Huwebes, Hulyo 31, 2014

MILO Run para kay Tita Frisca !!!


Makakalikasang Araw mga Kapatid...

Bigyan po ako ng sapat na lakas ng Lumikha upang matapos ng maayos, magandang oras at pumasok sa cut-off time na anim na oras (6 hours). Hindi dahil sa gusto kong magkaroon ng ga-platitong Medalya ng Milo, bagkos maipakita ko na walang imposible... Kayang-kayang tapusin ang ano mang gawain, laban na pinasok, bundok na inakyat, o isang malayong takbuhin, ng walang pagdadalawang isip na susuungin.. Bagamat hindi madali ang araw na ito para sa preparasyon sa mahabang tatakbuhin. (Nasa ibaba ang buong istorya, kung bakit muntik akong hindi makatakbo!) Sa ngayon nam-namin natin ang bawat sandali ng pagkakataong natapos ang takbuhan ng Ligtas at Maayos...





"Tita Frisca, inaalay ko po sa iyo ang aking takbo nitong linggo!!! Salamat sa Lakas na Bigay ng Lumikha at natapos ko po ito ng pasok sa cut-off time na anim na oras (6hours) para maipakita sa inyo na wag kayong bibitaw, magdasal lang at manalig, magtutuloy-tuloy po ang pag-galing niyo, ng walang ano mang kumplikasyon!"


Naging masyadong busy sa mga gawain sa trabaho, panik ng Bundok at kung ano-anong gawain sa bahay..., suporta sa mga kapatirang may Gig , tugtugan sa mga Grill Bar na kung saan maipapamalas ang talento nila, Bandang "LEAF BRO", Mabuhay kayo... Kaya pagkatapos ng Karera nung huling buwan (hulyo 29, 2014 Soleus Valley Trail Run). Tatlong Beses lamang naka pag ensayo para sa Milo Marathon, sa kadahilanang maraming trinabaho at inasikaso! Pero salamat sa Lakas na kaloob ng Lumikha!

Isang kaibigan ang nakateks, webes ng umaga ika-labing pito ng hulyo, pag-kauwi buhat sa trabaho sa Ortigas, si Kulin, dating katrabaho sa isang kilalang Mall sa Makati. Aking napag-alamang isinugod nila sa RMC Hospital sa Pasig ang mama niya, si Tita Frisca. Mayroong "Breast Cancer, Stage 3, si Tita... at ano mang oras ay maari na itong operahan, tatangalin po ang kanyang kanang dibdib, nanlamig ako at nalungkot... Nagtanong pa ako ng mga detalye at napag-alaman kong labis na naghirap ang katawan ni Tita sa walong sesyon (8 Sessions) ng "chemo theraphy", mula Disyembre noong isang taon at natapos nitong buwan lang ng Mayo. Nangitim at medyo na-kalbo na si Tita, pero patuloy parin siyang lumalaban, masiyahin at maalagang Lola sa mga Apo niya at maalalahaning Nanay sa kanyang mga Anak... "Fighter si Mama Meng,!", sambit ni Kulin. Makikita at mababa-naag sa kanyang larawan iyon!


Nagpadasal ng Siyam na araw (9 Days), ang isang Tita ni Kulin para sa Mabilisang Pag-galing ni Tita Frisca, at ilang Dasal buhat sa mga Mahal sa Buhay, Kamag-anak at Kaibigan, ako sa maliit kong mai-aambag, bumulong ng dasal at inalay ang aking Takbo ng Milo kay Tita Frisca...


Larawan sa Kaliwa: 
Kheng, Tita Frisca, Basty, Tan-Tan at baby elliepot nila...


Hapon ng Lunes ng ma-operahan na si Tita Frisca, dalangin ko'y walang ano mang kumplikasyon o ano paman, at mapabilis ang kanyang pag-galing!  "Malalambot na pagkain lamang ang pwede Meng, hindi pwede prutas haha!" sagot ni Kulin sa Tanong sa teks, ng magtanong ako ano pwedeng kahit pa-paanoy, mai-pasalubong... Miyerkules ng Tanghali ng payagan ng makalabas ng Ospital si Tita Frisca... Di halos naka tulog si Kulin , sa paroot-parito niya sa Billing Department at sa Kwarto, dahil sa Advice na din ng Duktor ni Tita Frisca na ayusin na ang lahat.

Ilan sa mga Maramihang Teks ni Kulin sa mga kakilala at kaibigan na nag aalala at inaantay ang update ng Operasyon ni Tita Frisca. 
Քոլին Գամո

 --------
Pray for my mama, she's now at the operating room, exactly 5:20am and preparing for the operation at 7:00am.
God be with us.
 --------
she'was out in OR at around 12noon after she stay sa recovery room for 5 hours and she's now I her room..
Praying things will gonna be fine, and no complications.



Larawan sa kaliwa si Kulin kasama si Tita Frisca naka-sumbrero, at ang kanyang mga anghel, sa isang selebrasyong dinaluhan, sila nicole, shyne, bryllie at tan-tan.

Tunay ngang walang Imposible sa ano mang bagay na iyong hilingin sa Lumikha, magkakaroon ng paraan at pagkakataong ipag-kakaloob ito,sa takdang panahon o oras, muli nating nasilayan at nasumpungan ang kapangyarihan niya.

Ligtas, nasa maayos at walang ano mang kumplikasyon, dalangin nalamang po sa ngayon, patuloy ang kanyang mabilis na pag-galing at tuluyan napong lumakas at manumbalik ang dating sigla. Salamat sa mapagmahal niyang mga apo, mga anak, mga kaibigan at mahal sa buhay na patuloy na sumusuporta at nananalangin. Kayo po ang hugutan ng Lakas ni Tita Frisca, ang inyong mga ngiti at suporta!
Salamat din po sa Lakas na pinakaloob sa akin ng Lumikha, hindi niya po ako pinabayaan ng araw ng sabado at ng linggo araw ng Milo Marathon mismo, humugot po ako ng lakas sa mga bulong na dasal na inaalay ko sa kanya, sa paniniwalang matatapos ko ito, dahil mayroong pinag aalayan ang takbo na yun.



Buhat sa Maulang Sabado ng umaga alas siyete, pag-kagaling sa Trabaho sa Ortigas, nag-giya ako ng isang grupo paakyat sa Mahal na Bundok ng Maranat sa Bulacan, ang planong ihahatid lang at uuwi kaagad, ay hindi natuloy, dahil nag simulang mag-sungit ang panahon padating palang kami sa Camp Site ng Maranat, bumuhos ang malakas na ulan, dahilan para tumaas ang tubig sa ilog, dahilan para ma-istranded ang lahat ng paakyat at pababa ng mahal na Bundok.

Tumulong po ako sa pag-hihila ng mga Mountaineer na paakyat, sa pamamagitan ng Lubid at Harness, dahil imposibe napong tawiran ang Ilog sa lakas ng Agos nito... Lampas 60 katao po ang palitan naming na-hila pa kabila, katulong sa pag hihila ang Tatay Nestor ng Bundok Maranat, at ilang kapatiran, sina Kap Chet, Kap Mark at Kap Jr...

Inabot na ng gabi, dahil sa patuloy na dagsa at dami ng dumarating, pagod pa mula sa trabaho at pag-giya sa grupo, at sa walang humpay na buhos ng ulan sa aming kanina pang basang katawan, sa kagustuhang umuwi  kahit lamang makaidlip, ay hindi na nagawa. Pero maigting po ang aking pokus na makatakbo sa Milo, kaya ng matapos ang huling grupong patawid, ganap ng alas onse (11:00pm) ng gabi, mag-isang umuwi, bit-bit ang bag at nanakbo pababa ng bundok! Alas dos 'y medya (2:30am) ng madaling araw nakalapag ang pagal na pagal at hapong katawan at paa sa MOA (Mall Of Asia), Venue sa gaganaping ika 38th Milo Marathon Manila Leg 42K Run.



Sa Lakas na pinag kaloob ng Lumikha natapaos ko po ang karerang nilahukan, pumasok po sa cutt-off time na 6hours, natapos ko po ng Limang oras at tatlumpu at pitong minuto... (5hrs 37mins.) Unofficial Time lang po ito... Sapat na para makuha ang Ga-Platitong Medalya sa 42K Run.... Salamat po sa Diyos...

Salamat po Tita Frisca, ilang pagkakataon pong gusto ng huminto sa paghakbang at pagtakbo ng aking mga paa dahil sa pagod at hirap, gawa narin siguro ng limitadong pahinga kung meron man, hindi ko po ginawa, nagsilbi po kayong enerhiya sa kahabaan ng rota ng aking karera! Magpagaling po kayo at Mag Dasal, magiging maayos po ang lahat...


Para Sayo ito, ngiti ka palagi...




qlyyanina
 
                                                                                                                                                                    


Miyerkules, Hulyo 23, 2014

Si GLENDA at si YOLANDA


Muling Sinubok ang ating katatagan at pananalig, pagkakaisa at pagiging matatag sa katatapos palang na si Glenda... nakakalungkot isipin na may mga nawalang buhay ... bago pa man siya tuluyang lumabas ng Bansa. Adisi-sais ng hulyo ng nakaraang linggo, Early Out  ng Miyerkules ng alas singko y' medya ng umaga, di na tatapusin ang buong shift hanggang alas siyete ng umaga! Naideklara na ng PAG-ASA, na signal number 3 na ang Manila. At ang Hilaga at ka-timugang bahagi ng Luzon. Makailang ulit ng namatay ang Ilaw sa Opisina, ilang files sa pc ay di na nai-save, sigaw dito..sigaw doon mula sa mga kasamahang babae, sa biglaang patay ng ilaw,  dinig ang sipol at ugong ng bayo at hampas ng hangin ni Glenda sa salaming bintana ng opisina namin, bagamat nasa 28floor kami sa isang gusali sa Ortigas, di magawang hindi mag alala, mga pamilyang naiwan sa bahay, mga kaibigan sa kung saan at iba pa... Lalo na ang aking mahal na prinsesa, kapiling ng kanyang Ina sa Antipolo, naway nasa maayos at ligtas sila, kasama ang kanyang mga kapatid at Mommy niya...
Nakakalungkot ang Bagyo ay nanalasa din sa kabikulan, ang mga Kapatid at Kaibigan sa Bicol ay tineks na mag Ingat, Magpaka-tatag at Magdasal.

Larawan sa kaliwa, ang pwersang hangin ni Glenda ng Itumba ang Century Tree sa Malacanang...

Naka resib ng mensahe mula sa mahal na Nanay, "kuya bumabagyo na, umuwi na kayo", mag iingat kayo diyan..." mga alas Dos ng umaga! Papatay-Patay na ang Ilaw sa Opisina ...
Gabi palang kasi ng Martes, ayaw na akong papasukin ng Mahal na Ina.. signal no.2 nadaw... eh mapilit ako hehe need to hit some sales kasi palagiang banggit ng Team Manager sa Trabaho!

Nagreply sa Mahal na Ina, na wag mag alala, at uuwi din ng ligtas, ipinarating din sa mahal na Ama ang mensahe. Naging Gising at nagbabantay ang Team RESQWORKS-CONQUER, sa mga kaganapan, kiti-kitext ang nangyayari, nag-aalala, nag-aabang kung may tawag sa pinuno at nakahandang rumesponde ano mang oras, na kailanganin. Salamat sa Lumikha at hindi naging ganon kagrabe ang Bangis ni Glenda. Bagamat talagang may nasalanta at may nawalan ng buhay, pasalamat parin at kahit papaano ay naging Handa ang Lokal na ahensiya ng bawat Lungsod.

Naalala ko tuloy ang mga Kapatid na REDTAG sa Naga... Kilalang SAR (Search and Rescue) Team sa Kabikulan, sa pamumuno nila Sir Joy! Sila ang Grupong Umampon sa amin noong isang Taon, ng nanga-ngailangan ng lilingap at matutuluyan ang Team - RESQWORKS-CONQUER.. Mga 3 araw din po kaming naki tuloy sa Head Quarters nila, sa "Jesse M. Robredo Memorial Coliseum" sa Naga. Para Sa Operason Yolanda ng Grupo namin.

Kami muna tumao doon, habang ang Grupo nila ay nasa Tacloban ng isang Linggo, at pagbalik nila, kami naman ang tumulak!  ( Larawan sa Kanang Ibaba ang HQ ng RED TAG sa Naga-Robredo Coliseum. at ang Buong Team RESQWORKS-CONQUER sa pamumuno ni Sir Jonel Lacaba.)



Napakalaking tulong ng Ka-biculan sa Grupo... Ang 6 Wheeler Truck na dala namin mula pa sa Pasig ay naging 10 Wheeler Truck Bago pa kami tumulak ng Tacloban at Guian E.Samar! Sa sama-samang pwersa at tulong ng mga Bicolano, relief dito, relief doon, karga dito , karga doon ang sistema namin sa loob ng 3 araw na pag himpil sa Naga! Tumulong din ang mga High School students nila sa Re-Packing, ng Goods... ( Bigas, Noodles, Delata, Tinapay, Tubig, at mga Damit). Nakakatuwa silang tignan habang nilalabhan nila ang mga Damit na binabagsak ng ibat-ibang sektor, at barangay mula pa sa buong Naga, pinababango nila ang mga Damit hehe.


Pormal-Pormalan Mode:
Larawan sa Itaas, mula sa kaliwa pa-kanan na nakatayo: Kap Gelo, Kap Chad, Kap Toto, Kap Omeng, At Kap Koi.
Larawan sa Itaas, mula sa kaliwa pa-kaliwa na nakaupo:  Kap Pedz, Kap Jayson, Sir Jonnel, Kap Erwin at Kap Marlon.

Kaliwang Larawan - Buhat dito, Buhat doon ahehe ang 10 Wheeler Truck na, ipinag kaloob ng Ka-Biculan, ng kami ay nasa Naga... 

Mula po sa Buong Team . . . Marami Pong Salamat . . .


Doon namin nakilala si Hadil, isang Egyptian National, Nursing Student sa Naga, 5 taon na sa Naga, kaya mas matatas na siyang mag-bicol kaysa tagalog, siya ay boluntaryong nag-lalaba ng mga binabagsak na mga damit, na ipa-pamigay sa mga nasalanta ni Yolanda! Natuwa kami sa kanya kasi buong maghapon siyang naglalaba, kaharap ang 3 washing machines ng mag-isa! At ng aming yayain at nilapitang sumama sa operasyon namin sa Tacloban at Eastern Samar, walang kaabog-abog siyang sumagot ng "OO, masama aku"... 
Makakaluwas siya sa susunod na Martes, mag kakaroon ng Reaunion ang Team, na kanyang hiniling, bago pa siya ipadala sa bago niyang destinasyong lugar para ituloy ang kanyang OJT sa trabaho... Ka-text din namin  siya ng kasalukuyang binabayo ang Naga, at labis-labis ang kanyang pag-aalala sa kanyang mga kaibigan at sa mga taong nakatira sa tabing dagat, napaka-pusong pinoy na niya, at ang kanyang pagmamahal sa Bansa at sa ating kultura ay ganun nalamang... Kita-kits sa Martes ng Gabi "kulot", hehe.


Isang Linggo na ang nakalipas ng Bayuhin tayo ni Glenda, nag iwan ng halos 94 nasawi sa ating bansa, at 11 naman sa Vietnam noong nakaraang linggo lang din! Ipagdasal nating huwag na pong madag-dagan ang bilang ng nasawi at nasira sa China nitong linggo, na sinasabing isa sa pinaka malakas na Bagyong tumama sa kanila sa loob ng 41 taon, ... nakakalungkot... Iba ka Glenda! You're simply the BEASSTTT!!!

Magdasal tayong Lahat na maging Maayos at maging Handa tayo sa ano mang Bagyo o Kung ano mang sakuna o bagay na susubok sa ating katatagan! Lagi nating tatandaan na pag-tumila ang ulan ay liliwanag din ang iyong mundo... (eka liriko yata ng isang kanta yun ah?! hehe.) Lagi nating tatandaan Magdasal at Humingi palagi ng Gabay sa Lumikha!

Larawan sa Itaas na kanan: Si Kumander ang nasa kaliwa, si Hadil ang nasa kanan, sa Homonhon Island, Guian Eastern Samar.


Hangang Sa Muli po...
Pagpalain Tayo Lahat ng Lumikha at mga Bathala ng kalikasan.
Para Sa iyo ito...


qlyyanina


Miyerkules, Hulyo 2, 2014

SALAMAT sa PANANALIG at PANINIWALA



Sa wakas ,makalipas ang anim na oras at limampu at siyam na minuto nakatawid ako ng Finish line, natapos din ang mahabang takbuhang sinalihan, na ang tanging kakumpetensya ay ang sarili! Kung kaya kong tapusin o hindi... mga paa at hita at ang matinding INEETTT, ang kalaban sa bawat hakbang at talon... Salamat sa Lakas na patuloy na pinagkaluob ng Lumikha, at sa mga Bathala ng Kalikasan... Kap JP, natupad ko ang pangako ka sa iyo! Para sa iyo ito Kapatid!!!





Masakit pa hangang ngayon ang kaliwang talampakan, at ang magkabilang balikat, animoy nagbuhat ng napakabigat, iika-ika pa sa paglalakad, pero sulit ang pagod at paghihirap! Salamat sa Pananalig at Paniniwalang Magagawa kong Tapusin ang Ipinangako para sa iyo!! Sabi sa iyo eh, di ka dapat sumuko. Sa ilang oras kong pagtakbo sa Trail, ilang pagkakataon akong muntik ng madulas, at makailang beses na nauntog sa ilang sanga ng mga puno, ilang tapilok o maling hakbang gawa ng madilim pa ang Trail ng magsimula kaming tumakbo alas tres ng umaga ng linggo! Lumubog at nabasa ng hamog ang sapatos sa bawat lusong sa putik at lundag sa mga damo at talahib . . .

Naalala mo ang mensahe ko mga alas diyes ng gabi ng Sabado? Bago pa kami matulog (sa Van ni Kap Alvin na naka-parada na sa Nuvali Gabi palang ng Sabado), nasa Ospital ka ng mga oras na iyon, "huwag na huwag kang susuko", wala man akong ideya gaano kasakit yan, ang alam ko'y lubos kang nahihirapan, Tibay lang at Dasal... Gaya ng Mensahe ko sa Larawan bago pa man magsimula ang karera "JP NEVER EVER GIVE UP!" Kasama ko diyan ang Support Team namin buhat sa mga Kapatid Maranat, laking pasalamat talaga namin sa inyo ni Kap Alvin, (kasama kong pong tumakbo ng 50K din.) Kap Jackie (Matalik na kaibigan ni Kap JP), Kap Aras, Kap Glenn at Kap Aaron (Umaga ng Linggo Dumating), at mga Dasal at Suporta ng mga Kapatiran at mga Kaibigan at kapwa Bundokero.




Larawan sa Kaliwa, kami ni Kap Alvin, alas dos ng umaga sa Nuvali, Sta Rosa, Laguna, Soleus Valley Trail Run. naghahanda na sa karerang sasalihan!




Sa Ibabang Kanang Larawan ang aming mga Kapatid sa Maranat na Support Team, sa pangunga ni Kap Jackie, Kap Aras Kap Glenn at Kap Aaron.


                                                               



Taos Pusong Pasasalamat po sa  mga Kapatid Maranat na Sumoporta sa amin, mapa text man ito o pm sa face book, sa mga dasal niyo, sa Support Team namin ni Kap Alvin na nakasama namin sa araw ng takbuhan!

Kay Kap Mel Pabro, sa pondong suporta sa takbo ko. Kap Jackie kung di dahil  sa iyo di ko makikilala si Kap JP, binigyan mo ako ng konting 'push' sa mga  sandaling pinanghihinaan na ko  dahil sa pagod at init sa Trail, at hirap ng  humakbang dahil sa pulikat ng hita ko. Sa Organizer (Sir Jonel, Front Runner),  Staff, Sponsors, Marshalls, Guwardiya ng Soleus Valley Trail Run.  Sa Nuvali din.. hehe. Taas kamay po kami sa Maayos na pag Organisa ninyo ng Event! Saludo po Kami!!!


( Kasama ko sa larawan sa kaliwa si Kap Jackie, ilang minuto matapos kong matawid ang Finish Line.)



Unofficial Time: 6hrs 59mins. 50K Soleus Valley Trail Run. Nuvali Sta. Rosa, Laguna - June 29, 2014.



Higit sa Lahat sa Lumikha na Patuloy na nag bibigay Lakas, Patnubay at tibay ng katawan. Sa bathala ng Kalikasan  na di kami pinapabayaan...


Salamat Po...




Hangang Sa Muli...
qlyyanina