Sabado, Oktubre 28, 2017

KANILANG TINIG






Kanilang Tinig
Silang mga katutubong Aeta,

Amplify their Voices
Isang makabuluhang ugnayan para sa mga kapatid na Aetas ng Palauig, Zambales - Pebrero 27-28, 2016.

Tinig nga ba ng mga katutubong Aeta, o tinig ng mga grupong may misyon o adbokasiyang tumulong sa mga katutubo ng kabundukan, kaninong boses nga ba ang ating masusumpungan sa gantong aktibidad, kaninino nga bang tinig ang ating maririnig.

Taong 2015, pa ng kumatok sila sa ibang grupo, personal na nagsabi kay Bro Sonny (kaibigang mamumundok) na sana raw may grupo na mag handog sa kanila ng gamot at bitamina, at sana raw may sumilip sa kanila na duktor . Ilang grupo narin ang sumilip at nag handog ng ilang gamit, nag pakain, nag palaro, at iba pa, ngunit ang kanilang hiling ay mga gamot, simpleng gamot para sa sipon, lagnat at ubo lamang, wala pong health center sa komunidad, ang pangunahing pinag kakakitaan ng mga katutubo sa lugar ay pag ko-cogon, pagpapatuyo ng mga buho on kawayan na ginagawang bbq at fishbol sticks, ang ilan ay nag tatanim ng mga gulay sa kanilang bakuran.





Sa Jumpoff ng Bundok Tapulao matatagpuan ang kanilang komunidad, Sitio Dampay Salaza, Palauig Zambales. Pinamumunuan ni Pastor Joseph. Biyernes ng umaga sinimulan na ang pag hahanda ng mga kakailanganing gamit, ilang delata at nudels, mga gamot at mga regalong ipapamigay sa mga kapatid na Aeta. Anim kaming tutulak pa Zambales, gabi ng biyernes. Maiksi ang oras ng preparasyon dahil punong puno na ang aktibidad ng grupo sa buong pebrero, minabuti naming ituloy ito sa kabila ng ibat ibang sirkumstansya. Hindi naging hadlang ang aming bilang bagkos naging maganda pa ito, hindi kami pinang hinaan ng loob, na makalikom ng sapat na dadalhin para sa komunidad, dahil patuloy ang dagsa at dating ng tulong mula sa mga kakilala, indibidwal, grupo o samahan, maging sa parte ng midya.

Sila ang ilan sa mga naniniwala at bukas palad at puso na nagtitiwala sa aming ginagawa, naging parte narin sila ng ilang akdibidad ng grupo sa pagtatanim sa kabundukan at komunidad. Isa sa aming nakasama si kapatid Jay Daniel Chuong-Verano, isang modelo at kontesero sa ibat ibang patimplak sa pagandahang lalaki, mamumundok mula pa sa Davao, na adbokasiya rin niyang tumulong sa mga kabalat, siya ang ipinadala ng pilipinas sa Brazil (2016), na kung saan nauwi niya ang 2nd place sa Mr. Golden Universe.





Bumubuo ng grupo ay sina kap Ferdie, kap Allan (Ae), Bro Sonny, kap Aras, kap Mong, at ako. Hindi naging hadlang ang aming bilang para mag patuloy at iparating ang kaunting regalo para sa kanila, nagpakilala, nagpalaro, nakipag kwentuhan, kinuha ang kanilang saloobin at idinukumento ang kalalagayan nila. Salamat sa oportunidad at pagkataong makasalamuha po kayo, sa kabila ng patuloy na pagunlad ng teknolohiya sila ay nananatiling nakatayo, at buong tapang na hinaharap ang pagbabago, nakakatuwang isipin na, napapanatili nila ang nakagisnang kultura at patuloy na isinasabuhay, ito naman talaga ang tama, huwag iwaglit bagkos pagyamanin pa ito, saludo po kami sa inyo, makakaasa kayo na patuloy naming ipaparinig ang inyong mga tinig sa kapatagan.





Silang mga katutubong Aeta ng Zambales. . .
Salamat Ama, sa pagkakataong ipinagloob at sa lakas na bigay.

Taos puso po kaming nagpapasalamat sa mga naniwala at nagtiwala, una napo ang, Filipino Inventrepreneur Society Produces Cooperative, Team Goodwill, Wanted Bagong Bayaning Mamumundok (WBBM), Engineer Francisco F. Garcia, Ms. Mary Grace Velasco, at sa mga Kapatid Maranat.




"Kami ay nagpapasalamat ng marami sa mga katulad ninyo at sa mga sponsors ng grupo nyo. Hinde po namen makakalimutan ang araw na ito. Hanggang sa muli... masaya at busog na busog kami sa pagmamahal nyo po sa amin."
Mensahe mula Kay Pastor Joseph, ng Sitio Dampay - Salaza

Salamat Ama








Muli ang aming panawagan, umakyat po tayo ng kabundukan ng may dahilan, makabuluhan at may pinag aalayan.
"Ang pagsagip sa kabundukan ay pagsagip sa kinabukasan."
- Sagip Kagubatan Para sa Kinabukasan Corp.

Mangyari pasilip po ang link na ito para sa aming FB Page, at dagdag larawan.

https://www.facebook.com/pg/sagipkagubatan.ph/photos/?tab=album&album_id=788461097965654


Piyon de Makedepat
QlyYaninaAmihan@Kumander

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento