Nakatawid ng Finish line, Salamat po! |
Kasama ko ang Team Maranat, na binubuo nila Kap Bino Pasco, Kap Edwin Sta Maria, Kap JhayR Hechanova at ako. Naging maganda naman po ang tapos ng bawat isa sa amin, kahit na medyo may muntik na di makatapos, naitulak padin at tinuloy ang karera. Nakatawid po ako ng finish line ng 3 oras at isang minuto, papunta at pabalik, medyo sinwerte at nakapasok sa pang-labing tatlo... Si kap Edwin ay pumang labing walo, si Kap JhayR ay pumang animnaput pito, si Kap Bino ay pumang isang daan at animnaput siyam, kung hindi ako nagkakamali. Salamat sa Lakas.. Salamat din at ligtas ang lahat ng Runners na nakatapos.
Alas sais ng umaga magsisimula ang karera. |
Wala po kaming magarbong kasuotan, sa totoo lang puro ukay ang aming suot, kung meron mang mamahalin, yun ay ang ilang local brand na kasuotan. Panibagong Takbo, panibagong pag aalayan, bago paman magsimula ang karera, kahit na hindi sapat ang ensayo ng bawat isa.
Inaalay ko/ namin ang takbong ito unang una sa nag hihingalong bundok Maranat, naway sa pagdami ng pumapanik sa bundok na ito, lalo pang madagdagan ang mga taong kaisa namin sa pag papanatili at pag papanumbalik ng nasirang paraiso. Pangalawa sa aking munting Prinsesa, na kahit anong hirap ng mga bagay na gagawin mo, mararanasan mo huwag na huwag kang bibitaw o susuko mahal kita. At maging magalang at mabait na bata.
Finisher shirt, bib#, Medalya, BagTag ID. SALAMAT PO! |
Bib Number namin |
Kapatid na Marlon, nasa simula palang iyang karamdaman mo, alam kong hindi ko mauunawaan ang nararamdaman mo, pero ang alam ko maraming mas malala pa ang kalagayan kaysa sa iyo, pero hindi mo kakikitaan ng panghihina, nais kong maging ganun ka kapatid, dalangin kong huwag na huwag kang panghinaan ng loob, bagkos maging instrumento ito para lumaban kapa sa buhay, tatandaan mong nandiyan ang pamilya mo at mahal sa buhay, mga kaibigan mong nakapaligid sa iyo at kaming mga Kapatid mo sa Maranat. NANDITO kami kap..
Dasal lang at tiwala sa lumikha na gagaling ka! walang imposible basta't naniniwala ka!
Huling 3kilometro, sa tindahan ng Nanay Cording.
"WE Run to INSPIRE . . ."
- Team Maranat Trail Runners
Kap Bino, Kap Edwin, Sir Jonnel, Ako po, Kap JhayR |
Hinding hindi magiging posible at masaya ang takbo na Team Maranat kung walang support team, taos puso po kaming nag papsalamat sa tagapag handa ng aming pagkain, taga bigay ng tubig at taga sigaw sa amin (cheering squad), labindalawang katao na kasya sa sasakyan ni kap Bino ay sapat na para bigyan ang bawat isa sa amin ng lakas para tapusin ang karera ng ligtas at maayos.
Kasabay ni Kap Edwin ang mga Tropa sa kabilan sasakyan! |
Hapon ng sabado mga mananghali, pumitik ang grupo papuntang Pampanga muna, bumisita at kumain sa pamilya ni kap Bino, at may pabaon pang mga pagkain hehe, Marami pong salamat Pasco Family, eat and run, agad na tumulak pag kakain patungong Mariveles Bataan, hustong dalwang oras ng marating namin ang Alas-Asin at pumarada sa loob ng iskul, nag pahinga at hinanda ang mga gagamitin at katawan sa karera.
Marami pong salamat sa aming Support Team, kumader hakilina, Knee Knne Ey (Ninia), kap kulot ng PDM, kap karisse, kap Darcy, Kap Marlon.
Mga mukha sa loob ng sasakyan |
Ayan na an Alas-asinn hehe |
Pagkarating sa Alas-Asin Elementary School |
Maraming Salamat sa nag Organisa ng Patakbong ito, ang Conquer Equipment, una sa kanilang Trail Adventure Series, nitong nakaraang Enero Onse, dos mil kinse, matagumpay na natapos, oraganisadong maigi at makulay! Salamat sa mga Marshall's na karamihan ay kakilala ko, at nakasama sa ilang akyatan at sa Operasyon sa Tacloban. Una sa Trilogy ng kanilang Adventure Run, Tarak Ridge 25K.
Magkita kita po tayo sa pangalawa, sa trilohiya ng Conquer, sa susunod na buwan Marso Kinse, sa Bundok ng Pico Deloro para sa Cavite, sa kanilang 42K Trail Adventure Run Series.
"I Run To Inspire" - BM
"RUN More, RUN Safe, RUN for a Reason, WE RUN TO INSPIRE . . ."
-Team Maranat Trail Runners
Nadagdagan muli ang aking koleksyon ng bib#, finisher shirt at medalya. Ngayon palang nagpapasalamat napo ako sa mga nag isponsor ng t-shirt ng Team Maranat sa Marso, sa Pico De Loro Run! Pagpalain kayo ng Amang Lumikha! Padayon.
Para sa iyo ito, ngumiti ka palagi!
Sa iyo Ama ang lahat ng kaluwalhatian. . .
qlykumaderhakilina&yanina
impinidad
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento