Biyernes, Oktubre 24, 2014
BUNDOK MARANAT (dos)
Salamat sa Lumikha Higit sa Lahat. . .
Matagal tagal nading hindi nasundan ang huling post ko patungkol sa Bundok Mara'at (dahil sa bundok na ito, makikita ang mga damong, napaka-kati), o Madaat (tawag ng mga naunang Dumagat sa lugar na ito). Bago pa sila tuluyang mapa-alis ng mga Unat sa kanilang tahanan!
Lalong dumami ang pumanik sa naturang bundok na ito, marami nading mga nag conduct ng Outreach Climb o Climb for a Cause, partikular sa ibat-ibang parte ng Sierra Madre, na kinapapaluoban din ng Bundok Balagbag, Bundok Maranat, Bundok Oriod at iba pa, sa mga hindi nakaka alam parte po ng IPO Watershed ang Maranat, iyan mismong Falls, na napag kakamaliang Oriod Falls ng marami, mali po iyan po ay Maranat Twin falls, ang tubig na nang gagaling diyan ay nag mumula sa Oriod, napakalayo po ng Bundok Oriod sa Maranat! Ang iniinom na tubig sa Kapatagan ay galing sa Ipo Dam, Water Shed! Kwentuhan tayo sa Taas, pag nag pang abot tayo!
Larawan sa Kanang Itaas - Bouldering sa Maranat kasama Ang Sinag.
Dagdag kaalaman lang naman po ang maibibigay ko, panik po kayo sa Taas, sa Camp Site, at malamang makita niyo po ako, sampo ng aking mga kasama na palagiang nasa Mahal na Maranat! Kami po ang Aktibong Kapatid Maranat, at Sagip Kagubatan... Tahimik na tumutulong sa nag hihingalong Maranat - Bakit? Dala ng Pag puputol ng Puno, Kaingin (dahil nauso ang mga Grill bar hehe), at iba pang bagay na lubos na nag sisira ng kabundukan, partikular sa Sierra madre!
Alam ko naman pong hindi lang sa Bundok na ito nagyayari ang mga ganung insedente, halos lahat ng Bundok may mga ganyang problema, at tayo bilang Mamumundok, responsibilidad nating tumulong sa pag babalik ng kayabungan ng Kagubatan at Bundok, kung ikinokonsidera mong Mamumundok ka, tututlong ka sa pag sasa ayos ng mga Mali, Kung totoong nag mamalasakit ka, makikiisa sa mga programang nakalatag para matulungan ang nag hihingalong Maranat . . .
Larawan sa Kaliwang itaas, Tanaw ang Maranat Twin Falls mula sa Trail pababa mula sa Huling Guho.
Pwedeng Camp Site , pagbaba lang ng Aras Camp, bandang Kanan papuntang Falls mula sa Kubo.
Malapitang Silip ng Twin Falls ng Maranat
Tanong nga ng Bunso kong Pamangkin na babae, ilang buwan na ang nakalilipas, "Tito, dapat po ba ganyang kagaganda ang damit mo para maging Mountaineer? bakit ikaw walang ganyan?" pinapatungkulan niya ung mga larawang nakita niya sa album ko, Branded na gamit, kasuotan at iba pa... Sumagot ako ng maayos, "Mahal ko, wala kasing pambili ang Tito ng ganyan, kaya wala ko ng mga gamit na ganun! pang ukay lang ako." sa murang idad na 7, masyadong kumplikado kung ipapaliwanag ko sa kanya ang detalye! pero sapat na iyon para mapa-oo ko siya! Darating ang Panahon siya na mismo ang sasagot ng Tanong niya!
Ako po yang naka Bughaw, na may Taling Pula sa buhok - Secret Falls ng Bundok Maranat
Ito ang Tinatawirang Ilog kapag Banayad at Payapa ang Ilog
Hindi naman po talaga natin masisising dumami at darami pa ang papanik sa Bundok Maranat, napaka ga-gandang Falls, lalo pa kung nalibot niyo lahat hanggang dulo, Bouldering, yung Kwebang Bato sa Dulo na may Falls.
Dulong Falls ng Maranat, pag akyat sa taas niyan ung Kwebang Bato na Falls din.
Isa pang Falls, Boulder pa-paitaas ang Twin Falls ng Maranat.
Mini Falls sa Loob ng Secret Falls / Jacuzzi
Ang Larawan ng Bundok Maranat is Toxx (Tuko)
Ang mga Trails, para po sa kaalaman ng marami, may 5 - 6 na daan po papuntang Maranat (sa Camp Site, kubo ng tatay Nestor), And paboritong daanan ng mga perstaym sa Maranat, na dadaan sa Barangay kay Hepe Bong, yan po ang "Traditional trail". Trail na madaraanan si Ate Julma, patungong Nursery at ang huling hinto ay sa Guho, na kung saan tanaw na ang Camp Site.
Isa sa mahirap at Medyo delikadong Trail ay ang "Sirko Balentong Trail", sa pangalan na mismo makukuha, pihadong sisisrko at babalentong ka! Hindi maipapayong daanan ito kapag maulan. Sa Kapatid Maranat ang Paboritong dumaan dito kahit gabi ay si Kap Chet, ang tagos nito ay sa Ilog na, ung falls sa bandang kaliwa bago ka bumaba ng ilog sa Zipline area.
Kapag Banayad si Maranat ganyan kaganda ang Ilog
Sumunod ay ang "High-Way Trail", mabilis ang daan na ito, mas magandang tanawin ng Dam ang makikita mo kapag dumaan ka dito! napakalawak ng mga makikita mong Trail, sa mga Trail Runner, mainam itong pag-ensayuhan niyo.
Sumunod ang "Papaya Trail", ang mga Lokals at mag uuling ang nagpangalan dito, nakaktuwa sa Trail na ito wala kang makikitang Puno ng Papaya! haha, ikwento ko sa inyo dahilan! Sa likod ni Toxx Wood o kulungan ng mga manok na ang labas niyo rito.
Sumunod ang "Tung-Tong Trail", kadalasang dinadaanan ito ng mga palagi ng umaakyat ng Maranat, short-cut po ito, tawag pa ni Kap Edwin, may lugar sa Trail na yan na tinawag niyang "10 Minutes Trail" . . . mas mabilis po kasi yan, ang tagos mu na ay sa tindahan na ni Ate Julma!
Yoong isang Trail ay wala pang tawag, dipa napapangalanan ng mga Lokal's o Mamumundok na palagiang napanik sa Maranat. May Daan pa po sa Karahume, at ang Balagbag-Loop - ang orihinal na Loop ay kakain ng 5 - 6 na oras, pero kung sa Falls ang Tagos mo kaya ng 2- 3 Oras mula sa Balagbag! depende sa bilis mo.
Takip Silim sa Bundok Maranat
Napakaganda po ng Kabundukan, sana poy sama sama tayong , magtulungan sa ikaka unlad at pag papanumbalik ng dating Ganda, Yabong, at Sukal nito, alam naman nating Mahirap.. dahil may seryoso tayong mababangga sa Patuloy na Tahimik na pakikilaban ng Grupong Kapatid Maranat at Sagip kagubatan! Kwnetuhan tayo sa Taas, para sa mga detalye at sa mga bagay na nais niyo pang malaman!
Pinaka bagong update:
Matagumpay na naakyat ni Pinoy Mountaineer himself Dr. Gideon Lasco, kasama ang mga Kapatid na sila Kap Daryl, Kap Koi at Coby. - Awareness Climb . . . Inasikaso naman po sila ng mga kapatid sa taas, Kap Edwin, Kap Chet at Tatay Nestor Mismo, at iba pang naroon sa taas ng araw na yun! nitong Oktubre 17, 2014, biyernes.
Matagumpay din po at ligtas lahat ng kasali sa ibent na Dayhike ng Grupong "Malaya (International Outdoor Group)", nitong Oktubre 18, 2014, sabado, na pina ngungunahan ni Kap Danilo Candelario. Mabuhay po Kayo!
Sa mga Balak masilayan ang Ganda ng Mahal na Maranat, makatulong po sana itong mga impormasyong ito:
*Mula SM Fairview - Sumakay ng Jeep o Bus na Sapang Palay o Tungko Mismo - p15 - p18. baba ng
*Tungko (palatandaan Jollibee o BDO Bank) o Palengke, Maglakad papuntang Licao-Licao Jeep Terminal - p28 hangang Licao-Licao.
*Licao-Licao Terminal ... pwede kayong Mag trike hangang San Isidro Iskul (Barangay) o TungTong (mini palengke- shortcutt) - p30 isa.
*sa Barangay San Isidro Iskul - Log-In --- p10 bawat isa. (2-3 oras ang Trek Mula rito)
Sa mga nais kumuha ng Guide o Porter, maari po kayong makipag ugnayan sa Barangay si Hepe Bong po ang Mgbibigay sa inyo ng Guide. o maari namang sa Licao-Licao mismo sa Bilyaran, ung tindahan doon, nakatira si kap Edwin - (Chairman namin sa Sagip Kagubatan), maari kayong mag patulong mag-pakuha ng Guide o Porter.
Uulitin ko po, kung maabutan niyo kaming mga Kapatid Maranat o Sagip Kagubatan sa Trail o sa Licao-Licao, LIBRE PO namin kayong igigiya papuntang Maranat!
Kapag wala po kami, ang mga Bantay Kalikasan (binubuo ng Half-Dumagat), po ang makukuha niyong Guide, mga naka Dilaw na damit po sila.. ang alam ko po ay - p300 - p400. Ang kanilang singil, Guide and Porter, makipag usap nalang po kayo.
Maging RESPONSABLENG Mamumundok lang po tayo. . .
"Don't Let our Forest become
once upon a time!"
qlyyanina@hakilina
impinidad
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento