Lunes, Marso 23, 2015

Takbo sa PICO, Para sa Kaibigan ko.







Salamat sa Lakas na pinag kaloob ng Lumikha.


pang tatlumpo at dalawa ako
Maganda ang simula ng mga unang saltada, ng paakyat na ng tuktok ng Pico, ayun kumagat na ang mag asawang daga sa magkabila kong hita, haha sayang talaga, hindi na-sustenihan ang lakas ng mga binti haha, pero ganun talaga parte ng kompetisyon at larangang aking napili yan eh! Pasalamat nadin at naging maayos ang tapos ko at lahat miyembro ng Team Maranat Trail Runners, at mga tumakbo ng araw na iyon. 

Personal na Inaalay ko ang Takbong ito sa aking kaibigan na may Breast Cancer. Kailan lamang niya natuklasan ito, na labis mong ikinahina, at ikinapayat, hiling mong wag kong bangitin ang pangalan mo, para sa iyo ito. Huwag kang panghinaan ng loob, hindi pa katapusan ng lahat, gaya ng bukambibig mo ng huli nating usap. Ito ay simula palang ng matapang na pagharap sa iyong karamdaman. Sundin si dok, inumin ang iyong gamot, sabihin mo sa pamilya mo yan, sa matalik mong kaibigan, sa kapareha mo sa buhay, at higit sa lahat humingi ka ng lakas at gabay kay Ama,  tibay ng loob at pananalig na ikaw ay gagaling, walang imposible.  Makipag usap ka sa kanya... Magdasal ka kaibigan ko, nadito kami para sa Iyo.

Katatapos palang ng nakakapagod at nakakaubos lakas na takbuhan, sa Ikalawang Parte ng Trilohiya ng Conquer Adventure Run. PDL42K at Bonifacio B10 Trail Run, sa Bundok Palay-Palay o Pico Deloro sa Maragondon, Cavite at (Nasugbu Batangas). Kasama ang Team Maranat Trail Runners na binubuo nila, Kap Edwin, Kap Bino, Kap Efren, Kap JhayR, Kap Roger at ako sa 42K, at sina Kap Jaime, Kap Mackie, Kap Melyn at si kumander hakilina ko sa 10K Trail run, hindi lang namin nakasama si Kap Marlon.

Team Maranat kasama si Idol Koi
Bulong ng Panalangin bago mag umpisa
Groupie muna, 15minuto bago magsimula.



Sa Tahanan ni Kap Mae-Mae, kasama Support Team
Taos pusong pasasalamat sa mga Kapatid Maranat na naging Support Team namin ng araw na iyon, hindi magiging posible ang lahat ng wala kayo, isang malaking parte ang naiambag niyo para mas lalo kaming ganahan. Walang katulad na Support Team, na pinagluto at hinilot ang pagal na kalamnan namin, bago at pagkatapos ng karera. Sa pangunguna nila Kap Charles, Kap Karisse, Kap Darzy, Kap John, Kap Iel, Kap Aras at Kap Rain (maingay siya hehe), at humabol pa si Kap Skyler. at sa aming Drayber si Kuya Jake.
At sa nagpatuloy at nagpatulog sa amin sa Maragondon, na naging instant pinsan naming lahat, pagpalain ka ni Ama, MARAMING SALAMAT po, Ma'am Mae-Mae o Jermine Malimban, isa kang Anghel sa Langit!  Pero talagang hindi bagay ang boses mo sa taglay na Ganda mo! hehe.

Team Maranat kasama Boss Jessie, Jigger ng Conquer
FOOTeek Runner, nagsama sama muli

Isang BIG TIME na pasasalamat sa Bumubuo ng TEAM CONQUER, SOLIDDD..! Sa matagumpay na pag oorganisa ng ikalawa sa trilohiya ng bersyon nila ng Adventure Trail Run. Mula sa mga marshalls, photographers, staff at mga Boss. DAGHANG SALAMAT, sa makulay at maka pulikat na takbuhan, at sa nag-gagandahang kuhang larawan.


Kumpleto na ang dala
Hindi ko pala abot!
Nagsimula ang konseptong bumuo ng Grupo ng Trail Runners sa Maranat, noong isang taon lang, huling lingo ng hunyo, ng maisama kong tumakbo si Kap Bino sa kauna-unahan niyang Trail Run, (50K Valley Trail Run) na ginanap sa Sta Rosa Laguna. Dalawa kaming tumakbo at nirepresenta ang Maranat, inalay ang Takbo sa isang kaibigan, kapwa mamumundok na may karamdaman (Colon Cancer), kasama ang apat sa Kapatid sa Maranat bilang Support Team. 

Kalaunan niyakap na ng tropa at kapatiran ang konsepto at ideya, ng maipalwianag ko at maipakita ko ang dahilan ng aking pagtakbo! Ngayon binubuo ng pawang mga Kapatid Maranat ang Team Maranat, na naniniwala sa aking layunin, ang hindi lang tatakbo para sa bagong gamit, hindi lang tatakbo para sa kalusugan sa katawan, bagkos tumatakbo ng may DAHILAN... at iyon ay pagbibigay ng INSPIRASYON...

Kap Jaime (1), Momikoi (19), kap Mackie (5)
Paakyat ng Tuktok ng Pico, kasama si Hakiro.

Hiramin ko lang ang isang pamosong linya sa TV Series na The Flash,  
"You need to believe what's impossible." 
Isang linya ni Iris Watson na kaibigang matalik na si Barry Allen (The Flash). 

Kailangay naniniwala ka sa imposible, saan? 
Na Gagaling ka sa iyong karamdaman, na matatapos mo ang isang mahirap na takbuhan, na maaakyat mo ang isang mataas na bundok, na malalangoy mo ang isang maalon at malalim na dagat, na malulutas mo ang isang napakahirap na problema. . . 
Dahil, 
"Walang Imposible" - lukas 1:37.


Marso a-kinse, petsang hindi makakalimutan ng ilan, lalo na ng Team Maranat, dahil sa mga Blessing na dumating at nasumpungan, isang malaking pasasalamat sa nag isponsor ng aming damit na ginamit nung karera, Kap Avi Branola, Kap Charles, sa disenyo ng shirt kay Kap Kulot ng PDM, sa Team Subi-Monte sa nag-tatak ng shirt namin.

Si Hakiro sa Tuktok ng Pico.
Si Kumander sa 10K, ako sa 42K Salamat Ama.
 
Inaalay ng Team Maranat ang aming Takbo, unang una sa nag hihingalong Bundok Maranat, dalangin ko sa dami ng pumapanik na dito, makasama namin kayo sa Tahimik na adhikaing, pag-papanumbalik ng kagubatan, sa pagtulong sa mga lokal na Dumagat ng Sierra Madre, at pag bibigay Inspirasyon sa mga nanghihina. Pangalawa sa aking kaibigang may Breast Cancer, gagaling ka, walang imposible. Panagatlo sa aming mga mahal sa buhay, pamilya at Kapatid Maranat. Sa aming pangnalawang Tatay sa Bundok Maranat . . .

Tatay Nestor, para po sa inyo ang lahat ng ginagawa namin...




"Run More, Run Safe. . .
"Run for a REASON . . .
" WE RUN to INSPIRE . . ."
        - Team Maranat Trail Runers





Para sa iyo ito, ngumiti ka palagi!


Sa iyo Ama ang lahat ng kaluwalhatian. . .
qlykumaderhakilina&yanina
impinidad

 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento