Miyerkules, Hulyo 23, 2014

Si GLENDA at si YOLANDA


Muling Sinubok ang ating katatagan at pananalig, pagkakaisa at pagiging matatag sa katatapos palang na si Glenda... nakakalungkot isipin na may mga nawalang buhay ... bago pa man siya tuluyang lumabas ng Bansa. Adisi-sais ng hulyo ng nakaraang linggo, Early Out  ng Miyerkules ng alas singko y' medya ng umaga, di na tatapusin ang buong shift hanggang alas siyete ng umaga! Naideklara na ng PAG-ASA, na signal number 3 na ang Manila. At ang Hilaga at ka-timugang bahagi ng Luzon. Makailang ulit ng namatay ang Ilaw sa Opisina, ilang files sa pc ay di na nai-save, sigaw dito..sigaw doon mula sa mga kasamahang babae, sa biglaang patay ng ilaw,  dinig ang sipol at ugong ng bayo at hampas ng hangin ni Glenda sa salaming bintana ng opisina namin, bagamat nasa 28floor kami sa isang gusali sa Ortigas, di magawang hindi mag alala, mga pamilyang naiwan sa bahay, mga kaibigan sa kung saan at iba pa... Lalo na ang aking mahal na prinsesa, kapiling ng kanyang Ina sa Antipolo, naway nasa maayos at ligtas sila, kasama ang kanyang mga kapatid at Mommy niya...
Nakakalungkot ang Bagyo ay nanalasa din sa kabikulan, ang mga Kapatid at Kaibigan sa Bicol ay tineks na mag Ingat, Magpaka-tatag at Magdasal.

Larawan sa kaliwa, ang pwersang hangin ni Glenda ng Itumba ang Century Tree sa Malacanang...

Naka resib ng mensahe mula sa mahal na Nanay, "kuya bumabagyo na, umuwi na kayo", mag iingat kayo diyan..." mga alas Dos ng umaga! Papatay-Patay na ang Ilaw sa Opisina ...
Gabi palang kasi ng Martes, ayaw na akong papasukin ng Mahal na Ina.. signal no.2 nadaw... eh mapilit ako hehe need to hit some sales kasi palagiang banggit ng Team Manager sa Trabaho!

Nagreply sa Mahal na Ina, na wag mag alala, at uuwi din ng ligtas, ipinarating din sa mahal na Ama ang mensahe. Naging Gising at nagbabantay ang Team RESQWORKS-CONQUER, sa mga kaganapan, kiti-kitext ang nangyayari, nag-aalala, nag-aabang kung may tawag sa pinuno at nakahandang rumesponde ano mang oras, na kailanganin. Salamat sa Lumikha at hindi naging ganon kagrabe ang Bangis ni Glenda. Bagamat talagang may nasalanta at may nawalan ng buhay, pasalamat parin at kahit papaano ay naging Handa ang Lokal na ahensiya ng bawat Lungsod.

Naalala ko tuloy ang mga Kapatid na REDTAG sa Naga... Kilalang SAR (Search and Rescue) Team sa Kabikulan, sa pamumuno nila Sir Joy! Sila ang Grupong Umampon sa amin noong isang Taon, ng nanga-ngailangan ng lilingap at matutuluyan ang Team - RESQWORKS-CONQUER.. Mga 3 araw din po kaming naki tuloy sa Head Quarters nila, sa "Jesse M. Robredo Memorial Coliseum" sa Naga. Para Sa Operason Yolanda ng Grupo namin.

Kami muna tumao doon, habang ang Grupo nila ay nasa Tacloban ng isang Linggo, at pagbalik nila, kami naman ang tumulak!  ( Larawan sa Kanang Ibaba ang HQ ng RED TAG sa Naga-Robredo Coliseum. at ang Buong Team RESQWORKS-CONQUER sa pamumuno ni Sir Jonel Lacaba.)



Napakalaking tulong ng Ka-biculan sa Grupo... Ang 6 Wheeler Truck na dala namin mula pa sa Pasig ay naging 10 Wheeler Truck Bago pa kami tumulak ng Tacloban at Guian E.Samar! Sa sama-samang pwersa at tulong ng mga Bicolano, relief dito, relief doon, karga dito , karga doon ang sistema namin sa loob ng 3 araw na pag himpil sa Naga! Tumulong din ang mga High School students nila sa Re-Packing, ng Goods... ( Bigas, Noodles, Delata, Tinapay, Tubig, at mga Damit). Nakakatuwa silang tignan habang nilalabhan nila ang mga Damit na binabagsak ng ibat-ibang sektor, at barangay mula pa sa buong Naga, pinababango nila ang mga Damit hehe.


Pormal-Pormalan Mode:
Larawan sa Itaas, mula sa kaliwa pa-kanan na nakatayo: Kap Gelo, Kap Chad, Kap Toto, Kap Omeng, At Kap Koi.
Larawan sa Itaas, mula sa kaliwa pa-kaliwa na nakaupo:  Kap Pedz, Kap Jayson, Sir Jonnel, Kap Erwin at Kap Marlon.

Kaliwang Larawan - Buhat dito, Buhat doon ahehe ang 10 Wheeler Truck na, ipinag kaloob ng Ka-Biculan, ng kami ay nasa Naga... 

Mula po sa Buong Team . . . Marami Pong Salamat . . .


Doon namin nakilala si Hadil, isang Egyptian National, Nursing Student sa Naga, 5 taon na sa Naga, kaya mas matatas na siyang mag-bicol kaysa tagalog, siya ay boluntaryong nag-lalaba ng mga binabagsak na mga damit, na ipa-pamigay sa mga nasalanta ni Yolanda! Natuwa kami sa kanya kasi buong maghapon siyang naglalaba, kaharap ang 3 washing machines ng mag-isa! At ng aming yayain at nilapitang sumama sa operasyon namin sa Tacloban at Eastern Samar, walang kaabog-abog siyang sumagot ng "OO, masama aku"... 
Makakaluwas siya sa susunod na Martes, mag kakaroon ng Reaunion ang Team, na kanyang hiniling, bago pa siya ipadala sa bago niyang destinasyong lugar para ituloy ang kanyang OJT sa trabaho... Ka-text din namin  siya ng kasalukuyang binabayo ang Naga, at labis-labis ang kanyang pag-aalala sa kanyang mga kaibigan at sa mga taong nakatira sa tabing dagat, napaka-pusong pinoy na niya, at ang kanyang pagmamahal sa Bansa at sa ating kultura ay ganun nalamang... Kita-kits sa Martes ng Gabi "kulot", hehe.


Isang Linggo na ang nakalipas ng Bayuhin tayo ni Glenda, nag iwan ng halos 94 nasawi sa ating bansa, at 11 naman sa Vietnam noong nakaraang linggo lang din! Ipagdasal nating huwag na pong madag-dagan ang bilang ng nasawi at nasira sa China nitong linggo, na sinasabing isa sa pinaka malakas na Bagyong tumama sa kanila sa loob ng 41 taon, ... nakakalungkot... Iba ka Glenda! You're simply the BEASSTTT!!!

Magdasal tayong Lahat na maging Maayos at maging Handa tayo sa ano mang Bagyo o Kung ano mang sakuna o bagay na susubok sa ating katatagan! Lagi nating tatandaan na pag-tumila ang ulan ay liliwanag din ang iyong mundo... (eka liriko yata ng isang kanta yun ah?! hehe.) Lagi nating tatandaan Magdasal at Humingi palagi ng Gabay sa Lumikha!

Larawan sa Itaas na kanan: Si Kumander ang nasa kaliwa, si Hadil ang nasa kanan, sa Homonhon Island, Guian Eastern Samar.


Hangang Sa Muli po...
Pagpalain Tayo Lahat ng Lumikha at mga Bathala ng kalikasan.
Para Sa iyo ito...


qlyyanina


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento