Biyernes, Oktubre 24, 2014
BUNDOK MARANAT (dos)
Salamat sa Lumikha Higit sa Lahat. . .
Matagal tagal nading hindi nasundan ang huling post ko patungkol sa Bundok Mara'at (dahil sa bundok na ito, makikita ang mga damong, napaka-kati), o Madaat (tawag ng mga naunang Dumagat sa lugar na ito). Bago pa sila tuluyang mapa-alis ng mga Unat sa kanilang tahanan!
Lalong dumami ang pumanik sa naturang bundok na ito, marami nading mga nag conduct ng Outreach Climb o Climb for a Cause, partikular sa ibat-ibang parte ng Sierra Madre, na kinapapaluoban din ng Bundok Balagbag, Bundok Maranat, Bundok Oriod at iba pa, sa mga hindi nakaka alam parte po ng IPO Watershed ang Maranat, iyan mismong Falls, na napag kakamaliang Oriod Falls ng marami, mali po iyan po ay Maranat Twin falls, ang tubig na nang gagaling diyan ay nag mumula sa Oriod, napakalayo po ng Bundok Oriod sa Maranat! Ang iniinom na tubig sa Kapatagan ay galing sa Ipo Dam, Water Shed! Kwentuhan tayo sa Taas, pag nag pang abot tayo!
Larawan sa Kanang Itaas - Bouldering sa Maranat kasama Ang Sinag.
Dagdag kaalaman lang naman po ang maibibigay ko, panik po kayo sa Taas, sa Camp Site, at malamang makita niyo po ako, sampo ng aking mga kasama na palagiang nasa Mahal na Maranat! Kami po ang Aktibong Kapatid Maranat, at Sagip Kagubatan... Tahimik na tumutulong sa nag hihingalong Maranat - Bakit? Dala ng Pag puputol ng Puno, Kaingin (dahil nauso ang mga Grill bar hehe), at iba pang bagay na lubos na nag sisira ng kabundukan, partikular sa Sierra madre!
Alam ko naman pong hindi lang sa Bundok na ito nagyayari ang mga ganung insedente, halos lahat ng Bundok may mga ganyang problema, at tayo bilang Mamumundok, responsibilidad nating tumulong sa pag babalik ng kayabungan ng Kagubatan at Bundok, kung ikinokonsidera mong Mamumundok ka, tututlong ka sa pag sasa ayos ng mga Mali, Kung totoong nag mamalasakit ka, makikiisa sa mga programang nakalatag para matulungan ang nag hihingalong Maranat . . .
Larawan sa Kaliwang itaas, Tanaw ang Maranat Twin Falls mula sa Trail pababa mula sa Huling Guho.
Pwedeng Camp Site , pagbaba lang ng Aras Camp, bandang Kanan papuntang Falls mula sa Kubo.
Malapitang Silip ng Twin Falls ng Maranat
Tanong nga ng Bunso kong Pamangkin na babae, ilang buwan na ang nakalilipas, "Tito, dapat po ba ganyang kagaganda ang damit mo para maging Mountaineer? bakit ikaw walang ganyan?" pinapatungkulan niya ung mga larawang nakita niya sa album ko, Branded na gamit, kasuotan at iba pa... Sumagot ako ng maayos, "Mahal ko, wala kasing pambili ang Tito ng ganyan, kaya wala ko ng mga gamit na ganun! pang ukay lang ako." sa murang idad na 7, masyadong kumplikado kung ipapaliwanag ko sa kanya ang detalye! pero sapat na iyon para mapa-oo ko siya! Darating ang Panahon siya na mismo ang sasagot ng Tanong niya!
Ako po yang naka Bughaw, na may Taling Pula sa buhok - Secret Falls ng Bundok Maranat
Ito ang Tinatawirang Ilog kapag Banayad at Payapa ang Ilog
Hindi naman po talaga natin masisising dumami at darami pa ang papanik sa Bundok Maranat, napaka ga-gandang Falls, lalo pa kung nalibot niyo lahat hanggang dulo, Bouldering, yung Kwebang Bato sa Dulo na may Falls.
Dulong Falls ng Maranat, pag akyat sa taas niyan ung Kwebang Bato na Falls din.
Isa pang Falls, Boulder pa-paitaas ang Twin Falls ng Maranat.
Mini Falls sa Loob ng Secret Falls / Jacuzzi
Ang Larawan ng Bundok Maranat is Toxx (Tuko)
Ang mga Trails, para po sa kaalaman ng marami, may 5 - 6 na daan po papuntang Maranat (sa Camp Site, kubo ng tatay Nestor), And paboritong daanan ng mga perstaym sa Maranat, na dadaan sa Barangay kay Hepe Bong, yan po ang "Traditional trail". Trail na madaraanan si Ate Julma, patungong Nursery at ang huling hinto ay sa Guho, na kung saan tanaw na ang Camp Site.
Isa sa mahirap at Medyo delikadong Trail ay ang "Sirko Balentong Trail", sa pangalan na mismo makukuha, pihadong sisisrko at babalentong ka! Hindi maipapayong daanan ito kapag maulan. Sa Kapatid Maranat ang Paboritong dumaan dito kahit gabi ay si Kap Chet, ang tagos nito ay sa Ilog na, ung falls sa bandang kaliwa bago ka bumaba ng ilog sa Zipline area.
Kapag Banayad si Maranat ganyan kaganda ang Ilog
Sumunod ay ang "High-Way Trail", mabilis ang daan na ito, mas magandang tanawin ng Dam ang makikita mo kapag dumaan ka dito! napakalawak ng mga makikita mong Trail, sa mga Trail Runner, mainam itong pag-ensayuhan niyo.
Sumunod ang "Papaya Trail", ang mga Lokals at mag uuling ang nagpangalan dito, nakaktuwa sa Trail na ito wala kang makikitang Puno ng Papaya! haha, ikwento ko sa inyo dahilan! Sa likod ni Toxx Wood o kulungan ng mga manok na ang labas niyo rito.
Sumunod ang "Tung-Tong Trail", kadalasang dinadaanan ito ng mga palagi ng umaakyat ng Maranat, short-cut po ito, tawag pa ni Kap Edwin, may lugar sa Trail na yan na tinawag niyang "10 Minutes Trail" . . . mas mabilis po kasi yan, ang tagos mu na ay sa tindahan na ni Ate Julma!
Yoong isang Trail ay wala pang tawag, dipa napapangalanan ng mga Lokal's o Mamumundok na palagiang napanik sa Maranat. May Daan pa po sa Karahume, at ang Balagbag-Loop - ang orihinal na Loop ay kakain ng 5 - 6 na oras, pero kung sa Falls ang Tagos mo kaya ng 2- 3 Oras mula sa Balagbag! depende sa bilis mo.
Takip Silim sa Bundok Maranat
Napakaganda po ng Kabundukan, sana poy sama sama tayong , magtulungan sa ikaka unlad at pag papanumbalik ng dating Ganda, Yabong, at Sukal nito, alam naman nating Mahirap.. dahil may seryoso tayong mababangga sa Patuloy na Tahimik na pakikilaban ng Grupong Kapatid Maranat at Sagip kagubatan! Kwnetuhan tayo sa Taas, para sa mga detalye at sa mga bagay na nais niyo pang malaman!
Pinaka bagong update:
Matagumpay na naakyat ni Pinoy Mountaineer himself Dr. Gideon Lasco, kasama ang mga Kapatid na sila Kap Daryl, Kap Koi at Coby. - Awareness Climb . . . Inasikaso naman po sila ng mga kapatid sa taas, Kap Edwin, Kap Chet at Tatay Nestor Mismo, at iba pang naroon sa taas ng araw na yun! nitong Oktubre 17, 2014, biyernes.
Matagumpay din po at ligtas lahat ng kasali sa ibent na Dayhike ng Grupong "Malaya (International Outdoor Group)", nitong Oktubre 18, 2014, sabado, na pina ngungunahan ni Kap Danilo Candelario. Mabuhay po Kayo!
Sa mga Balak masilayan ang Ganda ng Mahal na Maranat, makatulong po sana itong mga impormasyong ito:
*Mula SM Fairview - Sumakay ng Jeep o Bus na Sapang Palay o Tungko Mismo - p15 - p18. baba ng
*Tungko (palatandaan Jollibee o BDO Bank) o Palengke, Maglakad papuntang Licao-Licao Jeep Terminal - p28 hangang Licao-Licao.
*Licao-Licao Terminal ... pwede kayong Mag trike hangang San Isidro Iskul (Barangay) o TungTong (mini palengke- shortcutt) - p30 isa.
*sa Barangay San Isidro Iskul - Log-In --- p10 bawat isa. (2-3 oras ang Trek Mula rito)
Sa mga nais kumuha ng Guide o Porter, maari po kayong makipag ugnayan sa Barangay si Hepe Bong po ang Mgbibigay sa inyo ng Guide. o maari namang sa Licao-Licao mismo sa Bilyaran, ung tindahan doon, nakatira si kap Edwin - (Chairman namin sa Sagip Kagubatan), maari kayong mag patulong mag-pakuha ng Guide o Porter.
Uulitin ko po, kung maabutan niyo kaming mga Kapatid Maranat o Sagip Kagubatan sa Trail o sa Licao-Licao, LIBRE PO namin kayong igigiya papuntang Maranat!
Kapag wala po kami, ang mga Bantay Kalikasan (binubuo ng Half-Dumagat), po ang makukuha niyong Guide, mga naka Dilaw na damit po sila.. ang alam ko po ay - p300 - p400. Ang kanilang singil, Guide and Porter, makipag usap nalang po kayo.
Maging RESPONSABLENG Mamumundok lang po tayo. . .
"Don't Let our Forest become
once upon a time!"
qlyyanina@hakilina
impinidad
YOLANDA: NAGA pa-TACLOBAN (usa)
Salamat sa Diyos...
Naipakilala ko napo sa unang bahagi ang grupo kahit papano, mas malalim niyo pong makikilala ang bawat isa sa talaarawan na ito, at ang aming Operasyon noong isang taon. Bago pa mag anibersaryo si Yolanda mai-post ko na itong Ikalawang Bahagi!
YOLANDA: Naga, Pa-Tacloban, Pagda-dagdag ng Paketeng dadalhin at paghahanap ng masasakyan patungong Kabisayaan! Ang 6 wheeler nadala namin buhat Pasig naging 10 Wheeler sa tulong ng mga Bicolanos! Re-Packing, Karga-dito, Karga doon ang sistemang inikutan ng sistema ng Grupo doon..
Ikalawang Kabanata:
Ikalabinganim ng Nobyembre dos-mil trese, patuloy ang bagsak at dating ng mga Relief Goods, ibat-ibang pakete nagmula sa buong Kabikulan, nakakataba ng puso at nakakatuwang isipin ang pagtulong ng bawat isa, mahirap o may kaya, sunod sunod po ang pag buhos ng mga tulong, hindi na namin alintana ang pagod at hirap, ang mga kargang pakete ng 6 Wheeler Wing truck namin ay dinis-karga at inal-was ang laman, laking pasalamat namin sa sobrang dami ng mga tulong, ang 6 wheeler na Truck na dala namin mula pa ng Pasig ay naging 10 Wheeler Truck na! Salamat po!
Sunod-sunod na buhos at dating ng mga Tulong Biyaya para sa mga nasalanta .
Mga Delata, Bigas, de-botelyang Tubig, Nudels, mga personal at pangunahing pangangailangan ng ating mga kababayan sa Kabisayan, ang patuloy na bumabaha sa Naga!
Laking pasasalamat namin, dahilan para lalo po kaming ganahan at mag pursigeng tumulak na papunta ng Tacloban at ibang parte ng kabisayaan! Ngunit kailangan pa naming mag hintay, paparating palang ang Grupong RED TAG, SAR Team ng Kabikulan na nauna sa amin ng isang Linggo sa Tacloban! HIntayin namin ang pagdating nila, upang malaman namin ang pinaka huling kaganapan sa Tacloban, at ng malaman din namin ang dadatnan at masusumpungan ng Grupo pag lapag namin sa Tacloban. Para mapaghandaan namin at ng mabatid namin ang kailangan! Mapag planuhan ng maige ang gagawin.
Larawan sa itaas: Ang ilang silid at kuwarto sa JMR Coliseum, ay ginawang tambakan ng mga pakete, maraming silid ang ginawang re-packing area, sa tulong ng boluntaryong mamayan ng Naga, at boluntaryong estudyante ng ilang High School.
de-botelyang tubig, ilang sakong bigas, mga delata ang nire-repack sa silid na ito, isang Values Teacher (naka dilaw), ang nangunguna sa pag sasaayos!
Pagtapos ng maghapong buhatan, ipapatawag upang mag pulong, nakaresib na ng pinaka huling balita buhat sa Tacloban, isang araw nalamang ay dardating na ang Grupong RED TAG (SAR), kaya kailangan na naming ihanada ang kung ano pang dapat ihanda!
Larawan kuha sa Loob ng Opisina ng RED TAG sa JMR Coliseum.
Pag hihiwa-hiwalay ng mga personal na gamit, na ipapamigay din sa Tacloban, mga toothpaste, toothbrush, shampoo, sabon, ibinabalot muli at nilalagyan bawat paketeng ipapamigay!
Larawan kuha sa loob HQ ng RED TAG (SAR ), sa JMR Coliseum.
Inabot na ng Gabi ang Buhatan, mga Sako ng bigas na ire-rapack, pahinga isang araw nalang tutulak na kami ng Tacloban! kaya pinag hahandaan na po lahat!
Chin Po Tong Volunteer Fire Brigade Inc. Tumulak din po ang Grupo nila sa Tacloban, pabalik palamang ng Bicol ng mga panahon na iyon!
Sa Paanan ng Bundok Isarog, Hot Spring, libre kaming naki langoy, isang araw bago tumulak ng Tacloban.
Sa mga gusto pang makita ang iba pang Larawan, paki check niyo po ang Facebook page link na ito!
https://www.facebook.com/rommel.c.sandoval/media_set?set=a.10200360662618361.1073741863.1808874435&type=3
TEAM RESQWORKS-CONQUER
Team Leader:
Jonnel Ong lacaba
Team:
Joel Gayoso
Gutierez Grey
Peter John Andaman
Marlon Prudente
Erwin Manes
Angelo nagara Palomo
Toto Ramos
Omeng Sandoval
* Dagdag sa grupo Mula Naga:
Grace lim ( Vanessa )
Kuya Lito
- mayroon silang Pamilya na Nasalanta sa Tacloban na halos isang linggo na silang walang balita, nakiusap na sumama sa grupo namin sa pagpunta sa Tacloban, at bilang kapalit tutulong daw sila sa Reapcking na ginagawa namin ng mga panahonna iyon.
Koi Grey - Hindi na niya kami nasamahan sa Tacloban, gawa ng may Karera siya ng Sabado, araw ng pagtulak namin pa-Tacloban. Salamat Kapatid, naipanalo niya ang Karerang nilahukan. Alay Para sa Tacloban.
*** Grupong Nabuo mula Pasig Hangang Naga City.
si Yolanda - http://en.wikipedia.org/wiki/Typhoon_Haiyan
Mga Susunod:
YOLANDA: Tacloban, Pa-Guian Eastern Samar, preparasyon ng pagtulak pa Eastern Samar, ang nakakalungkot na Mukha Mula Tacloban biyahe patungong Guian Eastern Samar. Pag bibigay kahit papaano ng konting Pakete sa mga nadaraanan, mahal sa buhay ng isang miyembro sa Team at iba pa.
YOLANDA: Guian E.Samar patungong Homonhon Island, ang paghimpil ng Grupo ng ilang araw sa Guian E.Samar, ang pagtulong sa amin at pag ampon ng CARD Group na ang layunin din ay ang Tulungan ang kanilang kababayan, pagtulong at paghahanap ng masasakyan pa Isla ng Homonhon!
Para saiyo ito...
qlyyanina@kumander
impinidad
Sabado, Oktubre 18, 2014
TIBOK ng PULSO KO
Salamat sa Diyos, higit sa Lahat...
Maligayang Bati Mahal kong Prinsesa...
Wala ako ng mga unang segundo at minuto ng masilayan mo ang liwanag, at ng unang mahanginan ang iyong malambot na bunbunan, narinig ang iyong unang iyak, at habang lumalaki ka, isang taon lang kita diretso nakasama, ng mga sumunod na mga taon ay minsanan na lamang kita makita, hangang dumating sa puntong, umabot ng ilang lingo at buwan, palagiang malambing na tinig mo lang at mga kwento sa kabilang linya ng telepono ang komunikasyon ang aking nasusumpungan. Ikaw ang PINAKA Mahalagang bagay ng nangyari sa buhay ko munti kong prinsesa, ikaw ang nagbibigay lakas sa mga gawain at mga pinapasok ko, sa pag hakbang ko, sa mga gawain ko, inaalay ko sayo mahal ko, ikaw ang PINAKA Matamis na bagay na nangyari sa akin. Naalala ko ang buong araw na tugtog sa loob ng kwarto mo habang ikay payapa at mahimbing na natutulog, ng ikay sanggol pa, (They Long To Be) Close To You by The Carpenters.
On the day that you were born the angels got together.
And decided to create a dream come true.
So, they sprinkled moon dust in your hair of gold,
And star-light in your eyes of blue.
Hindi maikakaila na Anak kita, hehe biruan ng mga Ninong at Ninang mo,at ng mga kaibigan at malalapit sa akin, sa lapad ng ating mga Noo, san ka pa! Sasagot paba ako? Isa Kang Biyaya buhat sa Langit na labis na nagtutulak sa aking humakbang, at mag patuloy sa mga pag kakataong akoy pinang hihinaan, at napapagod, isang malambing na tinig mo lang at isang panalong ngiti, napapawi na ang aking Pagod, Pighati at Problema! Mahal na Mahal kita Munti kong Prinsesa, dalangin kong Lumaki kang Malusog, walang kahit ano mang karamdaman o sakit, Magalang sa lahat ng taong nakaka salamuha, Mabuting Anak sa Magulang mo at Ate sa mga Kapatid mo, Apo sa mga Lola at Lolo mo, at lumaking May Takot sa Diyos ng Higit sa lahat.
Sadyang napaka bilis ng Panahon, Espesyal na araw mo ngayon, gaya ng hiling mo manikang Frozen at Relo, itinabi ko na at ibibigay sa iyo, Loom bands na iniiyak mong magkaroon meron na din ako. At ibang gamit na labis mong ikakatuwa. May Date tayo ngayong linggo, isang araw pagtapos ng Kaarawan mo, ang pangakong dadalhin kita sa Water World, ay itinama mo haha, napakamot noo tuloy ako! (Boom Panot!)
- Dadi Rowmel, Ocean Park po un, hindi po Waterworld -
Salamat Liz, at mahihiram ko si Yanina ng Hindi kasama ang nag aalalga sa kanya, huwag kang mag alala hindi ko naman ki-kidnapin ang Anak ko hehe.
Minsan naiisip kong hindi ako mabuting ama, pabaya o ano pa man, lalo na ng hindi na kita halos makita, alam kong may pagkukulang ako, hindi man ako perpektong tao o ama, pero isa lang masisigurado ko hinding hindi ka nawaglit sa isip ko kahit isang segundo, hindi ko man maibigay sa iyo lahat ng luho sa mundo, isa lang sigurado ko Mahal na Mahal kita at ikaw ang nagbibigay sigla sa akin! Sa maliit na bagay na kaya kong gawin, ibibigay ko sayo Munti kong Prinsesa.
Larawan sa Kaliwa: Nitong Abril lamang ng Mahiram ko siya sa Kaarawan ng Pamangkin ko, Katabi ni Yanina, Si JM naka bughaw na polo.
Ang kasiglahan na pirming ipinapakita mo anak, sa tuwing tayo ay nag kikita, o mahiram sa maalaga mong Mommy, natutuwa ako ng labis, nawawala ang lungkot ko o kahit ano pa mang kalungkutan nadarama, ang patakbong palundag na yakap na ginagawa mo sa tuwing nag-kikita tayo ay labis na nag papasigla sa akin, sa ano mang bagay na ginagawa ko! Dalangin kong pirmi kayong nasa maayos na kalusugan, lalo na ang Mommy mo, ng sapat at maayos kayong mapalaki, at maalagaan kasama ng dalawa mong napa-kukyut mong kapatid sa Daddy Ewa mo. Isang Pasalamat at Respeto din sa kanya at napakabait at responsable niyang Ama sa iyo.
Sapat ng Dahilan para isuot ko ang ngiti sa aking labi, sa ano mang bagay na ginagawa ko, ikaw ang insiprasyon ko, tunay ngang isa ka sa mga babae sa buhay ko na pinag kukunan ko ng lakas, hindi man kita parating nakikita o nayayakap, alam mong ngayon lang ito, ipinapangako ko sa iyo na darating ang pag kakataon na mag kakasama tayo, at hinding hindi kana mawawala sa tabi ko, lagi mo lang tatandaan sa bawat gawain mo, sa mga sandaling nahihirapan ka, pinanghihinaan, o kailangan mo ng kausap, kaibigan o simpleng nais mo lang ngumit, mahal kong anak nandito si Dadi Rowmel mo, itataya ko ang lahat para sa iyo Munti kong Prinsesa . . . Maligayang Bati sa ika Pitong Taong Kaarawan mo Yanina ko!
Nandito ang Dadi palagi para sa iyo, PANGAKO. . .
Ikaw ang Tibok ng pulso ko mahal ko. . .
Para Saiyo ito . . .
qlyyanina@hakilina
impinidad
Huwebes, Oktubre 16, 2014
YOLANDA: PAGHAHANDA sa PASIG
Salamat sa Diyos...
Hinati ko po sa Apat na Bahagi ang gagawin kong pagpapakilala sa Grupo, at ang aming Operasyon noong isang taon. Bago pa mag anibersaryo si Yolanda mai-post ko na itong unang Bahagi! Nobyembre a-Otso, Dosmil Trese, petsang hinding-hindi makakalimutan ng Sambayanang Pilipino, lalo na ng mga Kababayan, Kamag anak, Mahal sa Buhay at Kapatid natin sa parteng Kabisayaan.
Ang una po ay ang, YOLANDA: Paghahanda sa Pasig, preparasyon namin mula sa Pasig patungong Naga, ang paglikom ng mga tulong na paketeng dadalhin sa mga nasalanta ng Bagyong Yolanda. Partikular sa Eastern Samar at sa Homonhon Island. Ang mga Anghel sa Daan na nagbigay Lakas sa amin upang kami ay lalong ganahan at magpatuloy sa pag-sulong at pag hakbang.
Unang Kabanata:
Nagsimula ng alas nwebe ng gabi Katorse ng Nobyembre dosmil trese, sa Pasig, sa may Road 66, kela bossing doon, hehe, isang linggo matapos ang Pananalasa ni Yolanda sa Buong Kabisayaan. Ang Balita sa radyo at telebisyon, maging sa mga peryodiko ay ang Bangis at iniwang pinsala ni Yolanda. Si Sir Jonnel Lacaba, nagpahanap ng mga boluntaryong indibidwal na handang magbigay tulong sa Kabisayaan, isang lingo lang inisyal na plano pero maging handa raw sa biglaang pagbabago ng itineraryo! Bukas na iteniraryo!
Nagmula sa Ibat Ibang Mountaineering Group, Rescue Team, Trail Runner, Biker at iba pa. Nagkasama sama at nag kaisa sa iisang Layunin at Hangarin! Tutulak ng Lakas ng Loob, at tibay ng sikmura lang dala, 6 wheeler truck na may mga paketeng pagkain, delata, tubig, instant nudels at iba pa. Tutulak ng Bukod sa may kani-kanila pang trabaho at gawain na naiwan,ay walang alinlangan na Susulong sa Mithiin at Hangaring Makatulong, sa Kapwa, lalong-lalo na,sa mga kababayang nasalanta at labis na naghihirap, ang Baon at Panalangin sa Diyos na Marami kaming matulungan kahit sa Maliit na pamamaraan namin, Boluntaryo po kami lahat, walang ano mang Pulitiko o ano mang BIG Networks, ang kumarga sa Grupo, may mangilan-ngilan nagtangka, ngunit ang gusto nilay ilagay ang kanilang mukha sa mga plastik na Pakete na bitbit namin! Na hindi pinahintulutan ng aming Team Leader. Pagtitiwala lang po sa bawat isa at Pananalig sa Diyos na Lumikha ang Bitbit, Mula PASIG hangang NAGA City sa BICOL, Labing Tatlong Oras sa Loob ng Mainit na 6 Wheeler Wing Truck.
Kasama namin ang mga Paketeng naka Sako, naka bote at naka Karton.
Pagsilip sa Loob ng Wing Truck ng Labin-tatlong Oras na Biyahe!
Makalipas ang Halos walong oras na biyahe, nakahiga sa trapal sa ilalim ay aming mga damit. Alas singko y medya ng umaga, a-kinse ng Nobyembre nakarating ang Grupo sa Gumaca,Quezon Province, kailangan maka langhap ng sariwang hangin. Kumakalam na din ang sikmura,at ng makaihi naman kahit papaano, mga biskwit na baon at tubig ay ubos na, minabuting huminto at pa-hanginan din ang gulong ng Truck, at Sabay-sabay ng mag almusal ang Team, "LOLO OMPO", ang napiling kainan , mura at masarap daw kasi ang mga pagkaing pares at sabaw dito, kaya dito na kami humimpil ng makakin at makapag pahinga din at maideretso ang mga kalamnan at mga litid sa pag kakabaluktot ng walaong oras sa Truck.
Umorder ng tig-iisang tapsi, at sang' damukal na sabaw, sadyang un lang ang nakayanan ng Team, bulong pa ni Sir Jonnel, ung mura lang daw ang kainin at piliin, kasi di aabot sa budget, tipid-tipid din pag may time.! Napapasarap na ang kainan, nag kakatuwaan , at bakas na bakas ang labis na pagka gutom, at ginhawa sa napakainit na sabaw, at malamig na tubig at sarap ng pagkain, solb na sabi nga, rapsa!
Nagulat ang lahat ng biglang nagdatingan at ihain sa amin ang ilang masasarap na pag kain, mga pamoso at mabebentang pagkain ng restorant, bahagya kaming natigilan at nag tinginan, sabay-sabay na tanong,"Kanino po ito Galeeng?". walang umimik, tuloy ang kain, hinain eh, sayang naman kung walang kakain, haha biruan pa ng tropa! Napaksarap na Kapeng Barako, Sabaw, Pansit, at mga matatamis na Suman at iba pa.
Oras na nag bunutan ng share, tumayo si Sir Jonnel, para tanungin ang total na halaga ng aming nakain. Sumenyas ng "LIMA" ang may ari ng resto, sa pag aakala naming p500 lang ang total na nakain namin, natuwa kami at bakit ganun kamura ung mga nilantakan namin! Labis kaming nagulat ng iaabot na ni Sir Jonnel ang halagang p500, ng hindi ito tangapin ng may-ari, ng malaman niyang tutulak daw kami pa Tacloban nagpasya siyang huwag ng pabayaran ang mga kinain namin, bagkos, dinagdagan pa ng sobra, tunay ngang isa kang Anghel Ma'am Merlyn, Mula po sa Grupo namin, Taos pusong pasasalamat at Pagbati ang aming ipinaparating, Pagpalain po kayo ng poong May kapal! ito nadaw ang kanyang Tulong sa amin ng Maayos naming maiparating ang aming Bitbit na tulong.
Kasama si Ma'am Merlyn, at mga kasama sa Resto, Selfie muna.
Tuloy ang Larga sa tinutumbok na lugar. Tapos na ang almusal, pinag kalooban kami ng unang Anghel sa Daan, ilang Oras nalang nasa destinasyon napo ang Grupo, ng maka resib ng text si Sir Jonnel, buhat sa Lead ng USTMC, dumaan daw po kami sa Bahay nila at may idadagdag daw silang Relief Goods, hindi na kami nag atubili, inalam na agad ang eksaktong lokasyon nila, at dina-anan isang kakilala ni Sir Jonnel na naka base sa Naga.
Eksakto alas dose ng tanghali, dumating kami sa Magandang tahanan nila Sir Bidge Villaroya. Sa isang magandang subdivision sa Naga City, pangalawamg Anghel sa Daan na aming masasabi, pinag handa po kami ng Bongang-Bongang Pananghalian!!! Salamat po at hindi kami pinapabayaan ng Mahal na Ginoo, patuloy ang bigay at buhos ng mga Biyaya sa Daan.
Larawan sa itaas ang masarap at masagana naming kainan, pinag kaloob ni Sir Bidge, (naka Gray Shirt, kanang itaas), at ng kanyang pamilya. Pagtapos ng nakaka-dighay na kainan, nakibalita sa pinakabagong kaganapan tungkol sa Bagyong Yolanda, nanood ng telebisyon, nakipag kwentuhan sa kanila, at pagkakataon para mag-text sa mga mahal sa buhay na naiwan sa Manila. Nakakuha ng pinaka huling update sa kaganapan sa Tacloban at ibang parte ng Kabisayaan, ipinaalam na po sa amin ni Sir Bidge kung saan kukunin ang dagdag nilang Relief Goods para sa mga nasalanta.
Dagdag pagkain, ilang Kahon ng Botelyang tubig, mga Delata, Nudels, Kape at iba pa. At mga Tinapay at Tubig Baon daw namin sa mahabang biyahe pa!
Agad naming tinungo ang lugar na pagkukuhaan ng mga Pakete, at ikinarga na po sa aming Truck! Lalo po kaming ginaganahang makarating sa Tacloban at ibang parte ng kabisayaan, bagamat hindi ganun karami ang aming dala, ito ay sapat na para makatulong kahit paano, at makapag bigay pag-asa sa mga kababayan nating pinaghihinaan na ng loob, ng mga panahon na iyon!
Larawan sa kaliwa: Dagdag Paketeng ipinagkaloob ng Villaroya's Family! Muli po ang taos puso naming pasasalamat, tunay ngang nakaka inspire at nakaka gana ang mga ganitong klaseng kababayan natin na handang mag bigay at mag kaloob ng kanilang tulong. Pagpalain po kayo ng Poong May kapal. At tumulak na po ang Grupo sa destinasyon.
Alas tres ng hapon, narating napo namin ang NAGA City, titigil kami sa Jesse M. Robredo Coliseum, isang malaking istadyum, na ipinangalan kay Idol Sec. Jesse. Tatlong oras ding namiss ang bahagyang liwanag at sariwang hangin, dahil nasa loob kami ng Wing Truck, buong biyahe! Nakakatuwang alalahanin ng pag-angat ng kanang pakpak ng Truck namin, kanya kanya kaming pose, nagulat kami ng makitang maraming tao ang naka-abang at nakatingin sa aming Truck, maraming bilang at mahabang pila ng mga tao ang nandoon, animoy naka pila para humingi ng Relief Goods, bagko's ay kaniya kaniya silang bitbit ng mga paketeng maitutulong sa Tacloban, ang Istadyum pala ang bagsakan ng lahat ng Relief Goods na ibabahagi at ipapamigay sa Tacloban at ibang parte ng Kabisayaan! Proud to be, napaka sarap sa pakiramdam ng malaman namin yun! Dagdag Gana, at inspirasyon sa amin!
Larawan sa Itaas: unat-unat muna ng mga kalamnan, konting oras nalang at Naga City na!
Larawan sa Ibaba: Sa wakas nasa Naga City na JMR Coliseum.
Ibinaba na ang mga Gamit, inayos ang mga Pakete sa Truck, isinasaayos ang pag biyahe patungong Tacloban, nawa'y maka tulak na patungong Tacloban, ng maipamahagi na ang dalang tulong sa mga nanga-nagilanagn! Nagpahinga at tumulong sa ilang buhatin at ayusin sa Istadyum, habang nakikipag usap si Sir Jonnel, sa kinauukulan para sa aming masasakyan pa tungong Tacloban. Inabot ng dilim, inisyal na usapan ay hindi maka bibyahe ang Grupo ngayong araw, maghintay daw ng kinabukasan para mapa-linya at ma prioritize sa biyahe! Mag alas siyete na ng gabi, hapunan na, buong akala mahihirapan na naman maghanap ng makakainang mura, abot kaya at masarap! Bumuhos muli ang Biyaya ni Big Bro, ang kakilala at tropa ni Kap Koi Grey, Trail Runner din, na taga Naga, inako na ang Hapunan ng Grupo. Ibang klase talagang biyaya, hindi kami pinapabayaan, patuloy na may mga Anghel sa bawat lalapagan.
Kilala daw at masarap ang Lutuin sa Resto na ito, ang pinaka pamoso nilang Bulalo ang aming Inorder, abay lahat ng masarap sa Buhay ay libre, haha salamat sa Tropa ni Koi, at walang ka abog-abog niyang sinagot ang hapunan ng buong grupo, mula Driver, 3 pahinante at kaming Sampu, maganda ang ambience, at malinis ang resto, dahilan para kami ganahang kumain hehe! "PODO Grill & Bulalohan ", Boom Solb! Taos Pusong Pasasalamat Sa Tropa ni Koi.
Pagtapos ng makabundat na kainan, at kwentuhan pasalamatan, kailangan na naming magpahinga, ang SAR ( Search and Rescue ) Team ng Naga City na "RED TAG", ay isang linggo ng nasa Tacloban, Rescue and Relief Operations din ang ginampanan nila. Doon muna kami pinatuloy sa HQ nila na nasa JMR Coliseum din, may umampon kagad sa amin, coordinated with the Team Lead and Other Local Officials, habang wala ang RED TAG Team, kami po muna ang tatao at tutulong sa pag lilikom ng patuloy na buhos ng Tulong ng mga bicolano, na binabagsak sa JMRC. Iniskedyul na din ang aming biyahe pa Tacloban, nakikipag coordinate na ang Team, partikular ang aming Team Lead na si Sir Jonnel. habang nag hihintay, patuloy po kaming nag paparami ng pakete at tutulong sa pag sasa-ayos ng mga bumubuhos na tulong!
Larawan sa Kaliwa - Sa HQ ng RED TAG SAR Team ng Naga City.
Nag umpisa na ang Bakbakan eka nga, hiling ng bawat isa at dalangin na panatilihin kaming Malakas at Ligtas, malayo sa disgrasya at kapahamakan, at ng maayos naming magampanan ang aming sinimulang Operasyon!
Sa mga Dagdag Larawan na nais niyo pang makita, paki check lang po itong Facebook link na ito; https://www.facebook.com/rommel.c.sandoval/media_set?set=a.10200360662618361.1073741863.1808874435&type=3
TEAM RESQWORKS-CONQUER
Team Leader:
Jonnel Ong lacaba
Team:
Joel Gayoso
Gutierez Grey
Peter John Andaman
Marlon Prudente
Erwin Manes
Angelo nagara Palomo
Toto Ramos
Koi Grey
Omeng Sandoval
*** Grupong Nabuo mula Pasig Hangang Naga City.
si Yolanda - http://en.wikipedia.org/wiki/Typhoon_Haiyan
Mga Susunod:
YOLANDA: Naga, Pa-Tacloban, Pagda-dagdag ng Paketeng dadalhin at paghahanap ng masasakyan patungong Kabisayaan! Ang 6 wheeler nadala namin buhat Pasig naging 10 Wheeler sa tulong ng mga Bicolanos! Re-Packing, Karga-dito, Karga doon ang sistemang inikutan ng Grupo doon.
YOLANDA: Tacloban, Pa-Guian Eastern Samar, preparasyon ng pagtulak pa Eastern Samar, ang nakakalungkot na Mukha Mula Tacloban biyahe patungong Guian Eastern Samar. Pag bibigay kahit papaano ng konting Pakete sa mga nadaraanan, mahal sa buhay ng isang miyembro sa Team at iba pa.
YOLANDA: Guian E.Samar patungong Homonhon Island, ang paghimpil ng Grupo ng ilang araw sa Guian E.Samar, ang pagtulong sa amin at pag ampon ng CARD Group na ang layunin din ay ang Tulungan ang kanilang kababayan, pagtulong at paghahanap ng masasakyan pa Isla ng Homonhon!
Para saiyo ito...
qlyyanina@kumander
impinidad
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)