Sabado, Oktubre 18, 2014

TIBOK ng PULSO KO




Salamat sa Diyos, higit sa Lahat...
Maligayang Bati Mahal kong Prinsesa...



Wala ako ng mga unang segundo at minuto ng masilayan mo ang liwanag, at ng unang mahanginan ang iyong malambot na bunbunan, narinig ang iyong unang iyak, at habang lumalaki ka, isang taon lang kita diretso nakasama, ng mga sumunod na mga taon ay minsanan na lamang kita makita, hangang dumating sa puntong, umabot ng ilang lingo at buwan, palagiang malambing na tinig mo lang at mga kwento sa kabilang linya ng telepono ang komunikasyon ang aking nasusumpungan. Ikaw ang PINAKA Mahalagang bagay ng nangyari sa buhay ko munti kong prinsesa, ikaw ang nagbibigay lakas sa mga gawain at mga pinapasok ko, sa pag hakbang ko, sa mga gawain ko, inaalay ko sayo mahal ko, ikaw ang PINAKA Matamis na bagay na nangyari sa akin. Naalala ko ang buong araw na tugtog sa loob ng kwarto mo habang ikay payapa at mahimbing na natutulog, ng ikay sanggol pa, (They Long To Be) Close To You by The Carpenters.

On the day that you were born the angels got together.

And decided to create a dream come true.
So, they sprinkled moon dust in your hair of gold,
And star-light in your eyes of blue.




Lumaki kang Maganda, Magalang, at Malambing, isang bagay na labis kong pinag papasalamat sa Mommy mo, bagamat hindi kami nag katuluyan, hindi ka niya inilayo sa akin, patuloy ang kanyang pagtuturo at pag aalaga sa iyo, at pinakilala niya ako bilang Tatay mo, hindi niya pinutol ang komunikasyon na lubos kong ikina sisiya. Muli Liz, Taos pusong Pasasalamat at Respeto!

Hindi maikakaila na Anak kita, hehe biruan ng mga Ninong at Ninang mo,at ng mga kaibigan at malalapit sa akin, sa lapad ng ating mga Noo, san ka pa! Sasagot paba ako? Isa Kang Biyaya buhat sa Langit na labis na nagtutulak sa aking humakbang, at mag patuloy sa mga pag kakataong akoy pinang hihinaan, at napapagod, isang malambing na tinig mo lang at isang panalong ngiti, napapawi na ang aking Pagod, Pighati at Problema! Mahal na Mahal kita Munti kong Prinsesa, dalangin kong Lumaki kang Malusog, walang kahit ano mang karamdaman o sakit, Magalang sa lahat ng taong nakaka salamuha, Mabuting Anak sa Magulang mo at Ate sa mga Kapatid mo, Apo sa mga Lola at Lolo mo, at lumaking May Takot sa Diyos ng Higit sa lahat.



Sadyang napaka bilis ng Panahon, Espesyal na araw mo ngayon, gaya ng hiling mo manikang Frozen at Relo, itinabi ko na at ibibigay sa iyo, Loom bands na iniiyak mong magkaroon meron na din ako. At ibang gamit na labis mong ikakatuwa. May Date tayo ngayong linggo, isang araw pagtapos ng Kaarawan mo, ang pangakong dadalhin kita sa Water World, ay itinama mo haha, napakamot noo tuloy ako! (Boom Panot!)

- Dadi Rowmel, Ocean Park po un, hindi po Waterworld -

Salamat Liz, at mahihiram ko si Yanina ng Hindi kasama ang nag aalalga sa kanya, huwag kang mag alala hindi ko naman ki-kidnapin ang Anak ko hehe.





 

 Minsan naiisip kong hindi ako mabuting ama, pabaya o ano pa man, lalo na ng hindi na kita halos makita, alam kong may pagkukulang ako, hindi man ako perpektong tao o ama, pero isa lang masisigurado ko hinding hindi ka nawaglit sa isip ko kahit isang segundo, hindi ko man maibigay sa iyo lahat ng luho sa mundo, isa lang sigurado ko Mahal na Mahal kita at ikaw ang nagbibigay sigla sa akin! Sa maliit na bagay na kaya kong gawin, ibibigay ko sayo Munti kong Prinsesa.

Larawan sa Kaliwa: Nitong Abril lamang ng Mahiram ko siya sa Kaarawan ng Pamangkin ko, Katabi ni Yanina, Si JM naka bughaw na polo.






Ang kasiglahan na pirming ipinapakita mo anak, sa tuwing tayo ay nag kikita, o mahiram sa maalaga mong Mommy, natutuwa ako ng labis, nawawala ang lungkot ko o kahit ano pa mang kalungkutan nadarama, ang patakbong palundag na yakap na ginagawa mo sa tuwing nag-kikita tayo ay labis na nag papasigla sa akin, sa ano mang bagay na ginagawa ko! Dalangin kong pirmi kayong nasa maayos na kalusugan, lalo na ang Mommy mo, ng sapat at maayos kayong mapalaki, at maalagaan kasama ng dalawa mong napa-kukyut mong kapatid sa Daddy Ewa mo. Isang Pasalamat at Respeto din sa kanya at napakabait at responsable niyang Ama sa iyo.




Sapat ng Dahilan para isuot ko ang ngiti sa aking labi, sa ano mang bagay na ginagawa ko, ikaw ang insiprasyon ko, tunay ngang isa ka sa mga babae sa buhay ko na pinag kukunan ko ng lakas, hindi man kita parating nakikita o nayayakap, alam mong ngayon lang ito, ipinapangako ko sa iyo na darating ang pag kakataon na mag kakasama tayo, at hinding hindi kana mawawala sa tabi ko, lagi mo lang tatandaan sa bawat gawain mo, sa mga sandaling nahihirapan ka, pinanghihinaan, o kailangan mo ng kausap, kaibigan o simpleng nais mo lang ngumit, mahal kong anak nandito si Dadi Rowmel mo, itataya ko ang lahat para sa iyo Munti kong Prinsesa . . . Maligayang Bati sa ika Pitong Taong Kaarawan mo Yanina ko!
Nandito ang Dadi palagi para sa iyo, PANGAKO. . .

Ikaw ang Tibok ng pulso ko mahal ko. . .


Para Saiyo ito . . .
qlyyanina@hakilina
impinidad



2 komento:

  1. naluha naman ako dito.....saludo ako sa mga ama na tunay na ama sa salita at sa gawa. Pagpapala lage at gabay ni Bathala ang sumainyo. Bilang isang ina, nadarama ko ang labis na pagmamahal mo kapatid :) Padayon!

    TumugonBurahin
  2. Sanlaksang Pasasalamat po, nagyon ko lang muli nabasa ang pitak na ito, kakagaling kolang kahapon sa Ospital at binantayan ang Yanina ko, hindi nawaglit ang pagtingin at paghalik ko sa kanya kahapon! Maayos napo siyang nakauwi! Pagpalain kapo ng Bathala ng Kalikasan at ng Ama... Matsala ... Padayon!

    TumugonBurahin