Miyerkules, Marso 4, 2015

PITO sa SAMPO ng Pinas




Salamat Ama sa Lakas at Buhay na Ipinagkaloob. . .



Walang Imposible sa Ama
Sa maraming aktibidad sa buhay, maliban sa pagpasok gabi-gabi sa isang BPO Company sa Ortigas, na ngayoy nalipat ng Makati, mas pinili kong magkaroon ng Day-off ng weekend, sabado at linggo para sigurado, hahaha makapag Organisa ng Pag akyat ng Bundok, Climb for a Cause, kung mayroong Run for a Cause na sasalihan at iba pa... Mas nauna kong pinuntirya ang 10 matatas na Bundok ng Pilipinas, dahil ito ang isa sa maraming dahilang nagbibigay sa akin ng Kasiyahan. Itinuturing ko itong Achievments sa akin, hindi naman po lahat ng nilalang ay nabibigyan ng gantong pagkakataon. Bukod sa makita ang GOD Given Nature, makakita ng ibat ibang uri ng puno (matatayog, malalaki, at maliliit), mga halaman, ibat-ibang bulaklak, kakaibang insekto at hayop, ibat-ibang rock formations, kakaibang ilog, matataas at malamig na Talon o Falls. Ang Nakaraan at Pinaggalingan ng Pangalan ng Bundok o Lugar, malaman ang ibat-ibang Tribo, mga gawi at paniniwala ng lokal, at mga nakagisnang kultura na dapat irespeto, pagyamanin, ingatan at alagaan.




ga-mustasang pananalig
Sinasabing sila ang Bubong ng Pilipinas, sampong nagtata-asang bundok ng mahal na bansa. Nag simula ako ng pag-akyat ng bundok, gaya ng karaniwang dahilan ng mga bagong mamumundok sa ngayon, ang ligtas na makaakyat, basta makita ang tuktok, mag pa litrato at ligtas na makababa. (yun nga ba ngayon ang dahilan nila?) Wala pa sa kamalayan ko ang tungkol sa hirap ng pag-akyat dito at ibang kalagayan kadahilan na dapat ikonsidera. 

Lumaki ako sa hindi katolikong pamilya, nag aral at grumadweyt ng hayskul sa isang katolikong iskwelahan. Salamat Anti Lulu na siyang sumoporta at nagpaaral sa akin, sa amin 3 magkakapatid. Dahilan sa lahat ng gawain ko, dahilan kaya sa lahat ng Akyat ko, lagi akong bumubulong ng dasal, na patnubayan at iligtas ako, sa tuwing adbentyur ko sa kabundukan. Na mai-parating namin ang mga paketeng tulong sa mga lokal o katutubo ng kabundukan, na walang injury o panganib sa bawat akyat at takbo ko. Na bigyan ako ng lakas sa bawat hakbang, lundag sa Trail sa takbong alay na ginagawa ko. Maging ligtas, maayos at tagumpay ang bawat aktibid. Salamat sa Diyos...



Ibabahagi din sa Iba.
Pito sa Sampu ng sinasabing bubong ng Pilipinas ang matagumpay ko pong naakyat, sa tulong ng aking Inang Grupo na XTMSi (Xtreme Trekker Mountaineering Society inc.). Napabilang ako sa grupong ito nong 2011 lang. Ika-labing dalawang taon na ng grupo ito nunng Enero 30,2014 opisyal na nai-rehistro sa SEC ang grupo, bilang Non Profit Organizations. Bagamat Disyembre ng taong 2002 sila nagsimulang Pumanik ng Bundok. Tatlo nalang po ang kailangan kong maakyat para makumpleto ang Sampung Matataas na Bundok ng Pilipinas, una sa listahan ay ang puma-pang lima - Bundok Kalatungan, parte ng kalatungan range sa Bukidnon, gitnang bahagi ng Bukidnon. Si pang-pito - Bundok Ragang (Bundok Piapayungan), parte ng Piapayungan Range, sa Lanao del norte, kilala sa katawagang "Ragand" o Blue mountain. At si pang-walo - Bundok Maagnaw, parte ng Kitanglad Range sa Bukidnon, mga kakaibang halaman at ibat-ibang Tribo. Mananatili silang nasa bucket List ko sa Taon ng 2015. Harinawa maakyat ko sila at makumpleto ngayong taon, kasama ang aking Inang grupo o iba man.

The 10 HIGHEST MOUNTAIN IN THE PHILIPPINES:






RankMountainElevation (meters)LocationClimbedTeam/Group
1Mt. Apo / Kidapawan Trail2956 mDavao and North CotabatoOct2012XTMSI
2Mt. Dulang-Dulang2938 mKitanglad Range, BukidnonAug2013XTMSI
3Mt. Pulag2922 mCordillera Range, BenguetJan2013XTMSI
4Mt. Kitanglad2899 mKitanglad Range, BukidnonAug2013XTMSI
5Mt. Kalatungan2860 mKalatungan Range, Bukidnoncebtral Prtof bukidnon
6Mt. Tabayoc2842 mCordillera Range, BenguetDec2012XTMSI
7Mt. Ragang (Mt. Piapayungan)2815 mPiapayungan Range, Lanao del SurRagandBlue Mountain
8Mt. Maagnaw2742 mKitanglad Range, Bukidnonvarious ptribe scary
9Mt. Singakalsa (Timbak)2717 mCordillera Range, BenguetDec2012XTMSI
10Mt. Amuyao2702 mCordillera Range, Mt. ProvinceFeb2015EWOC/UGAT


"Climb Safe, Climb More,
Climb for a Reason . . . WE Climb to Inspire . . ."
                                           - XTMSi, SK, KM

"Never Stop Helping People from the Mountain. "
                                                     - TAGOT



Aktibong Miyembro ng:
Xtreme Trekker's Mountaineering Society Inc. (xtmsi) - (SEC NO. : CN 200302147)
Omeng Sandoval x-057 infinity ( bundokerongmananakbo )
Sagip Kagubatan
Kapatid Maranat


Sa iyo Ama ang lahat ng kaluwalhatian. . .

Maging RESPONSABLENG Mamumundok lang po tayo. . . 
"Don't Let our Forest become
 once upon a time!"



qlyyanina@hakilina
impinidad



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento