Huwebes, Disyembre 17, 2015

APURAHAN, PAGPUKAW


Sa Ika 20, ng Disyembre 2015, gaganapin ang Sabayang Pagtakbo at Pagbibigay Ngiti sa Mga Kabataan ng Tanay, sa Daraitan, Taas noo at Bukas Palad pong makikiisa ang TeamMaranatTrailRunners (TMTR) at SagipKagubatan (Para Sa kinabukasan).



Unang-una,
Personal kong IHAHANDOG ang aking Medalya at IAALAY ang Aking Takbo sa Aking bunsong kapatid, 'Tol, wag kang susuko , kayang kaya mo yan, nariyan ang tatlo mong anghel, mapagmahal na asawa, mga kaibigan mo at narito kaming pamilya mo, Dasal lang at kapit sa Ama, magiging maayos ang lahat tol..."

INAALAY Unang Una ng TMTR ang aming Takbo sa Bundok na kung saan kami lahat nagkakila kilala, sa nag hihingalong Bundok Maranat, mapapayabong ka at manunumbalik ang dating ganda at kariktan, marami na kaming kamay na mag tutulong...

Pangalawa sa aming mga Mahal sa Buhay na nainiwala at sumusuporta sa Amin, patuloy kaming kumukuha ng lakas sa inyo sa bawat hakbang namin, bagamat maraming pag kakataon hindi kami maunawaan bakit namin ginagawa ito, ito na po ang ilan sa mga kasagutan..

At panghuli sa Aming Pinag aalayan ng TAKBO, naway makapag bigay kami ng INSPIRASYON sa inyo, sa may karamdaman o may sakit na kakilala, kaibigan o nakita lang.. PARA PO Sa INYO ang Aming TAKBO sa LINGO, Hinding hindi po kami susuko sa bawat hampas at daluyong ng Pagsubok ng buhay at karamdaman, HUWAG pong BIBITAW, patuloy na Magdasal at Manapalataya... LAHAT ay magiging maayos...



SagipKagubatan (Para Sa kinabukasan)
Kanya kanyang Pag aalay ng takbo ang gagawin ng bawat kasapi ng TMTR, sa kanilang mahal sa buhay sa May karamdaman at nag hihirap ang kalooban, marahil siguro sa problema, sakit o karamdaman... WALANG SUSUKO, kagaya ng gagawin naming pag Takbo, Bawat hakbang iaalay po namin sa inyo, Bawat Lundag sa mga bato at Ilog, hindi kami hihinto at susuko, pipilitin namin matapos ang karera, ng ligtas at maayos, at pag tawid sa Finish Line, Makukuha namin ang medalya na animo'y premyo sa hirap ng napagdaanan, at ito ay IAALAY din namin sa Inyo... 

Huling Hirit ng Conquer bago pa matapos ang Taon, CRT30km, Rush10km at Rush5km, BAK BAKAN na eka nga. Sabayang Pagtakbo at Pagtulong, Pagbibigay ng Ngiti sa mga kabataan ng Tanay sa Daraitan, Kasama namin ang Mga Kapatid Maranat, Sagip Kagubatan (Para Sa kinabukasan), at pwersa ng buong Team Maranat Trail Runners at Support Team.

Walo sa mga kapatid sa TMTR ang sasabak sa CRT30km, pinangungunahan nila Kap Omeng, Kap Bino, Kap Satya, Kap Roel, Kap Jaime, Kap Nate at dalawang Tinik sa aming mga Rosas sina Kap Cess at Kap Rea, hehe.
Sa RUSH10km, 31 po ang bilang nila sa kategoryang ito, pinangungunahan nila Kap Edwin at Kap Alexis, Kap Aris, Kasama ang Buong Pwersa ng Kapatid Maranat, at mga mananakbo na nagmula pa sa ibat- ibang grupo na naniniwala sa SK at TMTR at sa aming Adbokasiya.
Sa RUSh5km, Walo silang sasabak sa kauna unahan nilang pagtakbo sa Trail man o sa patag, naniwala at nakiisa at bukas palad na tumulong.


Sagip Kagubatan (Para Sa kinabukasan)
Kasama ng Sagip Kagubatan (Para Sa kinabukasan) at TeamMaranatTrailRunners, sa pangangalaga sa Bundok Maranat,  mula sa Team SalinLahi, Team Punla-SK, Team Lawin Mountaineers, Team EA Mountaineers, Team SITEL at Team NU Mountaineers.

Tinaguriang CONQUER RUSH TINIPAK 30K (CRT30)/ RUSH 10K/ RUSH 5K ang Patakbong ito na inorganisa ng Conquer, sa Pangunguna ng kanilang Masipag na Race Director Kap Benedict "Jigs" Meneses. Salamat sa pag tanggap sa Grupo bilang kabahagi, sa isang Makabukuhang Gawaing ito, ang Pag bibigay Ngiti sa mga Kabataan ng Tanay. 



TeamMaranatTrailRunners (tmtr)
WeRunToInspire - tmtr
Sa mga Nakiisa at Tatakbo bitbit ang Islogan ng TeamMaranatTrailRunners, sa kanilang puso at isipan ipinagmamalaki namin kayo sa pagiging bukas ng kamalayan at pag yakap sa Aming Adbokasiya, ang tumakbo ng may dahilan, may kabuluhan at rason, ang pakikiisa sa amin bilang TMTR ay sapat na, bonus nalamang ang pag talima at paniniwala sa aming itinutulak na Makapangyarihang Pahayag ang "WE RUN TO INSPIRE", hindi lang sa kamiseta nakatatak, bagkus bitbit ng bawat isang tatakbo suot ang aming uniporme ... Taas noo at Matapang na tatapusin ang karera.

Si Utol, sa ngayon po ay tatlong beses isang linggo nag da-dialisis, bagamat hirap sa pambayad palang, at pagkuha ng swero, tulong tulong padin po kami na mairaos ng matiwasay ang lahat, sinasabi nga at nasususlat, "walang imposible, basta maniwala ka at manampalataya". Balik trabaho na po siya ngayon. Lahat ay magiging maayos...


"RUN Safe, Run More,
RUN For A Reason,
WE RUN TO INSPIRE"
-Team Maranat Trail Runners (tmtr)

Hanggat Kaya ko at hanngat may naniniwala sa ginagawa ko, patuloy po ang aking Takbo, hakbang at pagbibigay Inspirasyon sa Maliit na bagay na ito.


Salamat Ama... Sa IYO po Lahat ng Kapurihan at Pasasalamat.

Sa Aking MuntingPrinsesa@Kumaderhakilina
kay Prinbu at Sa Aking Pamilya... 

Impinidad

Biyernes, Nobyembre 6, 2015

YOLANDA: GUIUAN E.SAMAR pa ISLA HOMONHON




Salamat sa Diyos...


YOLANDA: Guiuan Eastern Samar patungong Homonhon Island, ang paghimpil ng Grupo ng ilang araw sa Guian E.Samar, ang pagtulong sa amin at pag ampon ng CARD Group na ang layunin din ay ang Tulungan ang kanilang kababayan, pagtulong at paghahanap ng masasakyan pa Isla ng Homonhon!

Ikaapat na Kabanata:

Bago ko po simulan ang kwento, hustong dalawang taon na bukas ang anibersaryo ni Yolanda, at magpasahangang ngayon ay sariwa padin sa aking gunita ang mga bagay-bagay, pangyayari, nakasalamuha at nakita noon, ang vacation leave ko sa trabaho na dalawang araw ay sobrang nagamit, isang buwan akong wala kasama ang grupo, kaya pag balik ko ayun wala akong trabaho, hehe magkagayun man, wala po akong pinag sisisihan. Dalangin ko ay nakabangon na sila ng naayon sa pangangailangan nila, babalik po kami, pinangako namin sa inyo yan.


CARD Mutual Benefit Association Office
Makalipas ang dalawa at kalahating oras, ganap na alas kwatro medya ng hapon, ligtas at handang handa na ang grupo, nakalapag din ang pagal na mga paa at katawan sa Guiuan Eastern Samar, sinalubong na kami nila kap Daryl, kap Chaym at Kap Karmi. sirang sira at wasak na kabahayan, kalsada mga establisyemento mga puno ang  mga sumalubong sa amin. 
Agad na nakipag ugnayan sa Local Government ang Grupo sa pangunguna ni Sir Jonel Lacaba, para malaman namin ang detalye at kalagayan. Courtesy Call kay Mayor Christopher Sheen Gonzales. Ganap na alas singko ng hapon, nakapag set-up ng ng mapagpapahingahan at mapaglalagakan ng Trak, sa panibagong Anghel na umagapay at umampon sa amin sa lugar, ang grupong CARD Mutual Benefit Association Office. Pagpalain nawa kayo ni Ama...

CARD Office 
Trak na Dala namin

Salamat at narating din ng ligtas ang Guiuan (G1), matapos masaksihan ng grupo ang nakakalungkot na mukha mula Tacloban hangang G1. Sa tingin ko sapat na ang mga ito para lalo kaming ganahang magbigay tulong, at konting pag asa at lakas ng loob.

Kainitan ng Biyernes, Nobeyembre bente dos, alas dos ng hapon! Inayos at nagbaba ng mga Paketeng Sako sa umampon sa amin na CARD Mutual Benefit Association Office. Sila ang takbuhan ng mga kababayan nating nangangailangan ng tulong sa kahit anong paraan, naglapag ang grupo ng ilang sako, bilang tulong at pasasalamat po sa kanila.


Bahay ng Isang opisyal sa G1
Loob ng Aming Bitbit na Trak
Mga kabataang napagkakalooban
Sabado ng umaga ng nagsimula ang araw ng grupo sa Akyat Panaog na buhat ng mga Pakete, papunta sa CARD at sa aming Trak. Nagdiskarga ng 25 sako ng pakete na ipapadala sa Isla Homonhon sa pamamagitan ng bangka, ilang mangingisda din po ang kinausap ng grupo na dalhan at bigyan ang Pitong Barangay ng Isla Homonhon, ang nagsilbing pambayad namin ay isa hangang dalawang sakong pakete na puno ng mga pangunahing kailangan nila, wala naman po kasi kaming sapat na salapi ng mga araw na iyon.



Pasan Dito , Pasan Doon
Kailangang maipadala sa Isla ang mga pakete bago pa mag hapon, tatlong oras na biyahe sa bangka ang kailangan gawin bago makarating ng Isla, kinakailangang makarating ang Bangka bago pa maghapon dahil kapag naabutan paniyak kasing laki na ng bahay ang sasalubong na alon.

Ang aming 10 Wheeler Truck na nagdala ng sakong pakete namin mula Naga City, Albay, hanggang Tacloban diretso ng Guian Eastern Samar. 


Buhat Dito, Buhat Doon
g1
sinira ni yoling

Umaga ng sabado nagsimula kaming mamahagi ng mga pakete sa pakikipag ugnayan sa mga kapitan ng bawat baranggay sa Isla Homonhon, sa pamamagitan ng mga bangka na siyang bumibiyahe pa Isla, karga nila ay mula 15 - 20 Sakong pakete ng mga relief goods
Ilang bangka ang tumulak, maiparating lang ang ilang mga tulong mula sa Grupo na nanggaling sa mga kababayan natin mula pa Manila at Kabiculan.

Ganap na ala una ng hapon, naka kuha na ng bangkang magagamit patulak na ang grupo sa Isla Homonhon, matapos ang ilang araw na pag himpil sa Guiuan. Sa mga oras na iyon, kinailangan ng humiwalay nila Kap Joel at Kap Van sa grupo, pabalik sila ng Tacloban, para asikasuhin at tulungan ang kanilang pamilya. Ang ilang natirang Paketeng bitbit ng grupo ay ipinadala sa dalawa, at ang ilang relief goods ay inilagak sa pag iingat nila Mam Lucy G Sajorda, para mas maingatan ng ligtas maipagkaloob sa mga kapitbahay nilang kakatok at hihingi.
Limamput isa (51) na sakong pakete ng relief goods nilapag at iniwan, hindi pa kasama ang mga damit, bitamina at gamot, botelya ng tubig, at mga banig. Isang sako ng pakete ang nag silbing bayad sa pedicab driver na nagsilbing gabay at taga hatid ng mga pakete.







Sumalubong sa amin sa Guiuan E. Samar
Handa na ang grupo, lalong umigting ang kagustuhan naming makalapag sa Isla homonhon, isa sa dahilan na aming nakuha, salat na salat sa mga tulong pagkain ang mga kababayan nating waray sa Isla, bukod pa rito, para sa kaalaman ng bawat isa na bumabasa ng pitak kong ito, 20km mula sa Isla ng Homonhon, nabuo ang tinaguriang pinakamalakas na Bagyo ng 2013 si Yolanda
Isang karangalan sa amin ng malaman naming kami palang ang kauna unahang ALL Filipino Group at Mamumundok pa na makakaapak sa isla at ikatlo sa lahat ng naghatid tulong, nauna na ang mga banyagang mula Pransya at Amerika.




Pantalan ng G1 Eastern Samar

Magdamag lang ang puntirya ng grupo, para makabalik kaagad at makapag karga muli ng mga pakete sakaling kulang kami, kaya ang bitbit namin ay pang isang araw lang na damit, tubig at pagkain at iba pa.
Ala una kinse umalis ang bangka patulak ng Isla, ngunit kinailangang bumalik ng pantalan ng G1 gawa ng sirang makina, nais ba kaming patuluyin o itoy mensahe na wag na kaming tumulak? Makalipas ang tatlumpung minuto nasa pantalan na muli kami, dagling inayos ang bangka tiningnan kung ano ang problema, isang oras din ang nakalipas ng maisaayos ang bangka, salamat Ama, at bumiyahe na ang bangka, asahan daw naming malalaking alon ang sasalubong sa dalawa hangang tatlong oras na biyahe namin pa Isla Homonhon. Mag aalas sais ng gabi ng makita na namin ang isla at makalapag ang aming mga paa ng Ligtas.

*Abangan po ang ikalimang kabanata ng sulat ko ang YOLANDA: ISLA HOMONHON mula G1
Daghang Salamat po sa oras at  pagkakataong pagbuhusan niyo ng pansin ang kwento ko.
Pagpalain kayo ni Ama... 
Padayon.

Team Leader: 
Jonnel Ong lacaba

Team:

Daryl Comagon, Chaym Alcantara at Karmi Langkaway

Hadil Adnan
Gutierez Grey (Chad)
Peter John Andaman
Marlon Prudente
Erwin Manes
Angelo Nagara Palomo
Toto Ramos
Omeng Sandoval
at dalawang miyembro ng CARD

*Kap Joel at Kap Van -  kinailangan ng humiwalay sa tropa, at tumulak pa Tacloban para asikasuhin ang kanilang pamilya.

si Yolanda - http://en.wikipedia.org/wiki/Typhoon_Haiyan

Mga Susunod:


YOLANDA: Isla Homonhon mula G1 - Ang Dapat sanay isang araw at balik sa G1, na naging apat na makukulay na araw.

YOLANDA: G1 Balik Manila

Sa mga Dagdag Larawan maari niyo pong silipin ang ilan sa pahinang ito:
https://www.facebook.com/rommel.c.sandoval/media_set?set=a.10200356759080775.1073741861.1808874435&type=3




Sa Iyo Ama ang lahat ng kalwalhatian,
Para saiyo ito...
qlyyanina@kumanderhakilina
impinidad

Martes, Oktubre 6, 2015

PUMUKAW





I / WE RUN TO INSPIRE . . .



Tindog Homonhon
Nagsimula Bago pa Mabuo ang Team Maranat Trail Runners (TMTR).. Si BundokerongMananakbo muna ang nanakbo ng bitbit sa dibdib ang islogan na ito, "I RUN TO INSPIRE" na noo'y ako palang ang pansamantalang gumagamit, kasabay ko ang pangunahin kong Transportasyon ang aking mga Paa, Lakas ng Binti at Hita, at Panalanging Bulong Kay Ama, na Akoy Bigyan ng Sapat na Lakas ng Katawan at Ligtas na Matapos ang Karera o Takbong Sinalihan.
Greenfield Xmas Run - Nuvali Sta Rosa Laguna 21km December 2014.

Inaalay ko ang Takbong ito Sa Mga Nasalanta sa Isla Homonhon sa Eastern Samar. Unang Landfall ni Bagyong Yolanda, 20Km mula sa Islang Ito Nabuo si Yolanda. At Nakarating Ako kasama ang Grupo namin para Magbigay Tulong at Suporta. Tindog Homonhon, Lalo na sa mga Kabataan na sa Murang idad ay Naranasan ang ganitong trahedya.




Niyakap at Pinaniwalaan ng Mga Kapatid sa Bundok Maranat, nagsimula sa isa, dalawa... Hangang Dumami na... Pawang mga Kapatid Maranat na Kaisa sa Mithiin at Hangaring Mapanumbalik ang Kariktan ng Kinalbong Bundok.


Para Kay Tita Frisca ( Breast Cancer )
38th MILO Marathon 42km in MOA Pasay
Para Kay Kap JP (Colon Cancer)
2014 Soleus Valley Trail Challenge 50km
Nuvali Sta.Rosa Laguna


Para Sa Bundok Maranat
April 2014, Hamilo Coast Batangas 32km

Ang Pag-aalay ko ng Aking Takbo sa mga may Sakit, Karamdaman, Nahihirapan sa Kahit anong Daluhong na Bagyong Kanilang Pinagdaraanan, at Sa Inang Kalikasan ang Pangunahing Layunin ni BundokerongMananakbo na sa ngayo'y Kasama na ang Team Maranat Trail Runners (TMTR).



Bilang Pasasalamat sa Mga Taong Nagtiwala sa Akin sa Amin Para Kami Patakbuhin, wala man lang kami Maitulong Pinansyal , pero Sisiguraduhin po naming Hindi Kami Hihinto sa Kakatakbo hangat Hindi namin Matapos ang Karera. Ang INSPIRASYON sa, Pagtakbo Sa Patag man o Kabundukan ay Hindi Madali, ngunit aming pinapakita ang Katatagang Mental at Pisikal, sa Tulong ni AMA na nagbibigay ng LAKAS sa Akin, sa Amin.







Para Sa SAF 44
Criminology Unity Run - March 2014 @ BGC
Ang Pagbibigay ng INSPIRASYON, kahit sa Maliit na Bagay ay Sapat na Para Mapanatili ang Islogang BITBIT KO Sa PUSO ko.
BITBIT namin ng Team Maranat Trail Runners (TMTR).

Pagpupugay at Taos Pusong Pasasalamat Sa Aming Support Team, na Walang Sawang Ipagluto kami, Ipagtimpla ng Kape, Hilutin ang mga pagal na kalamnan at Maagang Pagpapa tulog, Bago ang Karera, Libre po nilang Ginagawa ito sa Paniniwala at Suporta Sa Bawat Hakbang At Takbo ng Aming mga Binti At Paa... Saludo po Mga Kapatid.



Isisigaw ko pong Sasabihn sa Bawat Isa na SUPORTADO ng TMTR ang Panawagan ng SAGIP KAGUBATAN na Payabungin At Ipanumbalik ang Kagandahan ng Bundok Maranat na Parte Ng Sierra Madre na Nasa loob ng IPO Water Shed. Kaisa niyo Po Kami Sa LABAN . . .


Tarak Ridge 25K (TR25) - Para kay Kap Marlon (Colon Cancer)
Mariveles Bataan
Pico De Loro 42K (PdL42) - Para Kay Mia (Breast Cancer)
Maragondon Cavite
Tanay50K - TAC - Para Sa AKing Bunsong Kapatid 
Tanay50K - TAC - Para Sa AKing Bunsong Kapatid Na Patuloy sa Kanyang Dialisis At Problema sa Kidney, Laban Kapatid Ko Kaya mo Yan, Nadito Ako, Kami.


  "RUN Safe, RUN More,
RUN For A REASON,
I RUN TO INSPIRE"
-BundokerongMananakbo

"RUN Safe, Run More,
RUN For A Reason,
WE RUN TO INSPIRE"
-Team Maranat Trail Runners (tmtr)

Hanggat Kaya ko at hanngat may naniniwala sa ginagawa ko, patuloy po ang aking Takbo, hakbang at pagbibigay Inspirasyon sa Maliit na bagay na ito.


Salamat Ama... Sa IYO po Lahat ng Kapurihan at Pasasalamat.

Sa Aking MuntingPrinsesa@Kumaderhakilina
at Sa Aking Pamilya... Impinidad













Miyerkules, Hunyo 24, 2015

TNF Run KO, para kay Gabriel



Salamat sa lakas na bigay ni Ama...


MADUGO ang Trail, ang aking naturan matapos kong takbuhin ng mahigit walong oras ang karera inabot ko naman ang kulang kulang 60.58km sa itinakdang 100km akin sanang tatapusin.




Kap Gabriel
Inaalay ko kay Gabriel De Vera ang aking takbo, sa kanyang batang edad na 25 taon, nakikipag laban siya sa sakit na Bacterial Meningitis.
Matalik siyang kaibigan ni Mam Wheng bagong kakilala na sumoporta sa katatapos lang naming Outreach sa Karahume Elementary School.
At ng maipalam ko sa aking mga kapatid sa TMTR ang pinag-aalayan ko, dagli din nilang niyakap ang aking ginawa. Inalay din ng TMTR ang kanilang takbo para kay Gabriel.

Hunyo 18,2015, nakarating sa akin ang balita buhat kay kap Mackie, na hindi na kinaya ni Gab ang sakit at paghihirap, pumanaw na po siya at sa sumunod na araw ay na-cremate.

Hindi man kita personal na kakilala, ni hindi pa kita naka daupang palad, tanging larawan mulang ang aking nasilayan, Outdoor man ka din kapatid... Alam ko nasa piling kana ni Ama sa Langit.. Matsala...

Magkakaron po ng Tribute Climb Para sa kanya, ang kanyang mga Kaibigan at kasama sa grupo, sa Hunyo 27-28, 2015. Sa Bulacan. Bundok Balagbag-Bundok Maranat Twin Hike. Lahat ng pondong Malilikom ay ibibgay sa pamilyang naulila ni Kap Gabriel.


 - - - - - - - -




Isang araw bago pa tumulak ng Nuvali sa Sta.Rosa Laguna, para ihanda ang sarili sa pinaka madugo kong takbo, namin ng TMTR sa kina-aabangang patakbo ng The North Face... TNF100km... Unang pagkakataon kong tatakbuhin ang ganito kalayong kilometro...

Hunyo onse dosmil kinse, tanghali pumitik na kami kasama si kap Roger, kapatid din sa TMTR (Team Maranat Trail Runner), na makakasama ko sa isang daang kilometro. Si kuya Jake, nagsilbing piloto namin gamit ang sasakyan ni kap Bino, sumama bilang support team namin sila kap Shelou at anak-anakang si Jayzone Todoc.

Kinabukasan naman dumating pa ang tatlo sa TMTR na tatakbo ng 22km. Sila kap jhayR, kap Mark at Kap Skyler. Dagdag suportang dumading sila kap Aaron, na nag dala ng pagkain, kap Mariel, kap Jonathan para sa ilang pagkain din.

May isang taon pa para sa revenge run na tinatawag nila, isa ako sa na DNF (Did Not Finish) sa huling cut off para last Aid Station para sa 58.3km. Mahigit sampo kaming hindi umabot sa huling AS nayan, pero masasabi kong naging totoo ako sa ipinangako ko bago pa ang karera, na hinding hindi ako susuko at bibitaw, inaamin ko hindi sapat ang training ko sa karerang ito, pero di sumagi sa isipan ko ang mag pa dnf, tirik at init ng araw, halos hindi na makaihi sa pagkaubos ng tubig sa katawan, buti nalang at hindi na heat stroke, sobrang teknikal ng trail, maka ubos lakas na assault at down hill sa bundok at sementadong patag, halos nobenta porsyentong rope segment pataas at pababa, ilang kilometrong bouldering at tawid ilog.




TMTR
Hindi nakapag tatakang sa unang AS Turning point palang marami ng sumuko at nag pa dnf, kung hindi ako nagkamali ng nakita dalawang jeep napo ang sinundo at ibinalik sa starting point.

Nagabot ng suporta pang gasulina ang Sagip Kagubatan, at nag dag-dag din si Kap Aaron, at ang masarap na pagkain na handog ni kumander hakilina bilang pabaon at suportang trail food para sa akin at sa team. Bitbit ang mga pagbating suporta at panalangin ng mga kapatid na naniniwala sa amin. Daghang Salamat po.



Maayos at Ligtas na natapos ng mga Kapatid na sila Kap Mark Smith, Kap Jhay-R Hechanova at Kap Skyler ang 22km Run nila, Saludo. Sa unang AS palang ay nahirapan na ang Kapatid na si Kap Roger, dahilan para sa sumunod na AS hindi na niya tinuloy ang Takbo, nagkasugat po ang kanyang hinlalaki sa paa, ako po tumuloy hangang sa last cut off  AS, hindi po ako umabot, isa sa naging problema ko ay ang pag kumpiyansa, kaya maging aral po sana sa lahat ng Mananakbo, patag man o Kabundukan, isang daang porsiyento palagi sa bawat Hakbang at Talon at Takbo. 

Sa iyo Ama ang lahat ng kalwalhatian..

Qlyyanina@hakilina
Impinidad



Lunes, Hunyo 1, 2015

XTMSI



Ang aking Inang Grupo sa pamumundok. . .



xtmsi 2002

Nagsimula ang lahat bilang isang Libangan ng Grupo, binuo ng ATP na kung saan ang pamumundok ay isa sa kanilang akdibidades. Nobyembre 23-24, ilang empleyado ng ATP ( P1 & P2) ay naakyat ang Bundok Talamitam,  sa Naaugbu, Batangas, may taas na 2,959 feet above sea level. Ito ay pinamunuan ni Romel Sanglay at ang Montanara Outdoor Group. Ito azng pagkakataong kami ay naging isa at nag buklod. At dito na nagsimula ang lahat. Ang aming pasyon sa pamumundok ay yumabong at aming napagyaman. Nang matagumpay na naakyat ang Bundok Talamitam, noong Disyembre 07,2002. Inorganisa ni Arnel Austria ang ikalawang pag akyat ng bundok, sa layuning mabuo ang grupo.


Ito ay ginanap sa Bundok Maculot, sa Cuenca Batangas. Labing apat kami magkakasama noon, at mula sa bilang na yun, bumuo kami ng mga opisyales na tatayong pinuno ng grupo. At pumili nadin kami ng opisyal na pangalan ng grupo, at dalawang pangalan ang lumutang at lumabas. AMKOR TECHNOLOGY MOUNTAINEERING SOCIETY, INC. at X'TREME TREKKERS MOUNTAINEERING SOCIETY, INC. Dahil hindi kami nabigyang approval na isama sa pangalan ng grupo ang kumpanya, napagpasyahan naming gamitin ang X'TREME TREKKER MOUNTAINEERING SOCIETY, INC. Enero 30, 2003, XTMSI ay opisyal na nai-rehistro sa SEC bilang non-profit organization.


Pang limampo at pito, palang akong miyembro ng grupong  ito, ang XTMSI at malaki ang respeto ko at pasasalamat sa inang grupo kong ito.. Naway magsama sama pa tayo sa mga akyatan, pagtulong sa kapatagan maging sa kabundukan, at patuloy na magkaisa sa mga naiising makabuluhan ...


Pagpalain tayo ng Bathala ng Kalikasan at ni Ama... Matsala.. Padayon..


Sa iyo Ama ang lahat ng kalwalhatian...

X-057 Infinity

qlyyanina@hakilina

impinidad






Linggo, Abril 26, 2015

Maikling Kwento (usa)


Maikli lang ito promise...


Mapagpalang araw po, naging masyadong bisi sa mga gawaing medyo makabuluhan, sa trabaho at sa ilang personal na bagay, dag dag pa nito ang patuloy na pag putok at pag sikat ng Bundok Maranat... haha. Nabasa at nahagip ng aking mata ang post na patungkol sa kubeta sa taas, matagal ng umiikot sa social media gaya ng facebook ang usaping ito, ngunit nananatiling tikom ang bibig ng mga taong pirming naroon sa taas, eka sino ba sila kasi?

Sa pag tahimik ba, ibig sabihin wala silang magawa? O pinapabayaan lang ang mga batikos at puna, O maari namang hindi lang ninanamnam ang ibig sabihin ng mga larawan at mensahe ng kumakalat na paksa... O mas mainam na manahimik nalamang at gumawa ng walang satsat, O sabi nga nila sa wikang ingles, "let's walk the talk",

Hustong tatlong taon na ng una kong naakyat ang Bundok na Maranat, gaya ng mga nauna kong pitak patungkol sa Bundok na ito, na batu-balani din ako ng lugar... ito ng Bundok na lampas isang daang ulit ko ng naakyat, lalo pa kung wala akong Major Climbs... BAKIT??


Ampangit naman ng lugar, kalbong kalbo, kaya ikinakalat sa Social Media na wag ng akyatin ang lugar, may sumisigaw sa bandang ilalim ng napaka habang thread ng paksa, sa kung dapat bang akyatin ang naturang Bundok... Magtanim daw ng mapalitan ang mga pinutol na mga puno,. bigyan daw ng pang matagalang  pag kakabuhayan ang mga mag uuling...makipag tulungna sa lokal na sangay ng lugar, Gobyernong sangay na makakatulong sa pag papaunlad at pagtulong sa pag bangon ng bundok, sa mga bantay ng lugar? 


Mas mainam po bang makipag tulungan na lamang kayo sa mga grupong TAHIMIK na nag hahanap ng solusyon sa pag babago ng lugar? Mga indibidwal at grupong naroon mismo sa lugar, na palaging nakikisalamuha sa mga lokal doon? Bagamat wala ka ng makitang "pure" na Dumagat sa lugar panay mistiso na at remuntado ...

Mas makakatulong kaba kung hindi ka papanik? Makakatulong kaba kung mag sasasat-sat kalang sa social media? Makakatulong kaba kung pupuna ka ng mga bagay na maapektuhan ang mga TAHIMIK na kapatid na Mamumundok na pumapanik doon? 
Teka ano ba kasi ang ginagawa nila dun? Namin doon? Dito? Mahiwaganag tanong,. 

Tama at maganda ang LAYUNIN ng mga panawagan at ilang mensaheng kumakalat sa social media, pero sapat bang paraan ito para makanti o magising, kalabitin sa balikat ng mga nag bubulag bulagang sangay na dapat sanay sila ang nangunguna dito? hindi SILA? KAMI? IKAW? Sino? 


O mas mainam na magtulong tulong nalang tayo sa mga proyektong nakalatag para sa pag papanumbalik ng yabong at ganda ng lugar... MANIWALA KA... Maraming pamamaraan.. Hindi ang pag post sa SOCIAL MEDIA na alam na alam nating MARAMING SA SAWSAW na walang alam sa kung ano man ang  sinabi niya... at TUNAY na kinahaharap ng lugar . . . 


OO KALBONG KALBO eh, ibig po bang sabihin pagpuputol ng puno ang problema?

OO Maraming Mag uuling eh. ibig po bang sabihin pag kakaingin ang problema?
O sa TINGIN mo may MAS MALALIM na kinahaharap ang BUNDOK?

Uulitin kopo, TAMA ang LAYUNIN ng Panawagan (maari), pero Maaring MALI ang PAMAMARAAN ng pag kakalat (siguro)...


Maikling kwento ng isang mananakbongmamumundok... na kasama sa TAHIMIK na gumagawa ng paraan para sa PAGBABAGO sa lugar, naway makasama namin kayo, sampo ng aking mga kapatid sa taas , na kaisa sa mga layunin at hangarin natin...

MARAMI po TAYO, Panagako, nasa paligid lang sila . . . TAHIMIK . . . 

Pagpalain tayo ng Bathala ng Kagubatan...

Padayon mga Kapatid . . .

Aktibong Miyembro ng:

SAGIP Kagubatan Para sa Kinabukasan Corp.
XTMSi at Kapatid Maranat . . .

qlyyanina@hakilina



Lunes, Marso 23, 2015

Takbo sa PICO, Para sa Kaibigan ko.







Salamat sa Lakas na pinag kaloob ng Lumikha.


pang tatlumpo at dalawa ako
Maganda ang simula ng mga unang saltada, ng paakyat na ng tuktok ng Pico, ayun kumagat na ang mag asawang daga sa magkabila kong hita, haha sayang talaga, hindi na-sustenihan ang lakas ng mga binti haha, pero ganun talaga parte ng kompetisyon at larangang aking napili yan eh! Pasalamat nadin at naging maayos ang tapos ko at lahat miyembro ng Team Maranat Trail Runners, at mga tumakbo ng araw na iyon. 

Personal na Inaalay ko ang Takbong ito sa aking kaibigan na may Breast Cancer. Kailan lamang niya natuklasan ito, na labis mong ikinahina, at ikinapayat, hiling mong wag kong bangitin ang pangalan mo, para sa iyo ito. Huwag kang panghinaan ng loob, hindi pa katapusan ng lahat, gaya ng bukambibig mo ng huli nating usap. Ito ay simula palang ng matapang na pagharap sa iyong karamdaman. Sundin si dok, inumin ang iyong gamot, sabihin mo sa pamilya mo yan, sa matalik mong kaibigan, sa kapareha mo sa buhay, at higit sa lahat humingi ka ng lakas at gabay kay Ama,  tibay ng loob at pananalig na ikaw ay gagaling, walang imposible.  Makipag usap ka sa kanya... Magdasal ka kaibigan ko, nadito kami para sa Iyo.

Katatapos palang ng nakakapagod at nakakaubos lakas na takbuhan, sa Ikalawang Parte ng Trilohiya ng Conquer Adventure Run. PDL42K at Bonifacio B10 Trail Run, sa Bundok Palay-Palay o Pico Deloro sa Maragondon, Cavite at (Nasugbu Batangas). Kasama ang Team Maranat Trail Runners na binubuo nila, Kap Edwin, Kap Bino, Kap Efren, Kap JhayR, Kap Roger at ako sa 42K, at sina Kap Jaime, Kap Mackie, Kap Melyn at si kumander hakilina ko sa 10K Trail run, hindi lang namin nakasama si Kap Marlon.

Team Maranat kasama si Idol Koi
Bulong ng Panalangin bago mag umpisa
Groupie muna, 15minuto bago magsimula.



Sa Tahanan ni Kap Mae-Mae, kasama Support Team
Taos pusong pasasalamat sa mga Kapatid Maranat na naging Support Team namin ng araw na iyon, hindi magiging posible ang lahat ng wala kayo, isang malaking parte ang naiambag niyo para mas lalo kaming ganahan. Walang katulad na Support Team, na pinagluto at hinilot ang pagal na kalamnan namin, bago at pagkatapos ng karera. Sa pangunguna nila Kap Charles, Kap Karisse, Kap Darzy, Kap John, Kap Iel, Kap Aras at Kap Rain (maingay siya hehe), at humabol pa si Kap Skyler. at sa aming Drayber si Kuya Jake.
At sa nagpatuloy at nagpatulog sa amin sa Maragondon, na naging instant pinsan naming lahat, pagpalain ka ni Ama, MARAMING SALAMAT po, Ma'am Mae-Mae o Jermine Malimban, isa kang Anghel sa Langit!  Pero talagang hindi bagay ang boses mo sa taglay na Ganda mo! hehe.

Team Maranat kasama Boss Jessie, Jigger ng Conquer
FOOTeek Runner, nagsama sama muli

Isang BIG TIME na pasasalamat sa Bumubuo ng TEAM CONQUER, SOLIDDD..! Sa matagumpay na pag oorganisa ng ikalawa sa trilohiya ng bersyon nila ng Adventure Trail Run. Mula sa mga marshalls, photographers, staff at mga Boss. DAGHANG SALAMAT, sa makulay at maka pulikat na takbuhan, at sa nag-gagandahang kuhang larawan.


Kumpleto na ang dala
Hindi ko pala abot!
Nagsimula ang konseptong bumuo ng Grupo ng Trail Runners sa Maranat, noong isang taon lang, huling lingo ng hunyo, ng maisama kong tumakbo si Kap Bino sa kauna-unahan niyang Trail Run, (50K Valley Trail Run) na ginanap sa Sta Rosa Laguna. Dalawa kaming tumakbo at nirepresenta ang Maranat, inalay ang Takbo sa isang kaibigan, kapwa mamumundok na may karamdaman (Colon Cancer), kasama ang apat sa Kapatid sa Maranat bilang Support Team. 

Kalaunan niyakap na ng tropa at kapatiran ang konsepto at ideya, ng maipalwianag ko at maipakita ko ang dahilan ng aking pagtakbo! Ngayon binubuo ng pawang mga Kapatid Maranat ang Team Maranat, na naniniwala sa aking layunin, ang hindi lang tatakbo para sa bagong gamit, hindi lang tatakbo para sa kalusugan sa katawan, bagkos tumatakbo ng may DAHILAN... at iyon ay pagbibigay ng INSPIRASYON...

Kap Jaime (1), Momikoi (19), kap Mackie (5)
Paakyat ng Tuktok ng Pico, kasama si Hakiro.

Hiramin ko lang ang isang pamosong linya sa TV Series na The Flash,  
"You need to believe what's impossible." 
Isang linya ni Iris Watson na kaibigang matalik na si Barry Allen (The Flash). 

Kailangay naniniwala ka sa imposible, saan? 
Na Gagaling ka sa iyong karamdaman, na matatapos mo ang isang mahirap na takbuhan, na maaakyat mo ang isang mataas na bundok, na malalangoy mo ang isang maalon at malalim na dagat, na malulutas mo ang isang napakahirap na problema. . . 
Dahil, 
"Walang Imposible" - lukas 1:37.


Marso a-kinse, petsang hindi makakalimutan ng ilan, lalo na ng Team Maranat, dahil sa mga Blessing na dumating at nasumpungan, isang malaking pasasalamat sa nag isponsor ng aming damit na ginamit nung karera, Kap Avi Branola, Kap Charles, sa disenyo ng shirt kay Kap Kulot ng PDM, sa Team Subi-Monte sa nag-tatak ng shirt namin.

Si Hakiro sa Tuktok ng Pico.
Si Kumander sa 10K, ako sa 42K Salamat Ama.
 
Inaalay ng Team Maranat ang aming Takbo, unang una sa nag hihingalong Bundok Maranat, dalangin ko sa dami ng pumapanik na dito, makasama namin kayo sa Tahimik na adhikaing, pag-papanumbalik ng kagubatan, sa pagtulong sa mga lokal na Dumagat ng Sierra Madre, at pag bibigay Inspirasyon sa mga nanghihina. Pangalawa sa aking kaibigang may Breast Cancer, gagaling ka, walang imposible. Panagatlo sa aming mga mahal sa buhay, pamilya at Kapatid Maranat. Sa aming pangnalawang Tatay sa Bundok Maranat . . .

Tatay Nestor, para po sa inyo ang lahat ng ginagawa namin...




"Run More, Run Safe. . .
"Run for a REASON . . .
" WE RUN to INSPIRE . . ."
        - Team Maranat Trail Runers





Para sa iyo ito, ngumiti ka palagi!


Sa iyo Ama ang lahat ng kaluwalhatian. . .
qlykumaderhakilina&yanina
impinidad