Makakalikasang Araw mga Kapatid...
Bigyan po ako ng sapat na lakas ng Lumikha upang matapos ng maayos, magandang oras at pumasok sa cut-off time na anim na oras (6 hours). Hindi dahil sa gusto kong magkaroon ng ga-platitong Medalya ng Milo, bagkos maipakita ko na walang imposible... Kayang-kayang tapusin ang ano mang gawain, laban na pinasok, bundok na inakyat, o isang malayong takbuhin, ng walang pagdadalawang isip na susuungin.. Bagamat hindi madali ang araw na ito para sa preparasyon sa mahabang tatakbuhin. (Nasa ibaba ang buong istorya, kung bakit muntik akong hindi makatakbo!) Sa ngayon nam-namin natin ang bawat sandali ng pagkakataong natapos ang takbuhan ng Ligtas at Maayos...
"Tita Frisca, inaalay ko po sa iyo ang aking takbo nitong linggo!!! Salamat sa Lakas na Bigay ng Lumikha at natapos ko po ito ng pasok sa cut-off time na anim na oras (6hours) para maipakita sa inyo na wag kayong bibitaw, magdasal lang at manalig, magtutuloy-tuloy po ang pag-galing niyo, ng walang ano mang kumplikasyon!"
Naging masyadong busy sa mga gawain sa trabaho, panik ng Bundok at kung ano-anong gawain sa bahay..., suporta sa mga kapatirang may Gig , tugtugan sa mga Grill Bar na kung saan maipapamalas ang talento nila, Bandang "LEAF BRO", Mabuhay kayo... Kaya pagkatapos ng Karera nung huling buwan (hulyo 29, 2014 Soleus Valley Trail Run). Tatlong Beses lamang naka pag ensayo para sa Milo Marathon, sa kadahilanang maraming trinabaho at inasikaso! Pero salamat sa Lakas na kaloob ng Lumikha!
Isang kaibigan ang nakateks, webes ng umaga ika-labing pito ng hulyo, pag-kauwi buhat sa trabaho sa Ortigas, si Kulin, dating katrabaho sa isang kilalang Mall sa Makati. Aking napag-alamang isinugod nila sa RMC Hospital sa Pasig ang mama niya, si Tita Frisca. Mayroong "Breast Cancer, Stage 3, si Tita... at ano mang oras ay maari na itong operahan, tatangalin po ang kanyang kanang dibdib, nanlamig ako at nalungkot... Nagtanong pa ako ng mga detalye at napag-alaman kong labis na naghirap ang katawan ni Tita sa walong sesyon (8 Sessions) ng "chemo theraphy", mula Disyembre noong isang taon at natapos nitong buwan lang ng Mayo. Nangitim at medyo na-kalbo na si Tita, pero patuloy parin siyang lumalaban, masiyahin at maalagang Lola sa mga Apo niya at maalalahaning Nanay sa kanyang mga Anak... "Fighter si Mama Meng,!", sambit ni Kulin. Makikita at mababa-naag sa kanyang larawan iyon!
Nagpadasal ng Siyam na araw (9 Days), ang isang Tita ni Kulin para sa Mabilisang Pag-galing ni Tita Frisca, at ilang Dasal buhat sa mga Mahal sa Buhay, Kamag-anak at Kaibigan, ako sa maliit kong mai-aambag, bumulong ng dasal at inalay ang aking Takbo ng Milo kay Tita Frisca...
Larawan sa Kaliwa:
Kheng, Tita Frisca, Basty, Tan-Tan at baby elliepot nila...
Hapon ng Lunes ng ma-operahan na si Tita Frisca, dalangin ko'y walang ano mang kumplikasyon o ano paman, at mapabilis ang kanyang pag-galing! "Malalambot na pagkain lamang ang pwede Meng, hindi pwede prutas haha!" sagot ni Kulin sa Tanong sa teks, ng magtanong ako ano pwedeng kahit pa-paanoy, mai-pasalubong... Miyerkules ng Tanghali ng payagan ng makalabas ng Ospital si Tita Frisca... Di halos naka tulog si Kulin , sa paroot-parito niya sa Billing Department at sa Kwarto, dahil sa Advice na din ng Duktor ni Tita Frisca na ayusin na ang lahat.
Ilan sa mga Maramihang Teks ni Kulin sa mga kakilala at kaibigan na nag aalala at inaantay ang update ng Operasyon ni Tita Frisca.
Քոլին Գամո
--------
Pray for my mama, she's now at the operating room, exactly 5:20am and preparing for the operation at 7:00am.
God be with us.
--------
she'was out in OR at around 12noon after she stay sa recovery room for 5 hours and she's now I her room..
Praying things will gonna be fine, and no complications.
Larawan sa kaliwa si Kulin kasama si Tita Frisca naka-sumbrero, at ang kanyang mga anghel, sa isang selebrasyong dinaluhan, sila nicole, shyne, bryllie at tan-tan.
Tunay ngang walang Imposible sa ano mang bagay na iyong hilingin sa Lumikha, magkakaroon ng paraan at pagkakataong ipag-kakaloob ito,sa takdang panahon o oras, muli nating nasilayan at nasumpungan ang kapangyarihan niya.
Ligtas, nasa maayos at walang ano mang kumplikasyon, dalangin nalamang po sa ngayon, patuloy ang kanyang mabilis na pag-galing at tuluyan napong lumakas at manumbalik ang dating sigla. Salamat sa mapagmahal niyang mga apo, mga anak, mga kaibigan at mahal sa buhay na patuloy na sumusuporta at nananalangin. Kayo po ang hugutan ng Lakas ni Tita Frisca, ang inyong mga ngiti at suporta!
Salamat din po sa Lakas na pinakaloob sa akin ng Lumikha, hindi niya po ako pinabayaan ng araw ng sabado at ng linggo araw ng Milo Marathon mismo, humugot po ako ng lakas sa mga bulong na dasal na inaalay ko sa kanya, sa paniniwalang matatapos ko ito, dahil mayroong pinag aalayan ang takbo na yun.
Buhat sa Maulang Sabado ng umaga alas siyete, pag-kagaling sa Trabaho sa Ortigas, nag-giya ako ng isang grupo paakyat sa Mahal na Bundok ng Maranat sa Bulacan, ang planong ihahatid lang at uuwi kaagad, ay hindi natuloy, dahil nag simulang mag-sungit ang panahon padating palang kami sa Camp Site ng Maranat, bumuhos ang malakas na ulan, dahilan para tumaas ang tubig sa ilog, dahilan para ma-istranded ang lahat ng paakyat at pababa ng mahal na Bundok.
Tumulong po ako sa pag-hihila ng mga Mountaineer na paakyat, sa pamamagitan ng Lubid at Harness, dahil imposibe napong tawiran ang Ilog sa lakas ng Agos nito... Lampas 60 katao po ang palitan naming na-hila pa kabila, katulong sa pag hihila ang Tatay Nestor ng Bundok Maranat, at ilang kapatiran, sina Kap Chet, Kap Mark at Kap Jr...
Inabot na ng gabi, dahil sa patuloy na dagsa at dami ng dumarating, pagod pa mula sa trabaho at pag-giya sa grupo, at sa walang humpay na buhos ng ulan sa aming kanina pang basang katawan, sa kagustuhang umuwi kahit lamang makaidlip, ay hindi na nagawa. Pero maigting po ang aking pokus na makatakbo sa Milo, kaya ng matapos ang huling grupong patawid, ganap ng alas onse (11:00pm) ng gabi, mag-isang umuwi, bit-bit ang bag at nanakbo pababa ng bundok! Alas dos 'y medya (2:30am) ng madaling araw nakalapag ang pagal na pagal at hapong katawan at paa sa MOA (Mall Of Asia), Venue sa gaganaping ika 38th Milo Marathon Manila Leg 42K Run.
Sa Lakas na pinag kaloob ng Lumikha natapaos ko po ang karerang nilahukan, pumasok po sa cutt-off time na 6hours, natapos ko po ng Limang oras at tatlumpu at pitong minuto... (5hrs 37mins.) Unofficial Time lang po ito... Sapat na para makuha ang Ga-Platitong Medalya sa 42K Run.... Salamat po sa Diyos...
Salamat po Tita Frisca, ilang pagkakataon pong gusto ng huminto sa paghakbang at pagtakbo ng aking mga paa dahil sa pagod at hirap, gawa narin siguro ng limitadong pahinga kung meron man, hindi ko po ginawa, nagsilbi po kayong enerhiya sa kahabaan ng rota ng aking karera! Magpagaling po kayo at Mag Dasal, magiging maayos po ang lahat...
Para Sayo ito, ngiti ka palagi...
qlyyanina
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento