Masakit pa hangang ngayon ang kaliwang talampakan, at ang magkabilang balikat, animoy nagbuhat ng napakabigat, iika-ika pa sa paglalakad, pero sulit ang pagod at paghihirap! Salamat sa Pananalig at Paniniwalang Magagawa kong Tapusin ang Ipinangako para sa iyo!! Sabi sa iyo eh, di ka dapat sumuko. Sa ilang oras kong pagtakbo sa Trail, ilang pagkakataon akong muntik ng madulas, at makailang beses na nauntog sa ilang sanga ng mga puno, ilang tapilok o maling hakbang gawa ng madilim pa ang Trail ng magsimula kaming tumakbo alas tres ng umaga ng linggo! Lumubog at nabasa ng hamog ang sapatos sa bawat lusong sa putik at lundag sa mga damo at talahib . . .
Naalala mo ang mensahe ko mga alas diyes ng gabi ng Sabado? Bago pa kami matulog (sa Van ni Kap Alvin na naka-parada na sa Nuvali Gabi palang ng Sabado), nasa Ospital ka ng mga oras na iyon, "huwag na huwag kang susuko", wala man akong ideya gaano kasakit yan, ang alam ko'y lubos kang nahihirapan, Tibay lang at Dasal... Gaya ng Mensahe ko sa Larawan bago pa man magsimula ang karera "JP NEVER EVER GIVE UP!" Kasama ko diyan ang Support Team namin buhat sa mga Kapatid Maranat, laking pasalamat talaga namin sa inyo ni Kap Alvin, (kasama kong pong tumakbo ng 50K din.) Kap Jackie (Matalik na kaibigan ni Kap JP), Kap Aras, Kap Glenn at Kap Aaron (Umaga ng Linggo Dumating), at mga Dasal at Suporta ng mga Kapatiran at mga Kaibigan at kapwa Bundokero.
Larawan sa Kaliwa, kami ni Kap Alvin, alas dos ng umaga sa Nuvali, Sta Rosa, Laguna, Soleus Valley Trail Run. naghahanda na sa karerang sasalihan!
Sa Ibabang Kanang Larawan ang aming mga Kapatid sa Maranat na Support Team, sa pangunga ni Kap Jackie, Kap Aras Kap Glenn at Kap Aaron.
Taos Pusong Pasasalamat po sa mga Kapatid Maranat na Sumoporta sa amin, mapa text man ito o pm sa face book, sa mga dasal niyo, sa Support Team namin ni Kap Alvin na nakasama namin sa araw ng takbuhan!
Kay Kap Mel Pabro, sa pondong suporta sa takbo ko. Kap Jackie kung di dahil sa iyo di ko makikilala si Kap JP, binigyan mo ako ng konting 'push' sa mga sandaling pinanghihinaan na ko dahil sa pagod at init sa Trail, at hirap ng humakbang dahil sa pulikat ng hita ko. Sa Organizer (Sir Jonel, Front Runner), Staff, Sponsors, Marshalls, Guwardiya ng Soleus Valley Trail Run. Sa Nuvali din.. hehe. Taas kamay po kami sa Maayos na pag Organisa ninyo ng Event! Saludo po Kami!!!
( Kasama ko sa larawan sa kaliwa si Kap Jackie, ilang minuto matapos kong matawid ang Finish Line.)
Unofficial Time: 6hrs 59mins. 50K Soleus Valley Trail Run. Nuvali Sta. Rosa, Laguna - June 29, 2014.
Higit sa Lahat sa Lumikha na Patuloy na nag bibigay Lakas, Patnubay at tibay ng katawan. Sa bathala ng Kalikasan na di kami pinapabayaan...
Salamat Po...
Hangang Sa Muli...
qlyyanina
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento