Huwebes, Oktubre 16, 2014

YOLANDA: PAGHAHANDA sa PASIG


Salamat sa Diyos...

Hinati ko po sa Apat na Bahagi ang gagawin kong pagpapakilala sa Grupo, at ang aming Operasyon noong isang taon. Bago pa mag anibersaryo si Yolanda mai-post ko na itong unang Bahagi! Nobyembre a-Otso, Dosmil Trese, petsang hinding-hindi makakalimutan ng Sambayanang Pilipino, lalo na ng mga Kababayan, Kamag anak, Mahal sa Buhay at Kapatid natin sa parteng Kabisayaan.

Ang una po ay ang, YOLANDA: Paghahanda sa Pasig, preparasyon namin mula sa Pasig patungong Naga, ang paglikom ng mga tulong na paketeng dadalhin sa mga nasalanta ng Bagyong Yolanda. Partikular sa Eastern Samar at sa Homonhon Island. Ang mga Anghel sa Daan na nagbigay Lakas sa amin upang kami ay lalong ganahan at magpatuloy sa pag-sulong at pag hakbang.



Unang Kabanata:


Nagsimula ng alas nwebe ng gabi Katorse ng Nobyembre dosmil trese, sa Pasig, sa may Road 66, kela bossing doon, hehe, isang linggo matapos ang Pananalasa ni Yolanda sa Buong Kabisayaan. Ang Balita sa radyo at telebisyon, maging sa mga peryodiko ay ang Bangis at iniwang pinsala ni Yolanda. Si Sir Jonnel Lacaba, nagpahanap ng mga boluntaryong indibidwal na handang magbigay tulong sa Kabisayaan, isang lingo lang inisyal na plano pero maging handa raw sa biglaang pagbabago ng itineraryo!  Bukas na iteniraryo!



Nagmula sa Ibat Ibang Mountaineering Group, Rescue Team, Trail Runner, Biker at iba pa. Nagkasama sama at nag kaisa sa iisang Layunin at Hangarin! Tutulak ng Lakas ng Loob, at tibay ng sikmura lang dala, 6 wheeler truck na may mga paketeng pagkain, delata, tubig, instant nudels at iba pa. Tutulak ng Bukod sa may kani-kanila pang trabaho at gawain na naiwan,ay walang alinlangan na Susulong sa Mithiin at Hangaring Makatulong, sa Kapwa, lalong-lalo na,sa mga kababayang nasalanta at labis na naghihirap, ang Baon at Panalangin sa Diyos na Marami kaming matulungan kahit sa Maliit na pamamaraan namin, Boluntaryo po kami lahat, walang ano mang Pulitiko o ano mang BIG Networks, ang kumarga sa Grupo, may mangilan-ngilan nagtangka, ngunit ang gusto nilay ilagay ang kanilang mukha sa mga plastik na Pakete na bitbit namin! Na hindi pinahintulutan ng aming Team Leader. Pagtitiwala lang po sa bawat isa at Pananalig sa Diyos na Lumikha ang Bitbit, Mula PASIG hangang NAGA City sa BICOL, Labing Tatlong Oras sa Loob ng Mainit na 6 Wheeler Wing Truck.




                     Kasama namin ang mga Paketeng naka Sako, naka bote at naka Karton.
                        Pagsilip sa Loob ng Wing Truck ng Labin-tatlong Oras na Biyahe!

Makalipas ang Halos walong oras na biyahe, nakahiga sa trapal sa ilalim ay aming mga damit. Alas singko y medya ng umaga, a-kinse ng Nobyembre nakarating ang Grupo sa Gumaca,Quezon Province, kailangan maka langhap ng sariwang hangin. Kumakalam na din ang sikmura,at ng makaihi naman kahit papaano, mga biskwit na baon at tubig ay ubos na, minabuting huminto at pa-hanginan din ang gulong ng Truck, at Sabay-sabay ng mag almusal ang Team, "LOLO OMPO", ang napiling kainan , mura at masarap daw kasi ang mga pagkaing pares at sabaw dito, kaya dito na kami humimpil ng makakin at makapag pahinga din at maideretso ang mga kalamnan at mga litid sa pag kakabaluktot ng walaong oras sa Truck.




Umorder ng tig-iisang tapsi, at sang' damukal na sabaw, sadyang un lang ang nakayanan ng Team, bulong pa ni Sir Jonnel, ung mura lang daw ang kainin at piliin, kasi di aabot sa budget, tipid-tipid din pag may time.!  Napapasarap na ang kainan, nag kakatuwaan , at bakas na bakas ang labis na pagka gutom, at ginhawa sa napakainit na sabaw, at malamig na tubig at sarap ng pagkain, solb na sabi nga, rapsa!  
Nagulat ang lahat ng biglang nagdatingan at ihain sa amin ang ilang masasarap na pag kain, mga pamoso at mabebentang pagkain ng restorant, bahagya kaming natigilan at nag tinginan, sabay-sabay na tanong,"Kanino po ito Galeeng?". walang umimik, tuloy ang kain, hinain eh, sayang naman kung walang kakain, haha biruan pa ng tropa! Napaksarap na Kapeng Barako, Sabaw, Pansit, at mga matatamis na Suman at iba pa.
Oras na nag bunutan ng share, tumayo si Sir Jonnel, para tanungin ang total na halaga ng aming nakain. Sumenyas ng "LIMA" ang may ari ng resto, sa pag aakala naming p500 lang ang total na nakain namin, natuwa kami at bakit ganun kamura ung mga nilantakan namin! Labis kaming nagulat ng iaabot na ni Sir Jonnel ang halagang p500, ng hindi ito tangapin ng may-ari, ng malaman niyang tutulak daw kami pa Tacloban nagpasya siyang huwag ng pabayaran ang mga kinain namin, bagkos, dinagdagan pa ng sobra, tunay ngang isa kang Anghel Ma'am Merlyn, Mula po sa Grupo namin, Taos pusong pasasalamat at Pagbati ang aming ipinaparating, Pagpalain po kayo ng poong May kapal! ito nadaw ang kanyang Tulong sa amin ng Maayos naming maiparating ang aming Bitbit na tulong.


Kasama si Ma'am Merlyn, at mga kasama sa Resto, Selfie muna.

              Salamat po, sanay makabalik ang tropa sa Lugar na ito, at makabawi naman! hehe

Tuloy ang Larga sa tinutumbok na lugar. Tapos na ang almusal, pinag kalooban kami ng unang Anghel sa Daan, ilang Oras nalang nasa destinasyon napo ang Grupo, ng maka resib ng text si Sir Jonnel, buhat sa Lead ng USTMC, dumaan daw po kami sa Bahay nila at may idadagdag daw silang Relief Goods, hindi na kami nag atubili, inalam na agad ang eksaktong lokasyon nila, at dina-anan isang kakilala ni Sir Jonnel na naka base sa Naga. 


Eksakto alas dose ng tanghali, dumating kami sa Magandang tahanan nila Sir Bidge Villaroya. Sa isang magandang subdivision sa Naga City, pangalawamg Anghel sa Daan na aming masasabi, pinag handa po kami ng Bongang-Bongang Pananghalian!!! Salamat po at hindi kami pinapabayaan ng Mahal na Ginoo, patuloy ang bigay at buhos ng mga Biyaya sa Daan.





Larawan sa itaas ang masarap at masagana naming kainan, pinag kaloob ni Sir Bidge, (naka Gray Shirt, kanang itaas), at ng kanyang pamilya. Pagtapos ng nakaka-dighay na kainan, nakibalita sa pinakabagong kaganapan tungkol sa Bagyong Yolanda, nanood ng telebisyon, nakipag kwentuhan sa kanila, at pagkakataon para mag-text sa mga mahal sa buhay na naiwan sa Manila. Nakakuha ng pinaka huling update sa kaganapan sa Tacloban at ibang parte ng Kabisayaan, ipinaalam na po sa amin ni Sir Bidge kung saan kukunin ang dagdag nilang Relief Goods para sa mga nasalanta. 



Dagdag pagkain, ilang Kahon ng Botelyang tubig, mga Delata, Nudels, Kape at iba pa. At mga Tinapay at Tubig Baon daw namin sa mahabang biyahe pa!
Agad naming tinungo ang lugar na pagkukuhaan ng mga Pakete, at ikinarga na po sa aming Truck! Lalo po kaming ginaganahang makarating sa Tacloban at ibang parte ng kabisayaan, bagamat hindi ganun karami ang aming dala, ito ay sapat na para makatulong kahit paano, at makapag bigay pag-asa sa mga  kababayan nating pinaghihinaan na ng loob, ng mga panahon na iyon!

Larawan sa kaliwa: Dagdag Paketeng ipinagkaloob ng Villaroya's Family! Muli po ang taos puso naming pasasalamat, tunay ngang nakaka inspire at nakaka gana ang mga ganitong klaseng kababayan natin na handang mag bigay at mag kaloob ng kanilang tulong. Pagpalain po kayo ng Poong May kapal. At tumulak na po ang Grupo sa destinasyon.


Alas tres ng hapon, narating napo namin ang NAGA City, titigil kami sa Jesse M. Robredo Coliseum, isang malaking istadyum, na ipinangalan kay Idol Sec. Jesse. Tatlong oras ding namiss ang bahagyang liwanag at sariwang hangin, dahil nasa loob kami ng Wing Truck, buong biyahe! Nakakatuwang alalahanin ng pag-angat ng kanang pakpak ng Truck namin, kanya kanya  kaming pose, nagulat kami ng makitang maraming tao ang naka-abang at nakatingin sa aming Truck, maraming bilang at mahabang pila ng mga tao ang nandoon, animoy naka pila para humingi ng Relief Goods, bagko's ay kaniya kaniya silang bitbit ng mga paketeng maitutulong sa Tacloban, ang Istadyum pala ang bagsakan ng lahat ng Relief Goods na ibabahagi at ipapamigay sa Tacloban at ibang parte ng Kabisayaan! Proud to be, napaka sarap sa pakiramdam ng malaman namin yun! Dagdag Gana, at inspirasyon sa amin!

  Larawan sa Itaas: unat-unat muna ng mga kalamnan, konting oras nalang at Naga City na!
  Larawan sa Ibaba: Sa wakas nasa Naga City na JMR Coliseum.




Ibinaba na ang mga Gamit, inayos ang mga Pakete sa Truck, isinasaayos ang pag biyahe patungong Tacloban, nawa'y maka tulak na patungong Tacloban, ng maipamahagi na ang dalang tulong sa mga nanga-nagilanagn! Nagpahinga at tumulong sa ilang buhatin at ayusin sa Istadyum, habang nakikipag usap si Sir Jonnel, sa kinauukulan para sa aming masasakyan pa tungong Tacloban. Inabot ng dilim, inisyal na usapan ay hindi maka bibyahe ang Grupo ngayong araw, maghintay daw ng kinabukasan para mapa-linya at ma prioritize sa biyahe! Mag alas siyete na ng gabi, hapunan na, buong akala mahihirapan na naman maghanap ng makakainang mura, abot kaya at masarap! Bumuhos muli ang Biyaya ni Big Bro, ang kakilala at tropa ni Kap Koi Grey, Trail Runner din, na taga Naga, inako na ang Hapunan ng Grupo. Ibang klase talagang biyaya, hindi kami pinapabayaan, patuloy na may mga Anghel sa bawat lalapagan.



Kilala daw at masarap ang Lutuin sa Resto na ito, ang pinaka pamoso nilang Bulalo ang aming Inorder, abay lahat ng masarap sa Buhay ay libre, haha salamat sa Tropa ni Koi, at walang ka abog-abog niyang sinagot ang hapunan ng buong grupo, mula Driver, 3 pahinante at kaming Sampu, maganda ang ambience, at malinis ang resto, dahilan para kami ganahang kumain hehe! "PODO Grill & Bulalohan ", Boom Solb! Taos Pusong Pasasalamat Sa Tropa ni Koi.



                                        Walang pansinan muna ang Peg ng Grupo!

Pagtapos ng makabundat na kainan, at kwentuhan pasalamatan, kailangan na naming magpahinga, ang SAR ( Search and Rescue ) Team ng Naga City na "RED TAG", ay isang linggo ng nasa Tacloban, Rescue and Relief Operations din ang ginampanan nila. Doon muna kami pinatuloy sa HQ nila na nasa JMR Coliseum din, may umampon kagad sa amin, coordinated with the Team Lead and Other Local Officials, habang wala ang RED TAG Team, kami po muna ang tatao at tutulong sa pag lilikom ng patuloy na buhos ng Tulong ng mga bicolano, na binabagsak sa JMRC. Iniskedyul na din ang aming biyahe pa Tacloban, nakikipag coordinate na ang Team, partikular ang aming Team Lead na si Sir Jonnel. habang nag hihintay, patuloy po kaming nag paparami ng pakete at tutulong sa pag sasa-ayos ng mga bumubuhos na tulong!





Larawan sa Kaliwa - Sa HQ ng RED TAG SAR Team ng Naga City.


Nag umpisa na ang Bakbakan eka nga, hiling ng bawat isa at dalangin na panatilihin kaming Malakas at Ligtas, malayo sa disgrasya at kapahamakan, at ng maayos naming magampanan ang aming sinimulang Operasyon!




 
Sa mga Dagdag Larawan na nais niyo pang makita, paki check lang po itong Facebook link na ito;  https://www.facebook.com/rommel.c.sandoval/media_set?set=a.10200360662618361.1073741863.1808874435&type=3

 
TEAM RESQWORKS-CONQUER

Team Leader: 
Jonnel Ong lacaba

Team:
Joel Gayoso
Gutierez Grey
Peter John Andaman
Marlon Prudente
Erwin Manes
Angelo nagara Palomo
Toto Ramos
Koi Grey
Omeng Sandoval

*** Grupong Nabuo mula Pasig Hangang Naga City.
si Yolanda - http://en.wikipedia.org/wiki/Typhoon_Haiyan

Mga Susunod:

YOLANDA: Naga, Pa-Tacloban, Pagda-dagdag ng Paketeng dadalhin at paghahanap ng masasakyan patungong Kabisayaan! Ang 6 wheeler nadala namin buhat Pasig naging 10 Wheeler sa tulong ng mga Bicolanos! Re-Packing, Karga-dito, Karga doon ang sistemang inikutan ng Grupo doon.

YOLANDA: Tacloban, Pa-Guian Eastern Samar, preparasyon ng pagtulak pa Eastern Samar, ang nakakalungkot na Mukha Mula Tacloban biyahe patungong Guian Eastern Samar. Pag bibigay kahit papaano ng konting Pakete sa mga nadaraanan, mahal sa buhay ng isang miyembro sa Team at iba pa.

YOLANDA: Guian E.Samar patungong Homonhon Island, ang paghimpil ng Grupo ng ilang araw sa Guian E.Samar, ang pagtulong sa amin at pag ampon ng CARD Group na ang layunin din ay ang Tulungan ang kanilang kababayan, pagtulong at paghahanap ng masasakyan pa Isla ng Homonhon!






Para saiyo ito...
qlyyanina@kumander
impinidad








Walang komento:

Mag-post ng isang Komento