Miyerkules, Oktubre 18, 2017

Bundok Maranat (ikaapat)

Tamang Paaan para makakuha ng PERMIT

Salamat sa Diyos ng higit sa lahat . . .



Kamusta mga kapatid, matagal tagal din po akong hindi nakasulat, naging masyadong busy sa trabaho at mga aktibidad, at sa aking bagong Anghel, na isa sa mga dahilan para magpatuloy ako sa paghakbang at gawain... Nais ko lang ipaalam sa lahat lalo na sa mga nais umakyat ng tinuturing na tahanan ng karamihan, lalo na ng mga taong nakapanik sa lugar, sa ngayon ang pinaka mainam na kausapin para makapanik sa bundok na ito ay ang gupong Maranat Environmental Society Inc. (MESI). ( https://www.facebook.com/MaranatEnvironmentalSociety/ )



Sila ay may direktang ugnayan sa DENR Region3, sa Tabang, gawin lang nating makabuluhan ang bawat akyat at panik natin sa Maranat, maging sa ibang kabundukan.

Dalangin ko ang patuloy na pagunlad at paglago ng Maranat, na tinuring ng marami na tahanan, sama sama tayong suportahan ang MESI sa kaniang pagpapatuloy ng ating nasimulan (Sagip Kagubatan), sa pangunguna ng kanilang Presidente si Kap Onyot (Nestor Altamia Jr), at ng ating pangalawang tatay sa lugar si tatay Nestor, na nagsimulang tamnan ang kalbong lugar noon pang bago mabuo ang SK ng 2013, sa dami ng mga bagong kasapi at grupong nasa ilalim ng MESI, akoy naniniwalang mas lalong mababago at yayabong ang kalbong parteng ito ng sierra madre, na nasa loob ng Ipo watershed, na kung saan malaking porsyento ng tubig na lumalabas sa ating mga gripo ay dito nag mumula.
Dulong Talon
Kambal Talon




Marami pong salamat sa pagsilip at pagbasa ng pitak na ito, magsama sama tayong protektahan ang kalikasan, para sa ating sarili, sa ating mga anak, magiging apo, at para sa kinabukasan. Ang dominanteng katutubo na makikita sa parteng ito ng sierra madre ay ang mga kapatid nating katututbong Dumagat, sanlaksa ang dami nila sa Bulacan, at Rizal, sa pagtulong natin sa kalikasan, tinutulungan din natin sila para sa pagpapatuloy ng kanliang nakagisnang gawain, at nakagisnang tahanan.


Maranat

Welcome Maranat

Huwag nating hintaying maputol na ang kahuli hulihang puno, mahuli na ang kahulihulihang isda, at malason na ang kahulihulihang ilog, saka natin mauunawaan na ang pera ay hindi natin makakain.

Piyon de Makedepat (Salamat sa Bathala)
-wikang dumagat na pagpapasalamat sa lumikha

Maari niyong bisitahin ang aming FB Page - https://www.facebook.com/sagipkagubatan.ph/ , maari ninyo po i-like and share, nakalagay po diyan ang mga aktibidad ng aming oganisasyon sapul ng binuo namin ito sa Bundok Maranat noong Marso 2013.
"Ang pagsagip sa kabundukan, ay pagsagip sa kinabukasan"

Daghang Salamuch . . .


Para sa aking mga anghel, Yanina at Amihan, at sa aking kumader hakilina.


QLY

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento