Salamat sa Diyos...
YOLANDA: Guiuan Eastern Samar patungong Homonhon Island, ang paghimpil ng Grupo ng ilang araw sa Guian E.Samar, ang pagtulong sa amin at pag ampon ng CARD Group na ang layunin din ay ang Tulungan ang kanilang kababayan, pagtulong at paghahanap ng masasakyan pa Isla ng Homonhon!
Ikaapat na Kabanata:
Bago ko po simulan ang kwento, hustong dalawang taon na bukas ang anibersaryo ni Yolanda, at magpasahangang ngayon ay sariwa padin sa aking gunita ang mga bagay-bagay, pangyayari, nakasalamuha at nakita noon, ang vacation leave ko sa trabaho na dalawang araw ay sobrang nagamit, isang buwan akong wala kasama ang grupo, kaya pag balik ko ayun wala akong trabaho, hehe magkagayun man, wala po akong pinag sisisihan. Dalangin ko ay nakabangon na sila ng naayon sa pangangailangan nila, babalik po kami, pinangako namin sa inyo yan.
CARD Mutual Benefit Association Office |
Agad na nakipag ugnayan sa Local Government ang Grupo sa pangunguna ni Sir Jonel Lacaba, para malaman namin ang detalye at kalagayan. Courtesy Call kay Mayor Christopher Sheen Gonzales. Ganap na alas singko ng hapon, nakapag set-up ng ng mapagpapahingahan at mapaglalagakan ng Trak, sa panibagong Anghel na umagapay at umampon sa amin sa lugar, ang grupong CARD Mutual Benefit Association Office. Pagpalain nawa kayo ni Ama...
CARD Office |
Trak na Dala namin |
Salamat at narating din ng ligtas ang Guiuan (G1), matapos masaksihan ng grupo ang nakakalungkot na mukha mula Tacloban hangang G1. Sa tingin ko sapat na ang mga ito para lalo kaming ganahang magbigay tulong, at konting pag asa at lakas ng loob.
Kainitan ng Biyernes, Nobeyembre bente dos, alas dos ng hapon! Inayos at nagbaba ng mga Paketeng Sako sa umampon sa amin na CARD Mutual Benefit Association Office. Sila ang takbuhan ng mga kababayan nating nangangailangan ng tulong sa kahit anong paraan, naglapag ang grupo ng ilang sako, bilang tulong at pasasalamat po sa kanila.
Bahay ng Isang opisyal sa G1 |
Loob ng Aming Bitbit na Trak |
Mga kabataang napagkakalooban |
Pasan Dito , Pasan Doon |
Ang aming 10 Wheeler Truck na nagdala ng sakong pakete namin mula Naga City, Albay, hanggang Tacloban diretso ng Guian Eastern Samar.
Buhat Dito, Buhat Doon |
g1 |
sinira ni yoling |
Umaga ng sabado nagsimula kaming mamahagi ng mga pakete sa pakikipag ugnayan sa mga kapitan ng bawat baranggay sa Isla Homonhon, sa pamamagitan ng mga bangka na siyang bumibiyahe pa Isla, karga nila ay mula 15 - 20 Sakong pakete ng mga relief goods,
Ilang bangka ang tumulak, maiparating lang ang ilang mga tulong mula sa Grupo na nanggaling sa mga kababayan natin mula pa Manila at Kabiculan.
Ganap na ala una ng hapon, naka kuha na ng bangkang magagamit patulak na ang grupo sa Isla Homonhon, matapos ang ilang araw na pag himpil sa Guiuan. Sa mga oras na iyon, kinailangan ng humiwalay nila Kap Joel at Kap Van sa grupo, pabalik sila ng Tacloban, para asikasuhin at tulungan ang kanilang pamilya. Ang ilang natirang Paketeng bitbit ng grupo ay ipinadala sa dalawa, at ang ilang relief goods ay inilagak sa pag iingat nila Mam Lucy G Sajorda, para mas maingatan ng ligtas maipagkaloob sa mga kapitbahay nilang kakatok at hihingi.
Limamput isa (51) na sakong pakete ng relief goods nilapag at iniwan, hindi pa kasama ang mga damit, bitamina at gamot, botelya ng tubig, at mga banig. Isang sako ng pakete ang nag silbing bayad sa pedicab driver na nagsilbing gabay at taga hatid ng mga pakete.
Sumalubong sa amin sa Guiuan E. Samar |
Isang karangalan sa amin ng malaman naming kami palang ang kauna unahang ALL Filipino Group at Mamumundok pa na makakaapak sa isla at ikatlo sa lahat ng naghatid tulong, nauna na ang mga banyagang mula Pransya at Amerika.
*Abangan po ang ikalimang kabanata ng sulat ko ang YOLANDA: ISLA HOMONHON mula G1
Daghang Salamat po sa oras at pagkakataong pagbuhusan niyo ng pansin ang kwento ko.
Pagpalain kayo ni Ama...
Padayon.
Team Leader:
Jonnel Ong lacaba
Team:
Daryl Comagon, Chaym Alcantara at Karmi Langkaway
Hadil Adnan
Gutierez Grey (Chad)
Peter John Andaman
Marlon Prudente
Erwin Manes
Angelo Nagara Palomo
Toto Ramos
Omeng Sandoval
at dalawang miyembro ng CARD
*Kap Joel at Kap Van - kinailangan ng humiwalay sa tropa, at tumulak pa Tacloban para asikasuhin ang kanilang pamilya.
si Yolanda - http://en.wikipedia.org/wiki/Typhoon_Haiyan
Mga Susunod:
YOLANDA: Isla Homonhon mula G1 - Ang Dapat sanay isang araw at balik sa G1, na naging apat na makukulay na araw.
YOLANDA: G1 Balik Manila
Sa mga Dagdag Larawan maari niyo pong silipin ang ilan sa pahinang ito:
https://www.facebook.com/rommel.c.sandoval/media_set?set=a.10200356759080775.1073741861.1808874435&type=3
Sa Iyo Ama ang lahat ng kalwalhatian,
Para saiyo ito...
qlyyanina@kumanderhakilina
impinidad
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento