Biyernes, Oktubre 24, 2014

YOLANDA: NAGA pa-TACLOBAN (usa)




Salamat sa Diyos...

Naipakilala ko napo sa unang bahagi ang grupo kahit papano, mas malalim niyo pong makikilala ang bawat isa sa talaarawan na ito, at ang aming Operasyon noong isang taon. Bago pa mag anibersaryo si Yolanda mai-post ko na itong Ikalawang Bahagi!  

YOLANDA: Naga, Pa-Tacloban, Pagda-dagdag ng Paketeng dadalhin at paghahanap ng masasakyan patungong Kabisayaan! Ang 6 wheeler nadala namin buhat Pasig naging 10 Wheeler sa tulong ng mga Bicolanos! Re-Packing, Karga-dito, Karga doon ang sistemang inikutan ng sistema ng Grupo doon..



Ikalawang Kabanata:

Ikalabinganim ng Nobyembre dos-mil trese, patuloy ang bagsak at dating ng mga Relief Goods, ibat-ibang pakete nagmula sa buong Kabikulan, nakakataba ng puso at nakakatuwang isipin ang pagtulong ng bawat isa, mahirap o may kaya, sunod sunod po ang pag buhos ng mga tulong, hindi na namin alintana ang pagod at hirap, ang mga kargang pakete ng 6 Wheeler Wing truck namin ay dinis-karga at inal-was ang laman, laking pasalamat namin sa sobrang dami ng mga tulong, ang 6 wheeler na Truck na dala namin mula pa ng Pasig ay naging 10 Wheeler Truck na!  Salamat po!


Sunod-sunod na buhos at dating ng mga Tulong Biyaya para sa mga nasalanta .


 
                            Diskarga at Karga ang Palagian naming ginagawa sa Naga.


                Mga Delata, Bigas, de-botelyang Tubig, Nudels, mga personal at pangunahing pangangailangan ng ating mga kababayan sa Kabisayan, ang patuloy na bumabaha sa Naga!



Laking pasasalamat namin, dahilan para lalo po kaming ganahan at mag pursigeng tumulak na papunta ng Tacloban at ibang parte ng kabisayaan! Ngunit kailangan pa naming mag hintay, paparating palang ang Grupong RED TAG, SAR Team ng Kabikulan na nauna sa amin ng isang Linggo sa Tacloban! HIntayin namin ang pagdating nila, upang malaman namin ang pinaka huling kaganapan sa Tacloban, at ng malaman din namin ang dadatnan at masusumpungan ng Grupo pag lapag namin sa Tacloban. Para mapaghandaan namin at ng mabatid namin ang kailangan! Mapag planuhan ng maige ang gagawin.
Larawan sa itaas: Ang ilang silid at kuwarto sa JMR Coliseum, ay ginawang tambakan ng mga pakete, maraming silid ang ginawang  re-packing area, sa tulong ng boluntaryong mamayan ng Naga, at boluntaryong estudyante ng ilang High School.


  
 
Ilang pasilidad sa JMR Coliseum, ay pinag-lagakan ng mga damit, pinipili at nilalabhan para muling ibalot, nakakatuwang katwiran nila, mas mainam na isuot na nila ito kaagad, mabango at maayos! wala na ngang makain , wala pang maisuot!

de-botelyang tubig, ilang sakong bigas, mga delata ang nire-repack sa silid na ito, isang Values Teacher (naka dilaw), ang nangunguna sa pag sasaayos!



 Pagtapos ng maghapong buhatan, ipapatawag upang mag pulong, nakaresib na ng pinaka huling balita buhat sa Tacloban, isang araw nalamang ay dardating na ang Grupong RED TAG (SAR), kaya kailangan na naming ihanada ang kung ano pang dapat ihanda!
 Larawan kuha sa Loob ng Opisina ng RED TAG sa JMR Coliseum.





  
Pag hihiwa-hiwalay ng mga personal na gamit, na ipapamigay din sa Tacloban, mga toothpaste, toothbrush, shampoo, sabon, ibinabalot muli at nilalagyan bawat paketeng ipapamigay!

Larawan kuha sa loob HQ ng RED TAG (SAR ), sa JMR Coliseum.


Si Hadil Adnan, Egyptian RN, na naka base sa Naga, mag isang nilalabhan ang mga Damit na binabagsak ng araw na iyon, ito lang daw ang kanyang maitutulong, kaya ng niyaya namin siyang sumama sa amin sa Tacloban, mabilis niyang nasagot ay "oo, Masama aku ah!" , matatas siyang mag Bicol at mag ingles, pero tagalaog hindi!


  Inabot na ng Gabi ang Buhatan, mga Sako ng bigas na ire-rapack, pahinga isang araw nalang tutulak na kami ng Tacloban! kaya pinag hahandaan na po lahat!


                                            Kap Chad Grey at Ako, Selfie sa SM Naga


Chin Po Tong Volunteer Fire Brigade Inc. Tumulak din po ang Grupo nila sa Tacloban, pabalik palamang ng Bicol ng mga panahon na iyon!


 Sa Paanan ng Bundok Isarog, Hot Spring, libre kaming naki langoy, isang araw bago tumulak ng Tacloban.


 Mga huling araw namin sa Naga, bago tumulak ng madaling araw, may sumama sa amin para ikutin kahit papaano ang kagandahan ng Bicol! Maraming Salamat po! Bak-bakan na po ang sususnod na Bahagi! natuloy nadin ang pag-sulong sa Tacloban.

Sa mga gusto pang makita ang iba pang Larawan, paki check niyo po ang Facebook page link na ito!

https://www.facebook.com/rommel.c.sandoval/media_set?set=a.10200360662618361.1073741863.1808874435&type=3



TEAM RESQWORKS-CONQUER

Team Leader: 
Jonnel Ong lacaba

Team:
Joel Gayoso
Gutierez Grey
Peter John Andaman
Marlon Prudente
Erwin Manes
Angelo nagara Palomo
Toto Ramos
Omeng Sandoval

 * Dagdag sa grupo Mula Naga:
Grace lim ( Vanessa )
Kuya Lito
 - mayroon silang Pamilya na Nasalanta sa Tacloban na halos isang linggo na silang walang balita, nakiusap na sumama sa grupo namin sa pagpunta sa Tacloban, at bilang kapalit tutulong daw sila sa Reapcking na ginagawa namin ng mga panahonna iyon.

Koi Grey - Hindi na niya kami nasamahan sa Tacloban, gawa ng may Karera siya ng Sabado, araw ng pagtulak namin pa-Tacloban. Salamat Kapatid, naipanalo niya ang Karerang nilahukan. Alay Para sa Tacloban. 

*** Grupong Nabuo mula Pasig Hangang Naga City.

si Yolanda - http://en.wikipedia.org/wiki/Typhoon_Haiyan

Mga Susunod:

YOLANDA: Tacloban, Pa-Guian Eastern Samar, preparasyon ng pagtulak pa Eastern Samar, ang nakakalungkot na Mukha Mula Tacloban biyahe patungong Guian Eastern Samar. Pag bibigay kahit papaano ng konting Pakete sa mga nadaraanan, mahal sa buhay ng isang miyembro sa Team at iba pa.

YOLANDA: Guian E.Samar patungong Homonhon Island, ang paghimpil ng Grupo ng ilang araw sa Guian E.Samar, ang pagtulong sa amin at pag ampon ng CARD Group na ang layunin din ay ang Tulungan ang kanilang kababayan, pagtulong at paghahanap ng masasakyan pa Isla ng Homonhon!






Para saiyo ito...
qlyyanina@kumander
impinidad

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento