalalakbay. Ang aming Gabay ay si Kuya Romulo "Molo" Mojica.
1217H - Nasilayan ang "Maikmo Rock Formation", maganda din daw ung lugar na iyon!
1300H - Pagdating sa "Nagpatong Rock Formation", sa wakas, sulit ang Init ng paglalakbay.
*Kainan muna, piktyur-piktyur na, akyatin na ang Nagpatong Rocks...
1425H - Pag-alis sa Nagpatong Rocks. Salamat sa Bathala ng kagubatan sa napagandang tanawin at panahon.
1525H - Pagdating sa "Jamboree", mag hintay ng Jeep pa Cogeo.
* Jamboree = Ayon kay Kuya Molo, yung lugar na iyon daw ay pinagdausan ng International Jamboree na ilang pilipino lang ang nakasama.
1545H - Nakasakay ng Jeep, patungong Cogeo. Salamat Kuya Molo, hanggang sa muli. (p??)
1640H - Pagdating sa Cogeo.
1645H - Sumakay ng Jeep, biyaheng Cubao. (p??)
1720H - Dumating na sa Cubao! Uwian na, Salamat kay Bathala sa dagdag adbentyur ng ligtas!
*** Bago pa makapag Nagpatong Rocks hehehe;
1st Criminology Unity Run 2015 |
Dagli kong tinawagan si Momikoi, upang ipaalam sa kanya ang maaring pag babago ng isked namin, nagpaliwanag ako sinabing iatras nalang ang oras ng pagkikita sa Starmall Crossing, tumakbo muna kami, at pagtapos nun dumeretso na sa kitaan at ituloy ang orihinal na plano. Napa-oo ko naman si kumander, at itetext nalang daw niya si kap JP, ng pag babago ng oras ng kitaan.
Saludo mga idolo |
Para sa INYO po itong TAKBO ko! |
Medalya ng 5K at 21K Finisher |
Alas sais medya na kami natapos, dagli kaming nag pakuha ng litrato at nag-ayos, sumakay ng Taxi at bumiyahe patungong Starmall Crossing. Tineks ko nalang ang mga kaibigan na naiwan sa karera, nagpasalamat at nagpaalam. Maraming Salamat Coach Rodel, Randy at sa mga Tropang naging Marshall sa karera. Maraming Salamat din sa ORGANIZER's ng Running Event na ito. SALUDO . . .
Para Sa iyo ito, ngumiti ka palagi!
Sa iyo Ama ang lahat ng kaluwalhatian. . .
qlykumaderhakilina&yanina
impinidad