Lunes, Pebrero 16, 2015

MAAKSYONG IKAWALO






Maligayang Ikawalo sa  aking Kumander.
Ika walong buwan namin ni Kumander, hala oi, nag papasalamat at pinag ta-tyagaan pa niya ako, hehe, naka plano na ng alas kwatro ng umaga ang kitaan sa Starmall Crossing, lingo a otso ng pebrero, tatlo lang kami, kasama ang Adbentyur Buddy niya na si Kap JP, isang kaibigan na minsan kong pinag alayan ng isa sa aking mga takbo. 
 (MANALIG at MANIWALA ka!!! at SALAMAT sa PANANALIG at PANINIWALA!!! )..  hands down ako sa tibay niya at paglaban, sa kabila ng kanyang karamdaman, patuloy siyang humahakbang, sumusulong at nag papatuloy.

Hindi natupad ang oras ng kitaan, may dumating na paanyaya mula sa isang kaibigan, kung maari daw akong tumakbo sa inorganisa niyang patakbo ng isang kolehiyong pang kapulisan, sa BGC, pumasok sa isip ko na iaalay sa mga nasawing SAF Commandos ang takbong ito, kaya wala dalawang isip ko itong tinanggap, agad na tinawagan si kumander hakilina, at sinabi ang plano. Positibo naman at napapayag ko ehehe.


Kuya Molo at Ako
Alas nwebe ng gabi nagdatingan ang kabataang tropa sa bahay, dapat sanay tatakbo din sila, mga TCU Varsity Team sa Track and Field, mas minabuti nilang maging Marshall, kikita nga naman sila ng pera sa pag giya sa mga Runner's ng Event. Sila'y mga Working Student's, nakakasabay kong mag jogging sa c6. "Kuya mag ma-marshal nalang po kami, kailangan po namin ng allowance eh".
Hinintay hangang alas dose ng gabi para makasakay sila ng serbis nila patungong BGC, para maisaayos ang Running Event, kami ni Randy ay natulog na, ang kitaang alas 2:30am sa Ayala, ay hindi natupad, hala oi, usok ilong ni Kumander hehe, paumnahin Mahal Koi. Natuloy padin ang takbuhan, at pagtapos makatawid ng finish line, alas sais medya na, agad na ipinaalam kay Kap JP na padating na kami, para ituloy ang orihinal na Plano!



Barangay ng Rehistrasyunan
Target ang Brgy. Cuyambay, alas diyes medya ng umaga, nakalapag kami sa arko ng Brgy na ito sa Tanay, mula rito maaring mag Habal-habal pababa sa Barangay Hall, para sa rehistrasyon, sementadong pababa naman ang kalsada, kaya hindi nakakapagod, mainit lang! Paano namin nalaman? Kasi nilakad na namin buhat sa Arko ng Brgy Cuyambay, mga trentay sinko minutos din po ang kinain sa oras namin, maganda ang view sa daraanan, rock formations sa malayo, magandang vegetations, mainit nga lang heheh! Narating ang Baranggay Hall, ikatlong kanto mula sa kanan, Nara Street, kailngan hintayin si Kagawad Nelia, dahil siya po ang tanging mag papaliwanag patungkol sa lugar! Sa mga bisita ng lugar, kasabay niyang dumating si Secretary, real time po nilang gagawin ang Permit ninyo, at may rehistrasyong p20... Naway mabigyan ng liwanag ang mahiwagang tanong ko, wala naman po akong masamang ibig pakahulugan sa tanong ko... tinuran po ni madam kagawad na P500 po ang guide fee (day hike) para sa limang bisita... eh tatlo kami.. hehehe di na po kami umangal, unang perstaym namin sa lugar at ayos naman ng pag asikaso nila... (naitanong ko lang po, bago po kasi kami pumunta sa lugar, sinabi na po sa amin ng mga nauna sa amin na pumasyal sa lugar, kahit magkano daw po ang iabot sa guide...) baka lang po siguro may pagbabago, at kami ang natyempuhan, nabanggit din po kasi ni madam kagawad na Binabago na po nila ang lahat at inaayos ang sistema... 


Kasama po namin si Kap JP, isang mabuting kaibigan!
Si Kuya Molo ang aming guide, nag giya sa amin papunta sa Nagpatong Rocks, at pabalik sa Jamboree, para makasakay pauwi ,makwento si Kuya Molo, mga isat kalahating oras na lakaran ng makarating kami sa destinasyon, sa haba ng oras na iyo, todo kwentuhan kami ni kuya Molo, at marami pong natuklasan sa lugar, sa Rocks at iba pa! Dalawang Taon palang po nabubuksan ang Lugar para sa publiko, pero bago paman daw ito nabuksan at naging tourist spot, naakyat nadaw po nila ito, isa daw po sa palagiang nasa lugar ay si Sir Reggie, makailang ulit nadin daw pong may nag pa rappel sa lugar, laking tulong sa mga lokal sa lugar ang pag bubukas ng Nagpatong Rock Formation. Ayon kay Kuya Molo, lalo pa kung Summer o Pasko, halos di sila mapahinga sa mga ganung panahon. Karamihan sa kanila sa lugar ay nag ta-trabaho sa maraming taniman sa lugar, mapa gulay o palay. ilang taon nadin po sila sa lugar at inaamin naman po nilang hindi sapat ang kinikita nila, kaya ng dumating ang oportunidad ng pag-ga guide, agad nilang kinagat ito, isa rin po siyang barangay tanod sa lugar.

Maikmo Rock formation sa ganap na 12:17 ng tanghali
paakyat na ng Nagpatong, lusot na!




Mag aalas dos medya ng mag desisyon na kaming bumaba at umuwi, napakaganda ng lugar, animoy pinag patong-patong ang malalaking tipak ng bato, parang sinadyang isinalansan ng panahon o nino man, uhm ... Salamat sa bathala ng kalikasana, na patuloy na binibigyan tayo ng sopresa mga lugar na ganito, pagdating mu sa taas ng Nagpatong Rocks, matatanaw mo ang Masungi Rock formation sa kalayuan, isa po itong pribadong lugar, isa daw po itong hardin na kailngan ng permiso para mapuntahan, ang pamosong 600 steps nito at nagagandahang rock formations. Muli po maraming salamat kuya Molo, kap Jp sa aking Hakilina, at sa mganadang araw na ibinigay ng kalikasan! Bago pa kami mag hiwalay ni kuya Molo, ipina alala ko ang pag iingat sa lugar, at pag po protekta dito, para sa kanila ito at nangangailanagn ng kalinga at respeto.

Ako at si Kumander
siya at ako!
salamat po!
Marami pong salamat kay kagawad Nelia, kay sekretarya, kay kuya Molo, Kay Kap Jp, sa magandang panahon na binigay ng kalikasan at sa aking kumander hakilina sa maaksyong ikawalo, naway humaba at tumagal pa tayo... Salamat sa  Diyos.

Naway Makatulong ito sa mga nais Silipin ang Nagpatong Rocks:

NAGPATONG ROCK Formation:
0700H - Nakipagkita kay JP sa Starmall Crossing, sa Terminal ng Van, biyaheng Tanay.
0715H - Umalis sa Crossing ang Van, patungong Tanay. (p70 isa)
0815H - Oras ng Pagdating sa Tanay Terminal.
0830H - Kain konti, bili pagkain atbp. Opsyonal.
0900H - Pag-alis sa Tanay Terminal, patungong Sampaloc. (p28 isa)
0950H - Pagdating sa - Sampaloc Rizal. hanapin ang Sakayan patungong Cogeo (Jeep).
 (maaaring sumakay ng Trike, kung medyo mataba ang bulsa, ang singil nila ay (p60 isa) ).
1000H - Sumakay ng Jeep na biyaheng Cogeo, magpababa sa Brgy. Cuyambay. (p15 isa).
1015H - Pag-alis ng Jeep sa Sampaloc, patungong Brgy. Cuyambay. Pinupuno ang Jeep bago lumarga!
1030H - Pagdating sa Brgy. Cuyambay.
         *Maari kayong mag Habal-Habal, pababa sa Barangay Hall. May nag-aabang sa Arko ng Barangay Cuyambay, pagkababa niyo ng Jeep. (p25 isa pababa) / (p30 isa paakyat). Muli ito ay Opsyonal.
1035H - Naglakad kami, hanggang sa Barangay Hall (Registration Area). Pababa naman at sementado, maganda pa ang view.  Ikatlong Kanto sa Kanan, Nara Street ang Barangay Hall.
1110H - Pagdating sa Barangay Hall, Registration Area. Log-book, (p20 isa).
          *Magbibigay ng seripikong permit ang baranggay, mula sa secretarya nila.
          *Mag Orient si Kagawad Nelia Mawili, patungkol sa lugar na pupuntahan, detalye atbp.
          *Mag saayos ng gagabay sa inyo (GUIDE = KINAKAILANGAN). p500 = 5 tao.
1130H - Sinimulan na ang Pgalalakbay. Ang aming Gabay ay si Kuya Romulo "Molo" Mojica.
1217H - Nasilayan ang "Maikmo Rock Formation", maganda din daw ung lugar na iyon!
1300H - Pagdating sa "Nagpatong Rock Formation", sa wakas, sulit ang Init ng paglalakbay.
          *Kainan muna, piktyur-piktyur na, akyatin na ang Nagpatong Rocks...
1425H - Pag-alis sa Nagpatong Rocks. Salamat sa Bathala ng kagubatan sa napagandang tanawin at panahon.
1525H - Pagdating sa "Jamboree", mag hintay ng Jeep pa Cogeo.
          * Jamboree = Ayon kay Kuya Molo, yung lugar na iyon daw ay pinagdausan ng International Jamboree na ilang pilipino lang ang nakasama.
1545H - Nakasakay ng Jeep, patungong Cogeo. Salamat Kuya Molo, hanggang sa muli. (p??)
1640H - Pagdating sa Cogeo.
1645H - Sumakay ng Jeep, biyaheng Cubao. (p??)
1720H - Dumating na sa Cubao! Uwian na, Salamat kay Bathala sa dagdag adbentyur ng ligtas!


    *** Bago pa makapag Nagpatong Rocks hehehe;


1st Criminology Unity Run 2015
Sabado ng umaga alas nwebe, kadarating ko lang ng bahay at nag papahinga, dumating si Randy, ka Batch at kababata ko na taga Bicutan din, inimbita akong tumakbo, lingo sa BGC, patakbo ng isang Kolehiyong pang kapulisan, alas kwatro daw ng umaga ng lingo. Hindi agad ako umoo, gawa ng may nauna na kaming usapan ni Kumander, kaya kinausap ko si Randy na ipapaalam ko sa kanya, ng gabi kung pwede akong makatakbo, nga pala Libre daw ung patakbo, ang isang kaibigan at kababata namin na si Coach Rodel, isa siya sa nag organisa ng Running Event na yun.

Dagli kong tinawagan si Momikoi, upang ipaalam sa kanya ang maaring pag babago ng isked namin, nagpaliwanag ako sinabing iatras nalang ang oras ng pagkikita sa Starmall Crossing, tumakbo muna kami, at pagtapos nun dumeretso na sa kitaan at ituloy ang orihinal na plano. Napa-oo ko naman si kumander, at itetext nalang daw niya si kap JP, ng pag babago ng oras ng kitaan.


Saludo mga idolo
Kinumpirma ko na kay Randy na makakatakbo na ako, at kung may ekstra pang bib (kit) para kay kumander, 5K o 10K hehe, sa 21K daw ako tatakbo, basta magdala nalang daw ng sapatos si kumander at hihirit nalang  kay Coach Rodel ng ekstrang bib. Nalate ako ng gising, ang usapan namin ni kumander na alas dos medya ng umaga sa Ayala, ay di natupad, dumating ako ng alas tres medya, late nagising at pinupuno ang trike sa lugar namin, at ang paghihintay sa Bus sa Terminal, juice colored 40years kapag madaling araw... (hehehe dami katwiran eh, LATE na nga!!!) hehe dahilan para hindi ako pansinin ni Kumander na isang oras ng naghihintay sa akin! Paumanhin mahal koi..


Para sa INYO po itong TAKBO ko!
Dumating sa sa Venue ng takbuhan ng limang minuto bago pa magsimula ang 21K, walang stretching o pagpapapawis, hehe, si Kumander nakakuha ng bib para sa 5K. Bago pa man magsimula ang Karera, binigyang PUGAY ang SAF44 o Fallen44, ng mga kapulisan sa paligid, gawa nga ng Kolehiyong Kapulisan ang nag patakbo, mga opisyal, pulis at estudyante at ilang unibersidad ang lumahok... kikilabutan ka sa tribute na binigay nila para sa ating mga bayaning SAF44... INAALAY  ko sa inyo ang aking pagtakbo ng araw na iyon.. SALUDO at RESPETO po . . .



Medalya ng 5K at 21K Finisher
Natapos ko ng ligtas at maayos ang karera, nabura ng mababa ng tatlong minuto ang oras ko sa 21K, tumimbre ako ng 1hr 47mins. (Unofficial time ko, base sa clock ng pagtawid ko ng finish line). Si Kumander naman ay tinapos ang 5K ng 35minuto. Napakaganda ng medalya, Salamat po!


Alas sais medya na kami natapos, dagli kaming nag pakuha ng litrato at nag-ayos, sumakay ng Taxi at bumiyahe patungong Starmall Crossing. Tineks ko nalang ang mga kaibigan na naiwan sa karera, nagpasalamat at nagpaalam. Maraming Salamat Coach Rodel, Randy at sa mga Tropang naging Marshall sa karera. Maraming Salamat din sa ORGANIZER's ng Running Event na ito. SALUDO . . .





 


Para Sa iyo ito, ngumiti ka palagi!



Sa iyo Ama ang lahat ng kaluwalhatian. . .
qlykumaderhakilina&yanina
impinidad



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento