Sa Ika 20, ng Disyembre 2015, gaganapin ang Sabayang Pagtakbo at Pagbibigay Ngiti sa Mga Kabataan ng Tanay, sa Daraitan, Taas noo at Bukas Palad pong makikiisa ang TeamMaranatTrailRunners (TMTR) at SagipKagubatan (Para Sa kinabukasan).
Unang-una,
Personal kong IHAHANDOG ang aking Medalya at IAALAY ang Aking Takbo sa Aking bunsong kapatid, 'Tol, wag kang susuko , kayang kaya mo yan, nariyan ang tatlo mong anghel, mapagmahal na asawa, mga kaibigan mo at narito kaming pamilya mo, Dasal lang at kapit sa Ama, magiging maayos ang lahat tol..."
INAALAY Unang Una ng TMTR ang aming Takbo sa Bundok na kung saan kami lahat nagkakila kilala, sa nag hihingalong Bundok Maranat, mapapayabong ka at manunumbalik ang dating ganda at kariktan, marami na kaming kamay na mag tutulong...
Pangalawa sa aming mga Mahal sa Buhay na nainiwala at sumusuporta sa Amin, patuloy kaming kumukuha ng lakas sa inyo sa bawat hakbang namin, bagamat maraming pag kakataon hindi kami maunawaan bakit namin ginagawa ito, ito na po ang ilan sa mga kasagutan..
At panghuli sa Aming Pinag aalayan ng TAKBO, naway makapag bigay kami ng INSPIRASYON sa inyo, sa may karamdaman o may sakit na kakilala, kaibigan o nakita lang.. PARA PO Sa INYO ang Aming TAKBO sa LINGO, Hinding hindi po kami susuko sa bawat hampas at daluyong ng Pagsubok ng buhay at karamdaman, HUWAG pong BIBITAW, patuloy na Magdasal at Manapalataya... LAHAT ay magiging maayos...
SagipKagubatan (Para Sa kinabukasan) |
Huling Hirit ng Conquer bago pa matapos ang Taon, CRT30km, Rush10km at Rush5km, BAK BAKAN na eka nga. Sabayang Pagtakbo at Pagtulong, Pagbibigay ng Ngiti sa mga kabataan ng Tanay sa Daraitan, Kasama namin ang Mga Kapatid Maranat, Sagip Kagubatan (Para Sa kinabukasan), at pwersa ng buong Team Maranat Trail Runners at Support Team.
Walo sa mga kapatid sa TMTR ang sasabak sa CRT30km, pinangungunahan nila Kap Omeng, Kap Bino, Kap Satya, Kap Roel, Kap Jaime, Kap Nate at dalawang Tinik sa aming mga Rosas sina Kap Cess at Kap Rea, hehe.
Sa RUSH10km, 31 po ang bilang nila sa kategoryang ito, pinangungunahan nila Kap Edwin at Kap Alexis, Kap Aris, Kasama ang Buong Pwersa ng Kapatid Maranat, at mga mananakbo na nagmula pa sa ibat- ibang grupo na naniniwala sa SK at TMTR at sa aming Adbokasiya.
Sa RUSh5km, Walo silang sasabak sa kauna unahan nilang pagtakbo sa Trail man o sa patag, naniwala at nakiisa at bukas palad na tumulong.
Sagip Kagubatan (Para Sa kinabukasan) |
Tinaguriang CONQUER RUSH TINIPAK 30K (CRT30)/ RUSH 10K/ RUSH 5K ang Patakbong ito na inorganisa ng Conquer, sa Pangunguna ng kanilang Masipag na Race Director Kap Benedict "Jigs" Meneses. Salamat sa pag tanggap sa Grupo bilang kabahagi, sa isang Makabukuhang Gawaing ito, ang Pag bibigay Ngiti sa mga Kabataan ng Tanay.
TeamMaranatTrailRunners (tmtr) |
WeRunToInspire - tmtr |
Si Utol, sa ngayon po ay tatlong beses isang linggo nag da-dialisis, bagamat hirap sa pambayad palang, at pagkuha ng swero, tulong tulong padin po kami na mairaos ng matiwasay ang lahat, sinasabi nga at nasususlat, "walang imposible, basta maniwala ka at manampalataya". Balik trabaho na po siya ngayon. Lahat ay magiging maayos...
"RUN Safe, Run More,
RUN For A Reason,
WE RUN TO INSPIRE"
-Team Maranat Trail Runners (tmtr)
Hanggat Kaya ko at hanngat may naniniwala sa ginagawa ko, patuloy po ang aking Takbo, hakbang at pagbibigay Inspirasyon sa Maliit na bagay na ito.
Salamat Ama... Sa IYO po Lahat ng Kapurihan at Pasasalamat.
Sa Aking MuntingPrinsesa@Kumaderhak
kay Prinbu at Sa Aking Pamilya...
Impinidad
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento